Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Supporters ng suspended mayor nagbarikada (Sa Bulan, Sorsogon)

LEGAZPI CITY – Nanindigan ang alkalde ng bayan ng Bulan sa Sorsogon na mananatili siya sa kanyang pwesto sa kabila ng ipinalabas na 90-days suspension order ng Sangguniang Panlalawigan (SP). Ayon kay Bulan administrator Jamer Honra, mananatili si Mayor Marnellie Robles base sa Administrative Order 22 s. 2011. Samantala, unti-unti nang mas nagiging malala ang sitwasyon sa bayan nang maglagay …

Read More »

Ika-51 kaarawan ni Bonifacio ginunita

GINUNITA sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang ika-151 kaarawan ni Andres Bonifacio kahapon. Sa Maynila, nag-alay ng mga bulaklak ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Tutuban Center sa monumento ng bayani. Nakatayo ang monumento ni Bonifacio sa lugar na dating nakatayo ang kanyang tahanan sa harap ng Tutuban Center …

Read More »

Namulot ng barya ulo ng bata pisak sa truck

PATAY ang isang 9-anyos batang lalaki makaraan magulungan ang kanyang ulo ng truck nang hindi mapansin ng driver habang namumulot ng barya sa kalsada kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City. Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Marjon Pamintuan, 9, residente ng T. Santiago St., Brgy. Dalandanan ng nasabing lungsod. Habang kusang-loob na sumuko sa mga awtoridad ang …

Read More »

Swiss tiklo sa human trafficking, child abuse

ARESTADO ang isang Swiss na isinasangkot sa human trafficking at child abuse sa Sta. Fe, Bantayan Island, Cebu. Kinilala ang suspek na si Walter Hauck, dalawang taon nang naninirahan sa Brgy. Talisay. Sa pagsalakay ng National Bureau of Investigation (NBI), Children’s Legal Bureau (CLB) at Provincial Women’s Commission (PWC) sa bahay ni Hauck nitong Sabado, nailigtas ang limang menor de …

Read More »

Ona papalitan ng Palasyo

NAGHAHANAP na ang Palasyo ng magiging kapalit ni Health Secretary Enrique Ona kaya pinalawig ang bakasyon ng kalihim ayon, sa isang Palace source kahapon. Aniya, kaya hindi masabi ng mga tagapagsalita ng Malacanang kung hanggang kailan ang bakasyon ni Ona ay dahil wala pang napipisil na itatalagang bagong kalihim ng Department of Health (DoH). “Yung leave ni Ona ay ‘open-ended’ …

Read More »

2015 nat’l budget isasalang sa Bicam

ISASALANG na sa bicameral conference committee ang 2015 national budget sa Martes, Disyembre 2 upang plantsahin ang magkaibang bersyon ng Kamara at Senado. Ito ang kinompirma ni Senate committee on finance chairman Sen. Chiz Escudero. Kasabay nito, tiniyak ni Escudero na ipaglalaban ng Senado ang sarili nitong bersyon sa pambansang pondo na aniya’y hindi taglay ang “pork barrel” taliwas sa …

Read More »

Bonifacio Day inisnab ni Pnoy

KINOMPIRMA ng Malacañang na walang aktibidad si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngayong araw sa paggunita ng Andres Bonifacio Day. Magugunitang tuwing Araw ni Bonifacio sa nakaraang mga taon, pinangungunahan ni Pangulong Aquino ang selebrasyon at pinakahuli niyang pinupuntahan ang Bonifacio Monument sa Caloocan City at Liwasang Bonifacio sa nakaraang mga taon. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang …

Read More »

Pulis, raliyista nagsagupa sa Times St.

NAGKASAGUPA ang mga pulis at raliyista sa harap ng bahay ni Pa-ngulong Benigno “Noy-noy” Aquino III sa Times St. Quezon City kahapon ng umaga. Sa ulat, nagulat ang mga pulis nang biglang sumugod ang mga rali-yista sa bahay ng mga Aquino sa Times St. Hinagisan umano ng mga raliyista ng bato, kahoy, pintura at bote dakong 9 a.m. Nagawa nilang …

Read More »

Maserati owner hinamon sa lie detector test

“HINAHAMON natin siya magpa-lie detector test na siya.” Ito ang bwelta ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa Maserati owner na si Joseph Russell Ingco kasunod nang paglutang at pagbaligtad sa salaysay ng binugbog at kina-ladkad na traffic constable na si Jorbe Adriatico. Inihayag ni Tolentino, mas pinaniniwalaan niya ang tauhang si Adriatico na sa loob ng …

Read More »

Manager ng Anti-Hunger Int’l NGO patay sa ambush

ROXAS CITY – Patay ang chief manager ng isang anti-hunger international non-government organization (NGO) makaraan pagbabarilin ng riding in tandem sa Estancia, Iloilo kamakalawa. Limang beses na binaril gamit ang kalibre .45 pistol si Andrefel Tenefrancia, 24, manager ng ACF International. Ayon kay Senior Insp. Lorenes Losaria, hepe ng Estancia police station, pinagbabaril si Telefrancia ng hindi nakilalang mga suspek …

Read More »

Licuanan Resign — Tanggol Wika (Filipino ‘pinaslang’ sa GEC)

KINONDENA at pinagbibitiw ng Al-yansa ng mga Tagapagtanggol ng Wilang Filipino (Tanggol Wika) ang chairperson ng Commission on Higher Education (CHED) dahil sa teknikal na ‘pagpaslang’ sa Filipino subjects sa bagong General Education Curriculum (GEC). Sinabi ng Tanggol Wika, tatlong araw bago ang kaarawan ni Andres Bonifacio, nakalulungkot na mas pinili ng CHED na “ikadena” ang education system, sa pamamagitan …

Read More »

CJ Sereno ‘wag ipokrito DQ vs Erap desisyonan (Banat ng KKK, MAC, CoWAC, KMP)

SUMUGOD sa harap ng Quezon City hall ang mga residente ng Maynila para igiit kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na pabilisin ang pagresolba sa disqualification case na isinampa ni Atty. Alice Vidal laban sa napatalsik na Pangulo at convicted plunderer na si Manila Mayor Joseph Estrada. Lumusob ang iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng Kaisa sa Mabuting Pamamahala …

Read More »

Samboy Lim comatose sa ICU

KASALUKUYANG comatose sa ICU ng Medical City ang kilalang PBA legend Avelino ‘Samboy’ Lim makaraang mag-collapse habang naglalaro sa legends basketball match sa Ynares Arena sa Pasig City nitong Biyernes, Nobyembre 28. Naglalaro pa lang ng ilang minuto ang kinilalang ‘Skywalker’ ng San Miguel Beermen nang magreklamo sa pamamanhid ng kanyang braso. Kasunod nito’y bumagsak na ito at nawalan ng …

Read More »

Edukasyon para sa lahat sisikapin ng DepEd, Save the Children

NAKIPAGSANIB ang Department of Education (DepEd) sa children’s rights organization na Save the Children upang matiyak ang pagpapatupad ng iba’t ibang education programs sa buong bansa. Sinabi ng DepEd, sakop ng nasabing partnership ang mga programa sa early childhood education, basic education, literacy at mother tongue-based multilingual education, school health and nutrition, child protection, edukasyon sa emergencies and disaster risk …

Read More »

Koreano naglaslas, nahulog sa 8/f ng condo, kritikal

CEBU CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang Korean national nang maglaslas ng pulso at nahulog mula sa 8th floor ng inuupahang condominium sa La Guardia Street, Brgy. Apas lungsod ng Cebu. Kinilala ang biktimang si Kang Sung-Hwi, 46, tubong Hyosung Korea at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar. Ayon kay SPO1 Rommel Bancog ng Homicide Section ng CCPO, problema ng …

Read More »

70 bar girls nasagip ng NBI sa Pasay

UMABOT sa 70 kababaihang ibinubugaw sa isang KTV bar sa Pasay City, ang nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI). Ito’y kasunod ng joint entrapment at rescue operation ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice (DoJ), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ilang non-government organizations sa nasabing bar. Sa isinagawang operasyon, agad bumungad …

Read More »

Brillantes kinuwestiyon sa pagbili ng P1.2-B lote para sa Comelec

Kinondena ng Kilusan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) si Comelec Chairman Sixto Brillantes sa pagsisinungaling sa budget hearing ng Kongreso na walang badyet ang ahensiya sa recall elections ng Puerto Princesa City sa Palawan pero may “savings” para makapag-down payment ng P250 milyon sa loteng pagtatayuan ng bagong gusali ng Comelec. Ayon kay 4K Chairman Ronald Mendoza, malinaw na lumabag …

Read More »

P300-B uutangin ng PH (Pandagdag sa 2015 budget)

UUTANG ang gobyerno ng P300 bilyon sa susunod na taon para idagdag sa P2.6 trilyon General Appro­priations Act (GAA) o national budget sa 2015. Nilinaw ng Sen. Chiz Escudero, chairman ng Senate­ Finance Committee, hindi uutangin ang nasabing halaga sa International Monetary Fund (IMF) at ang economic managers na ang magdedesisyon kung saan kukunin ang budget. Kaugnay nito, plano na …

Read More »

P.1-M reward vs luxury car owner alok ng MMDA

NAG-ALOK ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng P100,000 pabuya sa positibong makapagtuturo sa sports car driver na nag-dirty finger, nagkaladkad at nagbugbog ng isang traffic enforcer sa Quezon City nitong Huwebes. Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, nais niya ang agarang pagresolba sa insidente lalo’t mag-uumpisa na ngayong Biyernes ang bagong mall hours sa Kamaynilaan. Panawagan ni Tolentino kay …

Read More »

Maserati inabandona ni Ingco sa condo

INABANDONA ni Joseph Russel A. Ingco ang Maserati Ghibli sportscar sa kanyang tirahan sa Valencia Towers condominium sa Quezon City. Si Ingco ang suspek na nag-dirty finger, kumaladkad at bumugbog sa traffic constable na si Jorbe Adriatico makaraan siyang sitahin sa traffic violation sa kanto ng Araneta Avenue at Quezon Avenue nitong Huwebes. Sa larawan na ipinadala ng isang homeowner …

Read More »

12-anyos totoy nagbigti sa kumot

BUTUAN CITY – Masu-sing iniimbestigahan ng pulisya ng Butuan City ang insidente ng pagbibigti ng isang 12-anyos batang lalaki kamakalawa ng gabi sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Aquarius street, Brgy. J.P., sakop ng Butuan City. Mismong si Nestor Allen, 66, lolo ng biktimang si Raymart John, ang nagkompirma sa pagkakakilanlan ng bata. Ayon sa mga kaibi-gan ng biktima, …

Read More »

Aroganteng IO sa NAIA T1 kinasuhan sa Ombudsman

INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman ng mag-asawa ang isang Immigration officer ng NAIA Terminal 1 sa Pasay City bunsod ng pagiging arogante. Kinasuhan nina Gabriel Apostol at Ma. Critina Bucton, ng Blk. 102, Lot 61, Area F, San Pedro, San Jose del Monte, Bulacan si Immigration Officer Sidney Roy Dimandal ng unjust vexation, grave oral defamation at slander, at …

Read More »

MMDA enforcer sugatan sa sapak ng luxury car driver

SUGATAN at duguan ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraan sapakin at kaladkarin ng sinitang driver ng luxury car sa kanto ng Araneta Avenue at Quezon Avenue sa Quezon City kahapon. Kinilala ang biktimang traffic enforcer na si Jorvy Adriatico. Habang kinilala ang suspek sa pamamagitan ng lisensiya na nakuha mula sa Land Transportation Office (LTO), …

Read More »

P2.6-T 2015 budget aprub sa Senado

sa ikatlo at huling pagbasa ang P2.6 trillion 2015 national budget kamakalawa ng gabi Naaprobahan ito sa pamamagitan ng boto mula sa mga senador na 13-0. Iprinesenta ng mga senador ang amendments sa budget measure, House Bill No. 4968, kasama na ang karagdagang realignments na aabot sa P4.756 billion. Ang major amendments ng mga senador ay kinabibilangan ng P53.9 billion …

Read More »

P8.09-B ipinagkaloob ng gobyerno sa Tacloban rehab

Umabot na sa P8.09 bil-yon pondo para sa iba’t ibang rehabilitation at recovery programs, mga proyekto at iba pang mga gawain ang naipagkaloob ng pamahalaan sa Tacloban City. Mula sa kabuuang halaga, inilaan ang P3B para sa mga proyektong impraestruktura; P367.44M para sa social services; P4.01B para sa resettlement; at P714.73M para sa livelihood assistance. “Based on these fi-gures, Tacloban City …

Read More »