Thursday , June 4 2026

Cebu politician, kolehiyala tiklo sa ‘Yugyog’ ng kotse (Sa no parking area)

121414_FRONTCEBU CITY – Naging usap-usapan ang pagkahuli sa isang barangay councilor ng mga kasapi ng Mobile Patrol Group (MPG) sa Brgy. Sto. Niño, lungsod ng Cebu pasado 1 a.m. habang may ka-sex na isang kolehiyala.

Nabatid na isang kilalang tao ang konsehal dahil may mga negosyo siyang matatagpuan sa downtown area ng lungsod.

Ayon sa kontrobersi-yal na konsehal, hindi totoo ang pahayag ng mga awtoridad na nakikipag-sex siya sa mas batang babae sa loob ng kanyang kotse.

Ngunit inamin niyang naka-park ang kanyang magarang kotse sa mga sandaling iyon sa gilid ng RR Landon St., lungsod ng Cebu.

Ang nasabing konsehal ay may asawa at may mga anak at matagal na rin sa public service.

Sa police blotter ay nakasaad na nagsasagawa ng patrolya ang unit ng MPG sa nasabing lugar.

Sinasabing nakita sa gilid ng kalsada ang kotse ng konsehal katabi ng no parking area sign board.

Nagduda ang mga awtoridad kung bakit nasa madilim na lugar naka-park ang kotse at gumagalaw na parang ‘niyuyugyog.’

Nang bumaba ang kasapi ng MPG sa patrol car agad nilapitan ang kotse at inilawan ng dalang flashligt.

Sa puntong iyon, nakita ang konsehal at ang 4th year student mula sa isang sikat na Catholic university, na hubo’t hubad.

Hindi binulabog ng mga awtoridad ang dalawa at hinintay muna nilang matapos kaya inaabangan sa eskinita upang imbitahan sa pulisya.

Samantala, nahaharap sa kasong grave scandal at resisting arrest ang konsehal batay sa pahayag ng mga awtoridad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …