Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Napoles ikanta mo sa Senado — Miriam (19 senador sa pork scam?)

NAIS ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, sa Senado ‘kumanta’ si Janet Lim Napoles ngayong lumutang na ang balita na umabot sa 19 senador ang sangkot sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam o anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF). Kasunod ito ng kompirmasyon ng Department of Justice (DoJ) na lumagda sa affidavits si Napoles at isiniwalat ang kanyang mga …

Read More »

Napoles tinanggalan ng matres, 2 obaryo

NAGING matagumpay ang isinagawang operasyon kay Janet Lim-Napoles kahapon ng umaga. Sinabi ni Dr. Efren Domingo, obstetrician-gynecologist na nagsagawa ng operasyon kay Napoles, tumagal ng dalawang oras ang operasyon. Dakong 8 a.m. nang operahan ang tinaguriang pork barrel scam queen at natapos ng 10 a.m. Ayon kay Domingo, kanilang tinanggal ang buong matres at dalawang obaryo ni Napoles. Nagrerekober na …

Read More »

Almendras isinugo ni PNoy sa HK (Para sa hostage crisis closure)

ISINUGO ni Pangulong Benigno Aquino III si Cabinet Secretary Rene Almendras sa Hong Kong kamakalawa ng gabi upang masungkit ang inaasam na “closure” sa isyu ng 2010 Luneta hostage crisis. “Wala akong konkretong impormasyon hinggil sa itinerary ni Secretary Almendras. Ang batid ko lang at batid din natin, siya ang inatasan ng ating Pangulo na maging point person sa bagay …

Read More »

51-anyos Pinay nurse pinatay ng 24-anyos Kanong BF

BINARIL at napatay ang 51-anyos Filipina nurse ng kanyang 24-anyos boyfriend nitong Linggo sa Clearwater, Florida. Si Josephine Austria ay nagdiriwang ng birthday party sa kanilang bahay nang barilin ng kanyang boyfriend na si Alexander Richardson, dakong 1 a.m. Ayon sa pulisya, si Austria ay idineklarang dead on arrival sa ospital. Si Richardson ay inaresto sa kasong second degree murder. …

Read More »

13 Pinay 6 dayuhan ‘sex workers’ nasagip

NAILIGTAS ng pinagsanib na pwersa  ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 19 guest relations officer (GRO) kabilang ang anim na dayuhan, na hinihinalang nagbebenta ng aliw sa isang club sa Pasay City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Pasay City Police,  sinalakay ng NBI, Anti-Trafficking Division at DSWD  ang Starwood …

Read More »

Pulis-NPD kulong sa holdap

ARESTADO sa Traffic Enforcement Unit ng Maynila ang tauhan ng Philippine National Police nang kanilang holdapin ang mag-asawang negos-yante sa Roxas Boulevard, Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ang suspek na si  PO2 Argel Nabor, 27, ng 317 Mabini St.,   Sampaloc, Maynila, nakatalaga sa Northern Police District (NPD). Sa ulat, nakatakas ang sinasabing tatlong kasama ni Nabor at tinutugis ngayon ng mga …

Read More »

Sanggol, paslit tostado sa sunog

DAGUPAN CITY – Patay ang magkapatid na sanggol at paslit nang masunog ang kanilang bahay sa bayan ng Villasis sa Pangasinan. Ayon kay PO3 Gilbert Paganit ng Villasis-Philippine National Police, magkahawak pa ang kamay ng magka-patid na sina Anthony Canibas, Jr., 4-anyos, at Mark Laurence Canibas, isang taon gulang, nang matagpuan ng mga miyembro ng Bureu of Fire Protection (BFP) …

Read More »

Titser na bading binoga ng taxi driver (Nanghipo ng ari)

ILOILO CITY – Sugatan ang bading na guro makaraan barilin ng taxi driver sa Brgy. Salngan, Oton, Iloilo, dahil sa panghihipo ng ari. Ang biktimang si Marcos Valencia, 48, residente ng Brgy. Trapiche, Oton at nagtuturo sa Oton National High School, ay tinamaan ng bala sa kamay, leeg at katawan ngunit hindi naman napuruhan. Habang agad naaresto ang driver na …

