Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

16 poste ng Meralco nabuwal na parang domino (Truck sumalpok)

TILA domino na bumagsak ang 16 poste ng Manila Electric Company (MERALCO) nang mabangga ng isang dump truck ang isa nito na nagdulot nang matinding pagbagal ng daloy ng mga sasakyan at dahilan ng pagkaputol ng supply ng koryente  sa Taguig City kahapon ng umaga. Sa monitoring ng Metrobase ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 8:24 a.m. nang mangyari …

Read More »

Trillanes nanatiling produktibo (Sa gitna ng imbestigasyon sa korupsiyon sa Makati)

NANANATILI si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV bilang isa sa mga pinaka-produktibong senador ngayong Kongreso, sa kabila ng mga kritisismo ukol sa oras at atensyon na ginugugol sa pag-iim-bestiga sa maanomalyang pagpapatayo ng Makati carpark building. Sa pinakahuling tala ng Senado, si Trillanes ay nangu-nguna (1st) sa pinakamara-ming panukalang batas na nai-sponsor sa plenaryo at pumapangatlo (3rd) naman sa …

Read More »

3 nurse todas sa SUV ni Asistio

PATAY ang tatlong nurse na sakay ng isang auxillary utility vehicle (AUV) nang madaganan ng lumipad na sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang Asistio scion sa C-5 Ortigas Flyover sa Pasig City, kahapon ng hapon. Kinilala ang mga namatay na nurse na pawang pasahero ng AUV na sina Lyn Pascua, Rose Ann Ocuendo at Janine Ray Manzanida. Sugatan …

Read More »

P46-M panalo ng buntis na nurse sa lotto

KINUHA na ang P46 milyong premyo ang isang buntis na nurse makaraan solong masungkit ang jackpot prize sa 6-42 Lotto. Sa bola noong Nobyembre 11, sakto ang taya ng ginang sa nanalong kombinasyong 02-09-15-20-21-30. Ayon sa 24-anyos ginang mula sa Cavite, petsa ng kaarawan, wedding anniversary at due date ng pagputol sa kanilang koryente ang tinayaan niyang mga numero. Mismong …

Read More »

AFP ‘di na kawawang koboy — PNoy

IBINIDA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang aniya’y nagawang mga reporma sa Department of National Defense (DND) kasabay ng ika-75 anibersaryo ng ahensiya. Sinabi ni Pangulong Aquino, ibang-iba na ang kalagayan ng mga sundalo ngayon, gayondin ang mga nasa hanay ng DND. Ayon kay Pangulong Aquino, nagpapatuloy ang modernisasyon ng AFP at may dalawang Hamilton class cutter na ang …

Read More »

Truck driver kalaboso sa nasagasaang ‘suicide’

DERETSO sa hoyo ang 42-anyos driver ng isang light and sound company nang masagasaan ng minamanehong truck ang lalaking tumalon sa isang footbridge sa Pasay City, kamakalawa ng madaling araw. Hindi na umabot nang buhay sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Aguinaldo Bernardo Obrino, ng 72,  2nd St., NAIA Road, Barangaya Pildera II ng nasabing lungsod. Habang nakapiit sa Pasay …

Read More »

6 sugatan sa bus vs van sa Caloocan

SUGATAN ang anim katao makaraan magbanggaan ang isang private van at pampasaherong bus na dumiretsong sumalpok sa harapan ng gusali ng isang punerarya kahapon ng umaga sa MacArthur Highway, Caloocan City. Kinilala ang mga sugatan na sina Kennyvie Dancil, Eduardo Ortega, Alvin Borres, Riza Lipasano, Laurenciano Tiusi at ang driver ng bus na si Vicente Roaman. Hawak na ng Caloocan …

Read More »

Baby ini-hostage ng adik na daddy

ARESTADO ang isang  adik na ama makaraan tangayin at i-hostage ang sariling anak sa loob ng isang motel sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Romeo Arranquez, 26, ng 328 PNR Compound, Brgy. 73 ng nasa-bing lungsod, nahaharap sa kasong serious illegal detention dahil sa pagtangay sa kanyang dalawang-buwan gulang sanggol na lalaki. Nauna rito, naaresto na …

Read More »

