Tuesday , December 7 2021

Coco, never sinukat ang halaga ng ibabayad sa kanya (Sa paggawa ng pelikula, maging ito’y indie film)

121514 coco sarahNAGULAT kami sa sinabi ng actor na si Coco Martin noong press conference ng kanyang festival movie, iyong Feng Shui. Sabi kasi niya, “kahit na noong gumagawa nga ako ng mga indie movie, hindi ako nagtatanong kung magkano ang kikitain ko sa pelikula. Ang mahalaga kasi sa akin, ano ba ang matututuhan ko sa gagawin kong pelikula at kung ano ba ang mararating ng pelikulang gagawin ko. Iyong pera, at iyong kita ng pelikula, mahalaga lang iyan at the moment, pero kalaunan, ang tatanungin mo na ay kung ano nga ba ang naabot ng pelikula mo.”

Hindi na bago ang ganyang mga klase ng pangangatuwiran sa amin, pero iyan ay naririnig lamang namin doon sa mga beteranong artista talaga. Nagulat kami na ang isang batambatang actor na kagaya ni Coco ay may ganyang pananaw na sa kanyang propesyon bilang isang artista.

Makikita mo sa ganyang pangangatuwiran na hindi pala isang propesyon lamang ang turing niya sa pagiging artista kundi isang form ng self expression. Ganyan ang tunay na artista talaga.

May mga matatawag kang mga commercial actor. Iyan iyong mga artista na ang hangad lamang ay kumita. Kahit na anong proyekto gagawin nila dahil ang katuwiran nga nila “trabaho rin iyan”. Madalas mo ring maririnig, “samantalahin mo na habang sikat ka dahil hindi habang panahon iyan”. Iyang mga artistang ganyan ang attitude, sisikat nga iyan pero hindi nagtatagal ang kasikatan ng mga iyan. Mapapansin mo, maraming artistang sumikat pero pagkatapos halos hindi na pinapansin. Kasi nga mabilis silang pinagsawaan ng mga tao, dahil kung ano-anong proyekto ang ginagawa nila.

Ang iniisip lang nila ay kumita sila ng pera. Dahil iyon ang talagang intention nila, nangyari naman. Kumita naman sila ng pera pero hindi nagtagal ang kanilang career.

Iyong mga kagaya ni Coco, iyan ang mga artistang tumatagal talaga ang career.

Pag-amin nina Megan at Mikael, ‘di na issue

ISSUE pa nga ba ang sinasabi nilang tila pag-amin nina Megan Young at Mikael Daez ng kanilang relasyon? Naging usap-usapan na naman iyan ng parehong mag-post sa kanilang social networking account over the weekend sina Megan at Mikael ng kanilang mga picture sa isang beach, na hindi lang basta magkasama ha, kundi very romantic. Noong una, dahil silhouette lamang iyon, pinahulaan pa nila kung sino ang kasama ni Megan, eh obvious namang si Mikael iyon.

Hindi man umaamin, obvious naman kahit noon pa lang na magsyota ang dalawa. Bakit nga ba kailangang ma-interview si Mikael tungkol sa pagiging Miss World ni Megan kung wala naman silang koneksiyon? Common knowledge sa mga kakilala nila na talagang may relasyon na sila noon pa man. Hindi nga lang siguro nila maamin dahil sa nagiging takbo ng career nilang dalawa.

Ed de Leon

About hataw tabloid

Check Also

Kim Chiu, Vicki Belo

Mini-fridge regalo ni Dr Vicki kay Kim

FACT SHEETni Reggee Bonoan ANG tarush ng mini-fridge ni Kim Chiu na paglalagyan ng kanyang beauty products na …

Blind Item, showbiz gay, male stars models

Maimpluwensiyang showbiz gay trip i-video ang kakaibang ‘date’

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng loob ng isang showbiz gay. Mukhang marami na siyang naiipong pictures at …

Tony Labrusca

Tony Labrusca bumaba ang popularidad

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN lang namin, mukhang napakabilis yata ng pagbaba ng popularidad ni Tony Labrusca. May …

James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWANni Ed de Leon NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Leave a Reply