Monday , August 8 2022

Magaling ba talagang magsagwan si IO Siguan?

chem sigua terminal 3Since full authority and control na ang hawak nitong si Bureau of Immigration (BI) Associate Commissioner Gilber U. Repizo, mas maganda siguro kung isama agad niya ang pag-relieve sa inaanak sa kasal ni Comm. Fred ‘greencard’ Mison na si NAIA Terminal 3 Head Supervisor, Chem Sagwan ‘este’ Siguan!

Hanggang ngayon kasi ay wala pa raw linaw ang mga misteryo ng mga nawala at nagamit na mga immigration service stamps diyan sa NAIA T-3 na ikinasibak ng 5 Confidential Agents (CA).

Hanggang ngayon ay sumusumpang wala raw talaga silang (CA) kinalaman sa mga nagamit na service stamp na ipinantatak sa mga pinalusot na pasahero papunta raw sa Lebanon!

But since wala naman silang magawa kaya naging sacrificial lamb ang mga kaawa-awang nilalang.

Full knowledge naman na bagyo raw itong si “Sagwan” este Siguan kay Atty. Tara na paborito ni Mison, komo ang pet name pa nga raw nitong si panyera sa kanya ay si “KIMI-Dora.”

Kahit sandamakmak na bulilyaso pa raw ang inabot nitong si Sagwan ‘este’ Siguan ay patuloy pa ring nabibiyayaan ng magagandang puwesto at sa mga pangunahing airports pa ng Pinas!? Ano naman itong narinig natin na kahit sa MCIA, CIA at pati riyan sa NAIA T-3 ay lagi na lang may service stamps na naliligaw ng landas ‘pag nandiyan si IO Siguan aka Kimi-dora???

What the fact!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply