This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng dalawang lalaki makaraang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Inoobserbahan sa Muntinlupa Medical Center ang mga biktimang si Edward Daguio, 31, at ang step-son niyang si Mark John Galanto, 18, kapwa auto mechanic, ng Saint Anthony St., Santo Niño Village, Brgy. Tunasan ng lungsod.
Habang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Paul Jomari, ng Tupa Compound, Arandia St., ng nasabing barangay.
Base sa nakarating na ulat kay Muntinlupa City Police Officer-in-Charge Sr. Supt. Nicolas Salvador, dakong 10:45 p.m. nang mangyari ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima .
Ayon sa ulat, habang naghahanda ang dalawa ng kanilang hapunan, dumating ang suspek na walang sabing pinaulanan ng bala ang nagulat na mga biktima .
Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek lulan ng asul na Honda Civic (UHH-831).
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen.