SA bibihirang pagpapakita ng pagkakaisa, ang religious at civil society groups ay magkikita-kita bukas (Sabado), ala-1:00 ng hapon sa Cuneta Astrodome para ipanawagan sa nasyon at magplano ng liderato para sa susunod na administrasyon pagkatapos ng Aquino era. Sinabi ni dating two-term Senator at Laguna Gov. Joey Lina, ang lead convenor ng grupo, hindi bababa sa 10,000 katao ang inaasahang …
Read More »Masonry Layout
Ekonomiya tumamlay
NAKAPAGTALA lamang sa 5.3-percent ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng 2014. Mas mababa ito kompara sa 6.4-percent na gross domestic product (GDP) growth na naitala sa ikalawang quarter ngayong taon. Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), mas mababa rin ito kompara sa 7.0 GDP na naitala sa kaparehong panahon noong 2013. Pinakamalaking nakapag-ambag sa …
Read More »Hirit ng China na ‘palayain’ ibinasura ng Palasyo (Sa 9 Chinese fishermen)
IBINASURA ng Palasyo kahapon ang hirit ng China na “unconditional release” sa siyam Chinese fishermen na sinentensiyahan ng hukuman sa Palawan sa kasong poaching sa Hasa-Hasa (Half moon) Shoal sa West Philippine Sea. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., na kahit sapat na ang panahon na ginugol sa bilangguan ng mga Tsinong mangingisda ay hindi sila maaaring palayain at …
Read More »3 patay kay Queenie
TATLO na ang naitalang patay sa pananalasa ni Bagyong Queenie kahapon. Napag-alaman, binawian ng buhay ang chief engineer ng isang barge sa Jagna, Bohol. Ayon sa ulat, inabutan ng bagyo sa gitna ng dagat ang barge na sinasakyan ni Engr. Cesar Dela Cerda na natagpuang wala nang buhay sa kalupaan ng Jagna. Ang biktima ay residente ng Liloan, Cebu. Unang napaulat …
Read More »Pork sa 2015 budget binatikos ni Miriam
BINIRA ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang mga dumidepensa sa 2015 national bugdet makaraan niyang isiwalat na taglay pa rin ang pork barrel-like funds at kwestyonableng definition ng “savings”. Ani Santiago, habang iginigiit ni Budget Sec. Butch Abad na walang pork barrel sa proposed budget ay kinompirma ng kalihim na nagsagawa sila ng consultations sa mga mambabatas para tukuyin ang kanilang …
Read More »Menor na ginang hinalay ng sundalo (Sa Bukidnon)
DAVAO CITY – Kinondena ng isang grupo ng mga kababaihan ang panghahalay ng isang sundalo ng 84th Infantry Battalion sa isang menor de edad na ginang sa Bukidnon. Sa kanilang kilos-protesta sa harap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Eastern Mindanao Command headquarters nitong Martes, isinalaysay ni Cora Espinoza ng militanteng Gabriela Southern Mindanao, ang sinapit ni Girlie, 16-anyos, …
Read More »Bulacan ex-judge kulong sa suhol
NAPATUNAYANG guilty sa indirect bribery ng Sandiganbayan ang isang dating huwes sa San Ildefonso, Bulacan. Sa inilabas na desis-yon ng anti-graft court, napatunayang nangikil si dating San Ildefenso Municipal Trial Court Judge Henry Domingo sa isang akusado na nililitis niya noon. Pinaboran ng Sandiganbayan ang testimonya ng private complainant na si Ildefonso Cuevas na sinabing noong Pebrero 2003, kinausap siya …
Read More »Pinoy lusot sa bitay sa Saudi Arabia
NAKALIGTAS sa nakatakdang bitay ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia. Ayon kay Vice President Jejomar Binay, ito ay makaraan patawarin ng mga tagapagmana ng biktima ang Filipino na si Jonard Langamin sa krimeng nagawa. Nananatili ngayon si Langamin sa Dammam Reformatory Jail. Taon 2008 nang kasuhan ng murder si Langamin sa pagpatay sa kapwa Filipino na si …
Read More »Legal assistance sa OFW itaas sa P100-M — Senators
ISINULONG nina Sen. Cynthia Villar at Sen. Nancy Binay ang pagtataas sa P30 million legal assistance fund ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa overseas Filipino workers. Ayon sa dalawang senador, dapat ipako sa P100 million ang alokasyon dahil patuloy na tumataas ang bilang ng OFWs na nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa. Binusisi rin ni Villar ang DFA kung …
Read More »P5-M hiniling para sa Luneta restoration (Sa pagtatapos ng Papal visit)
HINILING ng pamunuan ng National Park Development Committe (NPDC) na namamahala ng Rizal Park sa lungsod ng Maynila, na dagdagan ng P5 milyon ang kanilang Miscellaneous and Other Operating Expenses (MOOE) upang magamit makaraan ang misa ni Pope Francis sa Enero 18, 2015 sa pagbisita niya sa bansa. Ayon kay Engr. Eduardo Villalun, chief ng Planning and Management Division ng …
Read More »Cebu Pac kasado vs pekeng sales agents (Sa tulong ng PNP)
MAKIKIPAGTULUNGAN ang Philippines’ leading airline, Cebu Pacific Air (PSE:CEB), sa Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) para mahuli ang mga manggogoyo na umaakto bilang official sales agents ng Cebu Pacific at nagsasagawa ng pekeng transaksyon sa airline sa pamamagitan ng Facebook. Isumite ng CEB ang mga pangalan, IP addresses at transaction details ng lahat ng reported fraudsters sa Philippine …
Read More »P.5-M pabuya sa gumahasa at pumatay sa 14-anyos (Sa Bataan)
NAGLAAN ng P500,000 pabuya ang lokal na pamahalaan at isang pribadong sektor para sa ikadarakip ng pumatay sa 14-anyos dalagita sa Mariveles, Bataan. Matatandaan, Nobyembre 20 nang matagpuan ang sunog na bangkay ng biktima sa Brgy. Balon Anito. Sinasabing ginahasa ang dalagita bago pinaslang. Nitong Martes, inilibing na ang biktima. Sa hangaring mahuli na ang mga salarin, naglaan ng P300,000 …
Read More »DILG, walang pinipili sa paglilingkod — Roxas
Tiniyak ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas sa mga miyembro ng Senado na ang kapakanan ng mamamayan sa pamahalaang lokal ang laging magiging prayoridad ng kagawaran. Ito ang tugon ni Roxas sa mga sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanyang privilege speech sa Senado noong Lunes nang ipagpatuloy ang pagdinig ukol sa pambansang badyet para sa 2015. Sa …
Read More »TF Phantom sa Papal visit inilunsad ng MMDA
INILUNSAD ng Metropolitan Manila Develoment Authority (MMDA) ang Task Force Phantom na tututok sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Binubuo ang task force ng 15 traffic constables mula MMDA at 15 miyembro ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police (PNP). May bagong uniporme at motorsiklo ang mga babae at lalaking miyembro ng task force. Sumailalim sa mahigit isang …
Read More »4 OFW patay sa car crash sa Canada
07BINAWIAN ng buhay ang apat overseas Filipino worker sa vehicular accident sa Alberta, Canada. Papunta sanang Kingman sina Archie Bermillo, Romil Mose, Rosalinda Tipdas at Eva Janet Caperina nang dumulas ang sasakyan nila sa bahagi ng kalsada na balot ng snow dahilan para makabanggaan nila ang isang tractor. Agad nalagutan ng hininga ang mga biktima sa insidente. Empleyado ng isang …
Read More »Kagawad tiklo sa droga
HINDI nakapalag sa mga awtoridad ang isang barangay kagawad makaraan masakote nang pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Carmen, Davao del Norte kamakalawa. Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. ang suspek na si Jojo Bitte, 42, may-asawa, kagawad ng Brgy. Guadalupe sa nasabing bayan. Ayon sa ulat, nadakip ang suspek …
Read More »2 paslit pinukpok ng martilyo ni tatay
ARESTADO ang isang ama makaraan pukpukin ng martilyo ang kanyang dalawang anak sa Brgy. Industrial Valley Complex sa Marikina. Kuwento ng ina ng mga biktima na si Ginang Esther, dakong 9 a.m. nitong Martes nang umalis siya ngunit pagbalik niya kinahapunan, nagulat siya sa sumbong ng panganay na si Jun dahil sinaktan sila ng ama. Bakas sa katawan ni Jun …
Read More »2 totoy tinurbo ng 2 bading
NAGA CITY – Tinutugis ng mga awtoridad ang dalawang bakla na humalay sa dalawang menor de edad na lalaki sa Plaridel, Quezon. Kinilala lamang ang mga suspek sa alyas na Gibo at Gab. Sa nakalap na impormasyon, nabatid na nanonood ng disco party ang dalawang biktimang kinilala sa alyas Fred, 13, at Frank, 11, sa nasabing lugar. Bigla na lamang …
Read More »PSG, tserman ‘Life’ sa rape at human trafficking
NATULAN ng habambuhay na pagkabilanggo si Staff Sgt. Walter Candelaria ng Presidential Security Group (PSG), dahil sa panghahalay sa isang 16-anyos dalagita noong 2011. Si Candelaria ay ‘guilty’ sa mga kasong paglabag sa RA 9208 o qualified trafficking in person at RA 7610 o Child Abuse. Habambuhay din pagkabilanggo ang hatol kay Brgy. San Miguel Chairman Angel Murillo dahil sa …
Read More »Blacklist order vs HK journalists binawi na
BINAWI na ng Bureau of Immigration (BI) ang blacklist oder laban sa siyam mamamahayag ng Hong Kong na sinasabing nambastos kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa APEC Summit sa Bali, Indonesia noong isang taon. Ipinawalang-bisa ng Immigration, kasunod ng rekomendasyon ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), ang inisyu nitong kautusan noong Hunyo 6, 2014. “Upon evaluation of the NICA …
Read More »Pasay City Police bumaho sa umapaw na pozo negro
PANSAMANTALANG paralisado ang operasyon sa tanggapan ng Station Investigation Detective & Management Branch (IDMB), Intelligence Unit, at Follow-up Operation Unit ng Pasay City Police bunsod nang matinding baho dahil sa umapaw na tubig sa baradong pozo negro. Halos hindi makapagtrabaho ang karamihan ng pulis dahil hindi nila makayanan ang nakasusulasok na amoy nang umapaw ang naninilaw na tubig mula sa baradong pozo …
Read More »Desisyon sa DQ vs Erap hiling na pamasko (200 militante nag-carolling sa SC)
CAROLLING ang ginawa ng may 200 miyembro ng iba’t ibang grupo sa harap ng Korte Suprema para iapela ang agarang pagdedesisyon sa disqualification case na isinampa ni Atty. Alice Vidal laban sa napatalsik na Pangulo ng bansa at convicted plunderer na si Mayor Joseph Estrada. Kabilang sa mga grupong nakilahok ang Kaisa sa Mabuting Pamamahala (KMP), Koalisyon ng Kabataan Kontra …
Read More »DQ vs Laguna Gov. Ejercito pinagtibay ng SC
PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang disqualification case ni Emilio Ramon “ER” Ejercito bilang gobernador ng Laguna. Magugunitang unang nagdesisyon ang Commission on Elections (Comelec) na pababain si Ejercito sa pwesto dahil sa overspending noong siya ay nangangampanya. Ngunit noong Mayo 23, 2014 ay hiniling ng gobernador sa Korte Suprema na pigilan ang implementasyon ng Comelec ruling. Sa kabila ng …
Read More »FOI bill ‘bungal’ — solon
ITO ang pananaw ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list Rep. Antonio Tinio sa consolidated version ng Freedom on Information (FOI) Bill na inaprobahan ng House Committe on Public Information nitong Lunes. Sampu ang bumoto pabor dito ngunit komontra si Tinio at sina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at Camiguin Rep. Xavier Jose Romualdo. Ikinatwiran ni Tinio sa pagtutol ang …
Read More »Pacman no comment sa babayarang buwis
GENERAL SANTOS CITY – Hindi sinagot ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao ang tanong ng media sa press conference, ang kaugnay sa babayarang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Ayon kay Pacman, ang dapat lamang na pag-uusapan ay kaugnay sa boxing. Nangyari ito nang sabihin ng Filipino ring icon na handa niyang sagutin ang tatlong tanong kahit natapos na …
Read More »