Read More »

DPWH Driver Itinumba

PATAY ang 56-anyos driver nang barilin ng hindi nakilalang suspek, habang nakaupo sa loob  ng kanilang bahay, sa Port Area, Maynila, iniulat kahapon. Binawian ng buhay bago idating sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Jose Jarabece, may asawa, driver, ng I A-5 Gawad Kalinga, Baseco Compound, Port Area, sanhi ng tama ng bala ng baril sa noo. Sa …

Read More »

Bisita sa kasalan utas sa boga ni tserman

SAN FERNANDO CITY, La Union – Pinaghahanap ng pulisya ang punong barangay na pumaslang sa isang lalaki habang nasa kasagsagan ng kasayahan ng kasalan sa Brgy. Baracbac Este sa bayan ng Balaoan, La Union. Ang suspek ay kinilalang si Barangay Baracbac Este Chairman Elmer Ordanza. Ayon sa Balaoan Municipal Police Station, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang biktimang …

Read More »

2 jaguar ng resort patay sa holdaper

CAUAYAN CITY, Isabela – Dalawang security guard ang patay makaraan barilin ng hindi nakilalang armadong kalalakihan na nangholdap sa resort sa Cansan, Cabagan, Isabela, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Manuel Bringgas ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), ang napatay na mga gwardiya ng Hardrock Resort na sina Joselito Haval, re-sidente ng Lingaling, Tumauini, at Baltazar Morillo, residente ng Cubag, …

Read More »

Napoles ‘tumuga’ kay De Lima

NAGSALITA na kahapon ang itinuturong utak ng multi-billion peso pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles kaugnay sa mga nalalaman sa kinakaharap na kontrobersyang kinasasangkutan ng ilang senador at kongresista. Ito ang kinompirma ni Department of Justice (DoJ) Sec. Leila De Lima makaraan ang kanilang pagpupulong na inabot ng limang oras habang nasa Ospital ng Makati si Napoles kahapon. Ayon …

Read More »

NBI nalusutan ni Cedric Lee

BIGO ang National Bureau of Investigation (NBI) na mahuli ang wanted na si Cedric Lee, nahaharap sa kasong kriminal dahil sa pambubugbog sa actor/TV host Vhong Navarro. Lunes ng gabi, tinungo ng NBI  ang tirahan ni Lee sa West Greenhills, San Juan, pero hindi siya nakita sa lugar. Bitbit ng mga ahente ng  NBI ang warrant of arrest na inisyu …

Read More »

Obama visit sinisi sa demolisyon

Sinimulan na ang demolisyon ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Housing Authority (NHA) sa mga bahay sa  Road 10, pinaniniwalaang paghahanda sa pagbisita ni US President Barack Obama, na nagsimula sa kanto ng Zaragoza St., Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Ayon kay DPWH National Capital Region (NCR) Assistant Regional Director Butch Canlas, ang demolisyon …

Read More »

TRO vs P4.15/kWh power hike pinalawig ng SC

IKINATUWA ng Palasyo ang desisyon ng Korte Suprema na palawigin ang bisa ng temporary restraining order (TRO) laban sa P4.15 /kWh dagdag sa singil sa koryente. “We welcome the decision of the Supreme Court that while we wait for a final decision on the case, an extension of the TRO would certainly provide comfort to our countrymen especially at this …

Read More »

Warrant police binoga sa tindahan

KRITIKAL ang kalaga-yan ng isang warrant police, nang barilin ng ‘di nakilalang suspek, habang nagbubukas ng kanilang tindahan sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Inoobserbahan  sa Chinese General Hospital ang biktimang si PO3 Joel Rosales, 40, nakadestino sa Warrant Section ng Malabon City Police, ng 2280 Malaya St., Tondo, sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 baril. Sa imbestigasyon …

Read More »

