Sunday , August 14 2022

Bebot patay, 2 sugatan sa 2 sunog sa Maynila

PATAY ang isang babae habang sugatan ang magkapatid sa dalawang magkahiwalay na sunog sa Maynila.

Ayon kay F/Supt. Jaime Ramirez ng Manila Fire Bureau, dakong 7:40 p.m. kamakalawa nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng apartment na tinitirhan ng biktimang si Maribel Zamora, 41, sa 2458 Tejeron St., Sta. Ana, Maynila.

Hindi na nakalabas ng apartment si Zamora sa nasusunog nilang unit na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nabatid na umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago naapula dakong 8:40 p.m.

Samantala, dakong 1:47 a.m. kahapon nang sumiklab ang sunog sa Gonzales Street sa Ermita, Maynila.

Nagsimula ang sunog sa unit ng isang Atty. Cipriano Farrales, 81-anyos.

Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire-out dakong 2 a.m.

Sa nasabing insidente ay dumanas ng minor injuries ang magkapatid na sina Froilan delos Reyes, 17, at Kenny Rose delos Reyes, 19-anyos.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pinagmulan ng dalawang sunog.

About Leonard Basilio

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply