Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Laborer laglag mula 40/f dedbol (Crim grad tumalon mula 3/F nangisay, patay)

NAMATAY ang isang construction laborer nang mahulog mula sa 40th floor   saka bumagsak  sa 28th floor at humampas sa e-beam ng crane sa ginagawang 5-star hotel sa Taguig City, iniulat kamakalawa. Patay na nang idating sa Saint Luke’s Global City ang biktimang si Roger Bombita, 32, ng Angeles, Pampanga. Sa imbestigasyon ni SPO1 Rodelio Abenojar, ng Investigation Detective & Management …

Read More »

Plunder vs GMA, Dato ibinasura ng Ombudsman

IBINASURA ng Office of the Ombudsman ang plunder case na inihain laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at kanyang anak na si Rep. Ignacio “Dato” Arroyo, kaugnay sa hindi natuloy na infrastructure projects sa Camarines Sur. “The evidence gathered does not warrant the initiation of criminal proceedings against the former president and her son,” ayon sa …

Read More »

US walang paki sa China-PH dispute

PASALUBONG KAY OBAMA. Masayang sinalubong ni Pangulong Benigno Aquino III si US President Barack Obama pero hindi ang iba’t ibang grupong militante na nagprotesta sa Mendiola bilang pagtutol sa pagbisita niya sa bansa. (Mga kuha nina JACK BURGOS at BONG SON) BINIGYANG-DIIN ni US President Barack Obama na hindi sila makikialam sa territorial dispute ng Filipinas sa China. Ngunit kanilang …

Read More »

P.4-M tinangay ng 4 kawatan sa tinodas na LPG dealer

PATAY ang isang LPG dealer nang pagbabarilin ng isa sa apat na hindi nakilalang suspek saka tinangay ang tinatayang P.4 milyon  benta ng tindahan sa Caloocan City, iniulat kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Nodado Hospital ang biktimang si Artemio San Luis, 50, ng Phase 7-B, Bgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala sa …

Read More »

6 patay, 16 sugatan sa bumaliktad na bus

ZAMBOANGA CITY – Patay ang anim pasahero kabilang ang dalawang bata, sa pagbaligtad ng pampasaherong bus ng Rural Transit Mindanao Inc., sa highway ng Purok 1, Brgy. Anonang sa bayan ng Aurora sa Zamboanga del Sur. Ayon kay S/Insp. Joseph Ortega, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO-9), nangyari ang insidente pasado 12 p.m. kamakalawa. Nanggaling ang nasabing bus sa terminal …

Read More »

P16-M shabu nasamsam sa buy-bust (11 katao tiklo)

NASAMSAM ang P16-milyon shabu at arestado ang 11 ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs – Special Operation Task Group (SAID-SOTG) sa isinagawang buy-bust sa Marikina City, iniulat kamakalawa. Unang nalambat sa nasabing operation  sina Miralona Iyana Pimba, alyas Alona, 30, ng Singkamas St., Brgy. Tumana; Salim Lala Pimba alyas Salim, 38, may-asawa, ng #40 Singkamas St.; Albert Alipato alyas …

Read More »

Obrero libre sa LRT

BILANG pakikiisa sa 112 taong selebrasyon ng Araw ng Paggawa (Labor Day), libre ang sakay ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 at Line 2 sa mga manggagawa ng pamahalaan at pribadong kompanya sa Mayo 1). Simula 7:00 hanggang 9:00a.m. at mula 5:00 hanggang 7:00p.m. ang libreng sakay sa LRT 1 at 2 sa pamamagitan ng pagpi-prisinta ng company ID …

Read More »

Suspek sa Vhong case may surrender feeler

NAKATANGGAP na ng surrender feeler ang National Bureau of Investigation (NBI) mula sa isa sa mga akusado sa pambubugbog kay Vhong Navarro. Ayon sa NBI, nanggaling ang feeler sa kampo ni Jed Fernandez. Magugunitang unang lumutang ang pangalan ni Fernandez dahil sa sinasabing plano niyang pagtestigo. Kaugnay nito, may mga report na rin ang NBI ukol sa kinaroroonan ni Deniece …

Read More »

Holdaper sugatan sa hinoldap na parak

NAARESTO habang nilalapatan ng lunas sa Sta. Ana Hospital ang isa sa riding in tandem na nangholdap sa isang pulis habang nagpapahinga sa harap ng kanilang bahay sa San Andres, Maynila kahapon. Kinilala ang biktimang si SPO4 Diosdado Camus, 54, ng Diamante Street corner Road 2, San Andres Bukid, Maynila, nakatalaga sa MPD Station 6. Mahigpit na binabantayan ng mga …

Read More »

6 Pinoy pa positibo sa MERS-CoV sa Saudi

RIYADH – Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na kina-pitan ng Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV). Kabilang ang anim Filipino nurses sa 16 kompirmadong kaso ng MERS-CoV sa nakalipas na 24 oras sa Saudi Arabia. Ayon sa Saudi Health Ministry, 10 ang karagdagang patay na naitala dahil sa virus. Kamakalawa, iniulat ng Saudi na tatlong Filipino nurses ang …

Read More »

Driver itinumba ng riding in tandem

PATAY ang 38-anyos jeepney driver makaraan barilin ng riding in tandem sa Anda Circle, Intramuros, Manila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Jhonny Mateo, 38, tubong Vintar, Ilocos Norte, residente ng Rincon Street, Malinta, Valenzuela City. Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek na nakasuot ng helmet at nakasakay sa pulang Honda motorcycle, kapwa armado. Ayon kay Det. …

Read More »

Sarili nabaril parak tigbak

BACOLOD CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives kaugnay sa pagkamatay ng pulis na kasapi ng Sipalay City Police Station sa lalawigan ng Negros Occidental. Ayon kay Supt. Noel Manaay, hepe ng Sipalay City PNP, ito ay upang matukoy kung accidental fi-ring talaga ang dahilan ng pagkamatay ni PO2 Jury Ayo, 36, residente ng Brgy. Canturay, …

Read More »

Kalinga mayor binoga sa asong nasagasaan

SUGATAN ang isang municipal mayor makaraan barilin ng may-ari ng aso na nasagasaan ng kanyang sasakyan kamakalawa ng gabi, ayon sa ulat ng Kalinga Police. Si Mayor James Edduba ng Pasil, Kalinga, ay binaril ng hindi nakilalang suspek sa Sitio Pinagan, Brgy. Lucog, Tabuk, City. Isinugod si Edduba sa pagamutan at ngayon ay stable na ang kalagayan. Ayon sa pulisya, …

Read More »

6-anyos totoy todas sa taga, martilyo ni tatay (Nanay kritikal)

LAOAG CITY – Hindi na umabot nang buhay sa Bangui District Hospital ang 6-anyos batang lalaki habang kritikal ang kanyang ina makaraan pagtatagain at hatawin ng martilyo ng kanyang ama. Kinilala ang biktimang namatay na si Lemuel Pacheco, kindergarten pupil, habang malubha ang kalagayan ng kanyang ina na si Mary Anne Pacheco, nilalapatan ng lunas sa Gov. Roque Ablan, Sr., …

Read More »

JP II, John XXIII idineklara nang Santo

NAKIKIISA ang Palasyo sa pagbubunyi ng sambayanan sa kanonisasyon nina Pope John XXIII at Pope John Paul II, dalawang lider ng Simbahang Katolika na napamahal sa mga Filipino dahil sa kanilang kahanga-hangang pamumuno. “Si Santo Papa Juan XXIII ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng ekumenismo o ang pagkakaisa ng lahat ng pananampalataya. Siya rin ang nagpasimuno sa Second Vatican Council na …

Read More »

Lee, Raz arestado ‘di sumuko

  TINANGKANG itago nina Cedric Lee at Simeon Raz, Jr., Ang nakaposas nilang mga kamay sa pamamagitan ng t-shirt nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Philippine Airlines flight PR 2982 dakong 7:35 am kahapon. (EDWIN ALCALA) PILIT na itinatago nina Cedric Lee at Simeon Raz Jr. ang nakaposas nilang mga kamay nang lumapag ang …

Read More »

Cash bond ni Pacman hiniling bawasan

TATALIMA si WBO welterweight champion Manny Pacquiao sa utos ng Court of Tax Appeals (CTA). Sinabi ng abogado ni Pacman na si Atty. Tranquil Salvador, magbabayad ang kanyang kliyente ayon sa utos ng CTA na maglagak ng bond. Kapalit ng bond ay ang pagbawi sa freeze order ng Bureau of Internal Revenue sa mga ari-arian ng Filipino ring icon. Ayon …

