Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Magdyowa libre sa LRT sa Heart’s Day

May sorpresang naghihintay para sa mga mag-asawa at magkasinta-hang pasahero ng Light Rail Transit (LRT) nga-yong Valentine’s Day. Mamimigay ng lib-reng tickets ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa mga magkasintahang sasakay ng LRT 1 at 2 sa Pebrero 14. “On Valentine’s Day, LRTA will give away free tickets to selected romantic passenger couples spotted at the lines 1 and …

Read More »

Amok, kaanak tigok sa parak (Ina, tanod sugatan)

PATAY ang isang lalaking nag-amok nang ba-rilin ng isang pulis matapos saksakin ang kanyang ina, isang kaanak at barangay tanod sa  Sta. Cruz, Maynila, kamaka-lwa ng gabi. Namatay din ang kaanak ng amok  na kinilalang si Madlyn Kane Lee, 31, residente sa 2137 M. Hizon St., ng nasabing lugar. Dead on the spot  ang amok na si Mark Victor Yanguas, …

Read More »

Groom-to-be utas sa holdaper

HINDI  na matutupad ng isang binata ang pangakong pakakasalan ang kanyang  girlfriend, matapos pagbabarilin ng apat na hindi nakilalang suspek, habang papasok sa kanyang trabaho sa Ma-labon City, kamakalawa ng umaga. Dead on arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ang biktimang kinilalang si Rafael Baclea-an, 29-anyos, ng Lapu-Lapu Avenue, Brgy. Longos, sanhi ng apat na tama ng bala ng …

Read More »

Tulong-pinansyal sa Florida bus victims tiniyak

TINIYAK ng Palasyo na makatatanggap ng tulong pi-nansyal ang mga kaanak ng mga namatay sa naaksidenteng bus ng Florida Transport Corporation sa Mt. Province. Sinabi kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., batay sa pag-uusap nila ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB)  Chairman  Winston Ginez, P150,000 ang makukuha ng bawat naulilang pamilya mula sa Florida Transport at insurance …

Read More »

Ama ng komedyante pinatay sa Quezon

NATAGPUANG patay ang ama ng komedyanteng si Jeffrey Tam sa Quezon province kamakalawa. Si Alfredo Francisco Tam, 67, ay natagpuang wala nang buhay sa gilid ng kalsada sa boundary ng Tayabas City at Lucena City dakong 2:30 p.m. Ayon sa Tayabas Police, ang bangkay ng biktima ay ibi-naba sa gilid ng kalsada ng dilaw na Isuzu Crosswind. May natagpuan ang …

Read More »

GOCCs, GFIs employees umapela kay PNoy (Para sa sahod, posisyon at promosyon)

MANIFESTO. Kapit-kamay, walang iwanan at taas-kamay na nagkaisa ang grupo ng Kapisa-nan ng mga Manggagawa sa GOCCs at GFI (KAMAGGFI) na binubuo ng 16 unyon ng mga manggagawa sa mga korporasyon ng gobyerno, sa ginanap na press conference sa National Press Club upang ipahayag ang manifesto ng mga hinaing at kahilingan kay Pangulong Benigno Aquino III para sa makatuwiran at …

Read More »

AXN, Fox inasunto ng solon (Nakikialam sa lokal na telebisyon)

KASUNOD ng kanyang privilege speech sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa “tunay ng kalagayan ng cable television (CATV) sa Pilipinas” at ang “posibleng ilegal na pagpasok ng mga banyagang kompanya” sa nasabing industriya, naghabla ng magkakahiwalay na kaso si Kabataan partylist Rep. Terry Ridon sa Korte Suprema laban sa mga dambuhalang banyagang kompanyang AXN Network Philippines Inc., at Fox International …

Read More »

P1-B pekeng produkto huli ng BoC sa Parañaque

NASABAT ng Bureau of Customs (BoC) kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) at Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang tinatayang P1-bilyon halaga ng mga pekeng produkto sa isang raid sa Parañaque City, nitong Martes. Kabilang sa mga kontrabandong nahuli ang mga sapatos, damit, toiletries, at kung ano-ano pang aksesorya at sako ng bigas na pinaniniwalaang galing sa …

Read More »

Ospital na lalabag sa ‘no billing policy’ parurusahan ng PhilHealth

NAGBABALA si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President and Chief Executive Officer Atty. Alexander Padilla na kakasuhan ang mga ospital na lalabag sa ipatutupad na no balance billing policy para sa mahihirap na mga pasyente. Ayon kay Padilla, ang alin mang ospital na mapatutunayang sumingil ng bayad sa mahihirap na pasyente ay sisingilin nang triple ng PhilHealth. Inihayag ito ni …

Read More »

Taiwanese drug lord iniimbestigahan

ISANG “big-time” Taiwanese drug lord na alyas “Mr. Go” ang minamanmanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa pagpapalusot umano sa bansa ng ilegal na drogang shabu mula sa bansang Taiwan. Ang negosyo umano ng nasabing drug lord sa bansa ay pagsu-supply ng mga gamit …

Read More »

Marijuana bilang gamot kinontra ng DoH

HINDI pa mairerekomenda ng Department of Health sa Kongreso na gawin nang legal ang paggamit sa marijuana bilang gamot. Sa pagdinig ng House committee on dangerous drugs, sinabi ni Health Usec. Nemesio Gako, kailangan munang magkaroon ng mas maraming pag-aaral sa paggamit ng medical marijuana para mabatid kung mas marami itong benepisyo kompara sa panganib. Ayon kay Gako, sa ngayon …

Read More »

Kaso vs ‘termite gang’ ibinasura ng piskalya (Sa Pasay City)

NABALEWALA ang pitong oras na operasyon ng mga operatiba ng Pasay city police matapos ibasura ng piskalya ang mga kasong isinampa ng pulisya laban sa pitong miyembro ng tinaguriang “Termite Gang” na nagtangkang looban ang mga bahay-sanglaan sa pama-magitan ng pagdaan sa imburnal noong nakaraang linggo sa natu-rang siyudad . Sa tatlong pahinang resolusyon ni Pasay City Assistant City Prosecutor …

Read More »

Rep. Haresco, 4 pa kakasuhan sa SARO scam

INIREKOMENDA ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Department of Justice (DoJ) ang pagsasampa ng kasong pamemeke ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa Region 11 at Region XI laban sa limang opisyal kasama na ang isang driver ng Department of Budget and Management (DBM). Kabilang sa pinakakasuhan sa isinagawang imbestigasyon ng Anti-Graft Division (AGD) ng NBI ay …

Read More »

13-anyos student athlete naospital sa boksing

ISINUGOD sa pagamutan ang 13-anyos estud-yante sa Antique na sasabak sana sa Regional Athletic Meet ng Department of Education (DepEd), matapos tamaan ng suntok sa ulo habang naghahanda sa lalahukang palaro na boksing. Ayon sa ulat, naki-kipag-sparring ang mag-aaral bilang paghahanda sa kompetisyon sa Linggo. Ngunit tinamaan ang kaliwang bahagi ng ulo ng mag-aaral kaya siya nahilo at sumuka. Agad …

Read More »

Kelot utas sa kandungan ng magsyota (Hinabol ng tandem sa driver’s seat)

SA kandungan ng magkasintahang pasahero  sa tabi ng driver’s seat  binaril at napatay ng hindi nakilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo, ang isang  45-anyos  lalaki, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Supt. Frumencio Bernal,  station commander ng MPD Station 7 headquarters, kinilala ang biktimang si Dexter Dacanay, ng 1301 Interior F. Rose St., T. Bugallon …

Read More »

Sulat ng PH Winter Olympian kay PNoy naisnab?

