Magnitude 4.6 lindol yumanig sa La Union

080414 lindol phivolcs

NIYANIG ng magnitude 4.6 lindol ang La Union nitong Sabado ng gabi.

Tumama ang lindol dakong 10:37 p.m., sa karagatan sa layong 48 kilometro hilagang kanluran ng Luna, La Union.

Naitala ang tectonic na lindol sa lalim na 64 kilometro.

Dahil sa lindol, nadama ang intensity 3 na pagyanig sa San Fernando, La Union at maging sa Baguio City.

Walang inaasahang pinsala at aftershocks sa lindol.