1 todas, 2 sugatan sa drag racing sa Cavite

HUMANTONG sa madugong trahedya ang illegal drag racing ng ilang kabataan sa Indang-Tagaytay Road sa Brgy. Mahabang Kahoy, Indang, Cavite masoro ng isang motorsiklo ang mga nanonood kahapon. Kinilala ang namatay na si Rodolfo Fernandez, 32, habang sugatan si Dino Carlo Pascua, 20. Nawalan din ng malay at sugatan ang driver ng motorsiklo (PI 7380) na si Albert Teano, 30. …

Read More »

2-anyos patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang isang 2-anyos batang lalaki habang pito ang sugatan nang tumbokin ang sinasakyan nilang tricycle ng isang armored van at pagkaraan ay nasalpok ng mini bus sa Covelandia Road, Bgy. Kanluran-Binakayan, Kawit, Cavite kamakalawa. Namatay habang isinusugod sa ospital ang 2-anyos biktimang si Jaspher Balitostos habang sugatan sina Roger Postre, 27; Jezalyn Francisco, 27; Jerlyn Postre, 7; Sheena Balitostos, …

Read More »

8 miyembro ng pamilya arestado sa droga

 LEGAZPI CITY – Bagsak sa kulungan ang isang pamilya sa lalawigan ng Catanduanes makaraan salakayin ng mga awtoridad ang kanilang bahay dahil sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot. Kinilala ang mga suspek na sina Reciel “Butch” de Jesus Molina, Rene Molina Sr., Marijun de Jesus Molina, Rene Molina Jr., Katrina Ciara Crucillo, Jocel Molina Esquienda, Jay Runas Romero, at isang …

Read More »

Ping Lacson galit sa sinungaling

NAGSALITA na ang Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) hinggil sa hindi makatotohanang mga akusasyon ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na mabagal at hindi lubusang pagsuporta ng pambansang pamahalaan sa nasabing lungsod. Hindi na nakatiis si OPARR Undersecretary Danny Antonio sa maaanghang na pinakawalang salita ni Romualdez sa harap ng mga pagtitiis ng tanggapan upang …

Read More »

AFP, DoH off’ls bumisita sa Caballo Island

BINISITA kahapon ng ilang opisyal ng pamahalaan ang Caballo Island habang naka-quarantine nang 21 araw ang 132 Filipino peacekeepers na nanggaling ng Monrovia, Libera. Nagtungo sa isla si AFP chief of staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., kasama si Acting Department of Health (DoH) Secretary Janet Garin. Sa pagdating ng da-lawang opisyal sa isla, agad sila binigyan ng briefing ng …

Read More »

5-M Katoliko bubuhos sa Luneta sa misa ni Pope Francis

INAASAHANG aabot sa 5 milyong Filipino Catholic ang dadagsa sa misa ni Pope Francis sa Luneta sa kanyang pagbisita sa Enero. Sinabi ni Fr. Emmanuel “Nono” Alfonso SJ, ganito karami ang dumalo sa World Youth Day noong 1995. Ang misa sa Luneta ang huli sa tatlong misa na pangungunahan ni Pope Francis sa bansa. Sa pagbisita niya sa Leyte, tinatayang …

Read More »

Probe vs RAC sa Maynila iniutos ng DSWD (Sa ulat na malnutrition)

PAIIMBESTIGAHAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kondisyon sa Reception and Action Center (RAC) sa Maynila makaraan kumalat sa social media ang retrato ng isang sobrang malnourished na hubo’t hubad na batang lalaki sa loob ng pasi-lidad. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., isang fact-finding team ang binuo at inatasan ni DSWD Secretary Corazon Soliman para …

Read More »

‘Imposibleng mandaya sa PCOS’ — Macalintal

07PINASUBALIAN ng pangunahing election lawyer na si Romulo Macalintal ang mga haka-haka na maaaring gamitin sa malawakang pandaraya ang may 82,000 precinct count optical scan (PCOS) machines sa halalaan sa 2016. Tiniyak ni Macalintal na halos imposibleng mangyari ang sabi-sabi na ikinakalat ng ilang nagpakilalang mga “advocates of clean and honest elections” at nagtutulak sa Commission on Elections (Comelec) na …

Read More »

P2-M shabu kompiskado sa bigtime tulak

UMAABOT sa P2 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nadakip na bigtime drug pusher sa Guinobatan, Albay kamakalawa. Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr., umaabot sa 400 gramo ng high grade shabu ang nakompiska sa suspek na si Romeo Nozares Sr., nasa hustong gulang. Nasakote ang suspek sa Brgy. San …

Read More »

‘Outsiders’ sa Veterans Bank, kinuwestiyon ni Montano

KINUWESTIYON ni retired Maj. Gen. Ramon Montano ang pagpayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr. sa maanomalyang pag-iisyu ng shares of stocks sa mga hindi kuwalipikadong indibidwal at pagkakahalal nila sa Board of Directors ng Philippine Veterans Bank (PVB). Nilinaw ni Montano na dapat pangalagaan ni Tetangco ang nakasaad sa batas na tanging ang mga beterano at …

Read More »

Bombay todas sa ambush

PATAY ang isang Indian national makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang sakay ng motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Commonwealth Hospital ang biktimang si Sukhdev Singh, 53, ng Kulambo St., Brgy. 174 Urduja, ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang …

Read More »

7-anyos totoy nagbigti?

PALAISIPAN sa mga awtoridad ang pagbibigti ng isang 7-anyos batang lalaki sa loob ng inuupahang bahay kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi nagawang isalba ng mga manggagamot ng Caloocan City Medical Center ang buhay ng biktimang kinilalang si GJ Lance Neil Gamayon, Grade 2 pupil, ng L. Nadurata St., Brgy. 50 ng nasabing lungsod. Base sa imbestigas-yon nina PO2 …

Read More »

Bonus, cash gift, 13th month pay matatanggap na ng gov’t workers (Tiniyak ng DBM)

MATATANGGAP na ng mga kawani ng pamahalaan sa linggong ito ang kanilang year-end bonus, ang last tranche ng kanilang 13th month pay, at cash gift na P5,000, pahayag ng Department of Budget and Management kahapon. Sa ilalim ng Budget Circular 2010-1, ang government personnel ay tatanggap ng year-end bonus katumbas ng isang buwan sahod, gayondin ang cash gift na P5,000, …

Read More »

Mag-utol kinatay ng secret lover ni nanay

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ang batang magkapatid ng isang lalaking sinabing secret lover ng kanilang ina sa Rizal, Laguna kamakalawa. Batay sa inisyal na ulat ng Philippine National Police (PNP), pasado 2 a.m. nitong Sabado nang puntahan ng suspek na kinilalang si Allan Ted Aquino ang mga biktimang natutulog noon sa kanilang bahay. Pinagsasaksak ni Aquino hanggang mapa-tay ang magkapatid na …

Read More »

7-anyos kritikal sa boga ng senglot

Agaw-buhay sa pagamutan ang isang 7-anyos batang lalaki makaraan barilin ng isang lasing sa Lucena City, Quezon kamakalawa. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa impluwensiya ng alak ang 40-anyos suspek nang biglang paputukan ang bata sa kanang dibdib. Makaraan ang pang-yayari, agad tumakas ang suspek bitbit ang improvised air soft gun na ginamit sa krimen. Patuloy na ginagamot ang biktima …

Read More »

Amang sumunog sa anak, nagbigti

NAGBIGTI ang suspek sa tangkang pagsunog sa kanyang 11-anyos anak na babae sa Manila South Cemetery nitong Martes. Kinompirma ni Dr. Jess Sison, Director ng Santa Ana Hospital, hindi na umabot nang buhay sa kanilang pagamutan ang 39-anyos suspek na si Emmanuel Santos. Isinugod si Santos sa ospital ng mga kawani ng sementeryo nang makitang nakabigti sa isang musoleo, pasado …

Read More »

Eskedyul ni Pope Francis inilatag na

INILATAG na ng Vatican sa pamamagitan ng mga opisyal ng Simbahang Katolika sa Filipinas, ang opisyal at detalyadong mga aktibidad ni Pope Francis sa pagbisita niya sa bansa mula Enero 15 hanggang 19, 2015. Humarap sa isang press conference nitong Biyernes ng gabi ang mga opisyal ng Simbahan sa pangunguna ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kasama rin sina …

Read More »