Firing squad sa Pinay iniliban (Sa Indonesia)

FRONTHINDI muna matutuloy ang pagpataw ng parusang kamatayan sa isang Filipina na na-convict sa Indonesia sa kasong drug trafficking. 

Ito’y makaraan magdesisyon ang district court sa Yogyakarta na iakyat sa Supreme Court ng Indonesia ang kaso para marepaso. 

Inihayag ito ni Foreign Affairs spokesperson Assistant Secretary Charles Jose sa press conference kahapon.

Tiniyak ni Jose na tinututukan ng pamahalaan ang kaso ng Filipina.

Matatandaan, nahulihan ang 30-anyos Filipina ng dalawang kilong heroin sa kanyang bag nang dumating sa Jakarta noong 2010. 

Kapag hindi nabaligtad ang desisyon, papatawan ng parusang kamatayan ang Filipina sa pamamagitan ng firing squad. 

Jaja Garcia