Read More »

Transport holiday sa Mayo Uno-PISTON

MALAWAKANG transport holiday ang ilulunsad ng militanteng transport group na Pagkakaisa ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa darating na Mayo uno. Ayon kay George San Mateo, national president ng PISTON, ito ay protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at singil sa koryente. Giit niya, sobra-sobra na ang hirap na dinaranas ng transport sector lalo ang …

Read More »

3 Pinoy nurses sa Saudi positibo sa MERS-CoV

TATLONG Filipino nurses ang panibagong biktima ng Midde East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV). Ang tatlong Filipino ay kinabibilangan ng 28-anyos babaeng nurse na nagtatrabaho sa Dr. Sulaiman Al-Habib Hospital sa Riyadh, Saudi Arabia. Ngunit hindi siya nakitaan ng ano mang sintomas ng virus. Ang dalawa pang Filipino na nagpositibo rin sa MERS-CoV ay kapwa nagtatrabaho sa Al-Noor Hospital sa Makkah. …

Read More »

10 OFWs minaltrato sa Malaysia

SAMPUNG overseas Filipino workers (OFWs) ang pinahihirapan sa bansang Malaysia na  nagpapatulong sa pamahalaan. Siniguro ng Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA-10) na bibigyang tulong ang mga OFW para makauwi sa Northern Mindanao na ilegal  na nakapasok at nagtrabaho sa Malaysia. Dumulog ang pamil-ya  ng mga OFW sa ahensiya upang magpatulong dahil nasa panganib ang kanilang mga mahal sa buhay …

Read More »

Sumaklolong pulis utas sa anak ng school owner

INIIMBESTIGAHAN ng Pasig PNP ang pagkakapaslang sa isang Pasig police na bumulagta matapos magpaputok ng shotgun ang amok na  si-nabing anak ng may-ari ng eskwelahan sa Pasig City. Gayonman, lumutang din ang espekulasyon na nabaril ang biktimang si SPO1 Clemente Fernan ng dalawa niyang kasama  sa pag-aakalang suspek siya, kamakalawa. Ayon kay Supt. Ma-rio Rariza, nagsasagawa ang kanyang tanggapan ng …

Read More »

Parak todas sa LTO fixer

NAMATAY ang isang sarhento nang barilin ng sinasabing fixer sa Land Transportation Office (LTO) na kanyang nakaa-litan  sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si SPO2 Arthur Laurel, habang ang suspek na si Edwin Mission, sinasabing kilalang fixer sa LTO, ay mabilis na tumakas ma-karaan ang krimen. Napag-alaman, pinuntahan ng biktimang pulis ang suspek sa kanyang bahay …

Read More »

2 utas, 4 sugatan sa ratrat ng tandem

BUMUWAL na walang buhay ang dalawa katao, kabilang ang isang babae, nang ratratin sa kalagitnaan ng kanilang inoman sa Masbate City kamaka-lawa. Kinilala ang mga namatay na sina Ricardo Padilla at Norma Andaya, habang malubha ang kalagayan sa Masbate City Provincial Hospital sina Rose Andaya, Edna Garganta, Rezyl Andaya at Lito Garganta, pawang residente ng Sitio Circulo ng nasabing lungsod. …

Read More »

P.5-M shabu kompiskado sa 3 katao

ARESTADO sa buy-bust operation ang tatlo kataona nakompiskahan ng 65 piraso plastic sachet ng shabu, iba’t ibang uri ng bala at isang bala ng 50 ka-libreng barilsa Marikina City. Kinilala ni Supt. Vincent Calanoga  ang mga nadakip na sina Ian Lawrence Merdedia, 18; Amino Malaatao Abdul, 26; at Amila Afuan, 30; mga tubong Marawi City at nakatira sa Blk-45 Mais …

Read More »

Karnaper tiklo sa Bulacan

NAARESTO ang isang miyembro ng carnapping group na kumikilos sa Bulacan nang sitahin dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo nang walang suot na helmet sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria ng nasabing lalawigan kamakalawa. Ang suspek na si Joseph Nicolas, 24, residente ng Garden Village sa Brgy. Pulong Buhangin sa nabanggit na bayan, may nakabinbing kaso ng carnapping sa sala ni Judge …

Read More »