District Director hotline vs krimen, sugal inilunsad sa Maynila

INILUNSAD ng Manila Police District(MPD) ang direct hotline kontra illegal na aktibidad katulad ng mga krimen at sugal sa lungsod ng Maynila. Ilang araw pa lamang makaraan ipamahagi ang calling cards ng “Direct hotline” sa opisina ni MPD District Director Chief Supt. Rolando Asuncion ay marami na ang nagparehistro at nakiisa sa makatotohanang adhikain at programa ni Asuncion para sa …

Read More »

Cagayan mayor itinumba sa flag raising

TUGUEGARAO CITY – Patay ang mayor ng bayan ng Gonzaga, Cagayan makaraan barilin ng grupo ng kalalakihan dakong 8 a.m. kahapon. Kinilala ang biktimang si Mayor Carlito Pentecostes. Ayon kay John Pentecostes, pamangkin at driver ng alkalde, duguang humandusay si Mayor Carlito sa harap ng municipal hall makaraan pagbabarilin ng mga armado. Aniya, kasagsagan ng flag raising ceremony nang dumating …

Read More »

Cedric, Deniece wanted na

HAWAK na ng mga awtoridad ang kopya ng warrant of arrest laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Simeon Raz, Jose Paolo Gregorio Calma at Ferdinand Guerrero kaugnay sa kasong serious illegal detention. Inilabas ng Taguig City RTC ang nasabing warrant hinggil sa reklamo ng aktor na si Ferdinand “Vhong” Navarro. Walang inirekomendang piyansa ang huwes para sa ikadarakip ng mga …

Read More »

‘Pagkanta’ ni Gigi aabangan ng Ombudsman

INIHAYAG ng Department of Justice (DoJ) na bahala ang Office of the Ombudsman sa pagtanggap bilang state witness kay Atty. Gigi Reyes, ang dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce-Enrile. Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, nananatiling isa sa principal player/respondent sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam si Reyes. Gayonman inaabangan pa rin ang pinakalayunin ni Reyes …

Read More »

1 patay, tserman, 9 pa sugatan sa 2 sunog (4,000 pamilya homeless)

MAHIGIT sa tatlong 4,000 pamilya ang nawalan ng tirahan habang isa ang patay at 10 ang sugatan, kabilang ang isang barangay chairman,  nang tupukin ng apoy ang kanilang mga tirahan sa magkahiwalay na sunog sa  Caloocan at Malabon, kamakalawa. Sumiklab ang sunog  dakong 5:00 p.m.  kamakalawa ng hapon sa Maria Clara St., 2nd Avenue East, BMBA Compound Brgy. 120 Caloocan …

Read More »

3 tulak tiklo sa buy-bust (P.7-M shabu nasamsam)

TINATAYANG P700,000 halaga ng ilegal na droga na nakompiska sa tatlo katao, kabilang ang dalawang menor de edad na babae at lalaki, nitong Biyernes Santo sa isinagawang  buy-bust operation ng Marikina PNP. Sa nakarating na ulat kay S/Supt. Vincent Calanoga, chief of police ng Marikina-PNP, kinilala ang mga suspek na sina Recon Pimba, 38, alyas Recon, may-asawa, isang alyas Yasmin, …

Read More »

Nawawalang epileptic natagpuang bangkay

LUMOLOBO na ang katawan ng nawawalang  20-anyos epileptic,  nang matagpuan sa isang kanal sa likod ng parada-han ng mga trak  sa Malabon City, kahapon ng umaga. Kinilala ang bangkay na si Rio Aringgay, 20, ng #91 Interior St., Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod, na nakasubsob ang mukha sa isang malalim na kanal. Sa ulat ng pulisya, dakong 8:30 a.m., …

Read More »

100 pasahero negative sa MERS-CoV

NEGATIBO sa Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV) ang nasa 100 pasaherong sakay ng Etihad Airways mula sa Gitnang Silangan na nakasabay ng isang Filipino na unang carrier ng naturang sakit. Ayon sa ulat ng Department of Health (DoH), mula sa 414 pasahero ay halos 200 na ang na-contact ng mga awtoridad para isailalim sa obserbasyon at swab test. Bukod …

Read More »