AALAMIN ng Malacañang kung mayroon ngang sulat na ipinadala sa tanggapan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang nanay ng nag-iisang Filipino winter Olympian na si Michael Christian Martinez para humingi ng tulong sa gobyerno. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, beberipikahin niya kung may sulat na nakarating sa Palasyo. Ayon kay Teresa Martinez, makailang beses siyang sumulat sa Malacañang …

Read More »

Dep’t of Sports isinulong ni Trillanes

BUNSOD ng kawalan ng pag-asa sa kalagayan ng national sports program, isinulong ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang pagtatatag ng Department of Sports upang magpatupad ng mga reporma sa administrasyon ng sports development sa bansa. “Napakahirap para sa atin na makamit ang katayuan bilang isa sa mga sports powerhouse na bansa, na may matatag at mahusay na national …

Read More »

Roadworthiness ng PUVs ipinatitiyak ni PNoy

INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang kinauukulang mga ahensya ng gobyerno na paigtingin pa ang trabaho para matiyak ang “roadworthiness” ng lahat ng public utility vehicles (PUVs) upang maiwasan maulit pa ang mga aksidente sa daan. Ayon kay Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr., patuloy na tinututukan ng gobyerno ang pagiging ligtas ng mga pampublikong sasakyan, lalo na ang …

Read More »

Junk shop ng kagawad 1 pa, sangkot sa chop-chop vehicle (Pito katao arestado)

Arestado sa Caloocan ang pitong lalaking pinaniniwalaang sangkot sa pag-chop-chop at pagbebenta ng mga nakaw na pampasaherong jeep, mula sa iba’t ibang lugar sa Laguna. Batay sa impormasyong nakalap ng pulisya, sangkot din sa operasyon ng grupo ang isang barangay kagawad. Mula Caloocan, umabot ang follow-up operation sa Dagupan Street at Daang Bakal, Tondo, Maynila, at tumambad sa mga pulis …

Read More »

Gulo inawat ama tigbak anak sugatan sa bagitong parak

PATAY ang isang 38-anyos ama, nang magresponde sa nagaganap na kaguluhan sa kanilang lugar, pero sinamang-palad na nabaril at napatay ng bagitong pulis habang sugatan ang dalagita niyang anak sa Parañaque City, nitong Sabado ng gabi. Nalagutan ng hininga bago idating sa Parañaque Doctors Hospital si Joseph Arquillo, ng 030 Blk 3, Cherry East Compound, Brgy. Sun Valley, sanhi ng …

Read More »

Kredibilidad ni Ruby kinompirma ni De Lima

NANINDIGAN si Justice  Secretary Leila de Lima na may kredibilidad ang mga testigo sa Priority Development Assistance (PDAF) at Malampaya fund scams partikular na ang state witness na si Ruby Tuason, ang aide ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada. Sinabi ni De Lima, ang paglantad ni Tuason bilang isa sa pangunahing testigo ay upang ibunyag ang mga …

Read More »

Florida bus idineklarang kolorum ng LTFRB

Hinimay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga paglabag ng GV Florida Bus, na sangkot sa aksidenteng ikinamatay ng 14 katao. Sa panayam kay LTFRB Chair Winston Ginez, sinabi niyang nagkaroon ng benta-han sa pagitan ng Mt. Province Cable Tours at GV Florida nang hindi dumaan sa kanilang tanggapan. Setyembre 2013 nang mabili ng Florida Bus ang …

Read More »

Mister nang-hostage ng 5 anak, pamangkin (Misis lumayas)

DAHIL sa labis na selos ng mister, ginawa niyang hostage ang kanyang limang maliliit na anak at isang pamangkin babae, mapauwi lamang ang kanyang misis na lumayas sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Umiiyak  at nagmamakaawa ang suspek  na si Emmanuel Palasol, 30-anyos, na bumalik na ang misis niya matapos siyang mapasuko ng mga awtoridad sa tatlong oras na negosasyon. …

Read More »

2 patay, 12 naospital sa kamoteng kahoy

NORTH COTABATO – Patuloy na sinusuri ng mga kawani ng Department of Health (DoH-12) ang pagkalason ng mga katutubong Manobo pagkatapos kumain ng kamoteng kahoy sa lungsod ng Kidapawan. Kinilala ang mga namatay na magkapatid na sina Irene Diarog, 4, at Jessica Diarog, 3, habang patuloy na ginagamot sa ospital sina Renalyn Almadin, Ronalyn Almadin, Alvin Diarog, Arnel Diarog, Honey …

Read More »