Lone bettor wagi ng P10-M jackpot sa 6/42 lotto’

lotto 6

NAG-IISANG lotto bettor ang pinalad na makapag-uuwi ng P10,410,892.00 jackpot prize ng 6/42 Lotto.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) head Ferdinand Rojas II, hawak ng nasabing mananaya ang winning number combination na 06-17-28-04-22-10.

Isinasagawa ang 6/42 draw tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Samantala, walang nanalo sa P30 million pot money ng 6/55 Grand Lotto.

Lumabas kamakalawa ng gabi ang kombinasyong 39-41-38-44-14-03.

Dahil dito, posibleng tumaas pa sa susunod na draw ang premyo para sa nasabing lottery game.