Wednesday , December 11 2024

1 patay, 1 sugatgan sa birthday party

NAGING madugo ang pagdiriwang ng kaarawan ng isang lalaki makaraang pagbabarilin ng isa sa mga bisita ang dalawa niyang kaanak sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang namatay na si John Michael Soleta, 39, negosyante at residente ng Phase 10A, Package 3, Block 67, Lot 13, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Habang ginagamot sa Far Eastern University (FEU) Hospital si Carlo Paulo, 32, overseas Filipino worker (OFW), naninirahan sa 967 Narra Avenue, Brgy. 181, Pangarap Village, dahil sa tama ng bala ng baril sa tiyan.

Nakapiit na sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek na si Samarudin Maruhun, 23, ng Almar, Brgy. 175, nahuli sa follow-up operation ng mga awtoridad.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Gomer Mappala, naganap ang insidente dakong 9:30 p.m. sa Sampaguita St., Phase 1, Palmera Spring, Brgy. 175.

Ayon sa ulat ng pulisya, dumalo ang mga biktima sa birthday celebration ng kanilang kamag-anak sa naturang lugar nang makatalo ang suspek na bigla na lamang naglabas ng baril at pinagbabaril sina Soleta at Fabro.

About Rommel Sales

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *