This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki makaraang mapatay ng lasing niyang kainoman nang magkapikonan sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Mark Selovia, residente ng Colinas Verdes Subd., Brgy. Tungkong Mangga, sa naturang siyudad, habang ang suspek ay Wilmer Bangalisan, ng Harmony Hills 3, Brgy. Loma de Gato, Marilao, sa lalawigang ito.
Ayon sa ulat, masayang nag-iinoman ang biktima at ang suspek kasama ng ilang kaibigan nang magkapikonan ang dalawa habang nagkukuwentohan.
Bunsod nang sobrang kalasingan, hindi napayapa ang dalawa ng kanilang mga kasama. Hanggang tumayo ang suspek, kumuha ng dalawang bote ng alak at ipinalo sa ulo ng biktima.
Napuruhan ang biktima sa ulo na naging dahilan nang agad niyang pagkamatay.
Mabilis na tumakas ang suspek na kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtoridad.