Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

4 patay, 17 sugatan sa jeep vs truck

CAGAYAN DE ORO CITY- Patay ang apat katao habang 17 ang sugatan sa banggaan ng Talakag liner at prime mover truck na may kargang container van sa Sitio Balaon, Brgy. San Isidro, Talakag, Bukidnon kamakalawa. Inihayag ni PO3 Charlie Ganzan ng Talakag Police Station, tatlong pasahero ang dead on the spot na kinilalang sina Irish Mae Napay, 13; Ethel Talaro …

Read More »

Reklamo vs Smartmatic tuloy — C3E

NANINDIGAN ang isang election watchdog na solid ang mga reklamong katiwalian laban sa Smartmatic kung kaya’t hinamon nito ang Commission on Elections (Comelec) na ituloy ang pagpapa-blacklist sa kompanya na sinasabing  nanloko at lumabag sa sangkatutak na batas ukol sa halalan. Ayon sa Citizens for Clean and Credible  Elections (C3E), hindi dapat ibinasura ng Comelec ang reklamo laban  sa Smartmatic …

Read More »

BI-Davao natakasan ng american fugitive (Deportasyon nakabinbin)

ISANG puganteng Amerikano na tila nag-ala-Clint Eastwood sa pelikulang Alcatraz ang iniulat na tumakas sa pamamagitan umano ng paglagari sa rehas ng kanyang detention cell sa Davao Immigration Office sa Davao City. Batay sa nakalap na impormasyon ng HATAW, isang Douglas Brent Jackson, American national, ang walang kahirap-hirap na nakatakas sa kanyang selda nitong nakaraang Disyembre 7, araw ng Linggo. …

Read More »

15K prison guards idaragdag sa BuCor

MAGDARAGDAG ng 15,000 security personnel ang Bureau of Corrections (BuCor) sa mga penal farm sa bansa bilang bahagi ng BuCor Modernization Law. Nitong Biyernes, nilagdaan na ni Justice Secretary Leila de Lima ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 10575 na nagtatakda ng modernisasyon sa mga kulangan sa bansa. Sinabi ni BuCor Director Franklin Bucayo, layon ng …

Read More »

Chinese trader dinukot sa Batangas

NAGA CITY-Nakaalerto ang buong PNP sa lalawigan ng Quezon makaraan marekober sa bayan ng Tiaong ang sasakyan ng dinukot na negosyanteng Chinese sa lalawigan ng Batangas. Sa ulat ni Chief Insp. Francis Pasno, Deputy Chief of Police ng PNP-Tiaong, pasado 10 a.m. kamakalawa nang dukutin ang negosyanteng si Jefferson Ty. Lulan ang biktima ng kanyang asul na Nissan Frontier Navara …

Read More »

22 katao nalason sa karne ng aso

VIGAN CITY – Nalason sa karne ng aso ang 22 katao sa Brgy. Daldagan, bayan ng Galimuyod, Ilocos Sur kamakalawa. Batay sa imbestigasyon ng PNP Galimuyod, sa pangunguna ni Senior Insp. Napoleon Eleccion, chief of police, dahil may sakit ang aso at bago pa mamatay, kinatay na lamang ng isang alyas Anton at ng kanyang mga kasama sa barangay at …

Read More »

Mag-utol lasog (Motorsiklo sumalpok sa jeep)

KAPWA namatay ang mag-utol matapos bumangga sa kasalubong na pampasaherong jeep ang kanilang sinasakyang motorsiklo nang ma-overtake  sa isang bus sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Orwin Apin, 30-anyos at nakababatang kapatid na si Oscar Apin Jr., 29, kapwa residente sa Alibangbang St., Pangarap Village, ng nasabing lungsod sanhi ng mga pinsala sa ulo …

Read More »

3 tulak nakatakas sa shootout (2 tigbak)

DALAWANG hindi nakilalang drug pusher ang napatay ng mga tauhan ng San Rafael, Bulacan PNP makaraan ma-kipagpalitan ng putok habang nakatakas ang tatlo nilang kasamahan lulan ng Hyundai Starex van sa Viola Highway, sakop ng Brgy. Maroquillo sa bayang ito. Sa ulat na naitala sa tanggapan ni Supt. Rainel Valones, hepe ng pulisya, pasado 9 p.m. kamakalawa nang mangyari ang insidente …

Read More »

2 brand new fighter jets ng PAF darating sa 2015

NAKATAKDANG dumating sa susunod na taon ang unang batch ng mga bagong biling fighter jets mula sa South Korea. Nasa P18.9 billion ang halagang inilaan ng pamahalaan para sa pagbili ng fighter jets mula Korea Aerospace Industries na gagamitin ng Philippine Air Force (PAF). Habang ang final delivery ay matatapos sa taon 2017. Nasa 12 FA-50 fighter jets ang bibilhin …

Read More »

8 totoy nalason sa tuba-tuba

WALO sa 12 binatilyo na kumain ng bunga ng tuba-tuba ang isinugod sa Bulacan Provincial Hospital sa Capitol Compound sa Malolos City, nang sumakit ang tiyan, nahilo at sumuka. Ang walong biktimang patuloy na inoobserbahan ang kalagayan ay kinilalang sina Bowen dela Cruz, 9; Jomar Robles, 9; Bien Mar Navarro, 10; Boris dela Cruz, 12; Mar Jaron Narciso, 9; Joshua dela Cruz, …

Read More »

P3.3-B unclaimed lotto prizes ibigay sa DSWD (Isinulong ng solon)

ISINULONG ng isang mambabatas na ibigay sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ang hindi kinobrang premyo sa lotto na nagkakahalaga ng P3.35 billion. Batay sa inihain na House Bill No. 5257 ni Rep. Winston Castelo ng 2nd District, Quezon City, ipinalilipat niya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pondo sa DSWD. “The effective and efficient disposition …

Read More »

Cebu politician, kolehiyala tiklo sa ‘Yugyog’ ng kotse (Sa no parking area)

CEBU CITY – Naging usap-usapan ang pagkahuli sa isang barangay councilor ng mga kasapi ng Mobile Patrol Group (MPG) sa Brgy. Sto. Niño, lungsod ng Cebu pasado 1 a.m. habang may ka-sex na isang kolehiyala. Nabatid na isang kilalang tao ang konsehal dahil may mga negosyo siyang matatagpuan sa downtown area ng lungsod. Ayon sa kontrobersi-yal na konsehal, hindi totoo ang …

Read More »

Susuway kay Espina sibak agad (Utos ni PNoy)

MARIING inihayag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na si Deputy Director General Leonardo Espina ang kasalukuyang officer-in-charge ng PNP kaya dapat sundin ng mga pulis ang kanyang mga direktiba. Sinabi ni Pangulong Aquino, sino mang pulis na susuway kay Espina at hindi kikilala sa kanyang awtoridad ay agad tatanggalin. Ayon kay Aquino, nagsimula na siyang maghanap ng itatalagang PNP …

Read More »

5-day non-working holiday sa MM sa Papal visit

PLANO ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magdeklara ang Malacañang ng limang araw na non-working holiday sa Metro Manila kaugnay ng pagbisita ni Pope Francis sa Enero 2015. Nagpasa na ng resolusyon ang Metro Manila Council para maideklarang holiday ang Enero 15 hanggang 19, 2015. Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang nasabing resolusyon ay isusumite kay Pangulong Beninog …

Read More »

Notam sa papal visit — CAAP

IPATUTUPAD ng Philippine Aviation Authority ang ‘no-fly zone’ sa pamamagitan ng Notice to Airmen (NoTAM) sa ilang bahagi ng bansa kasabay ng pagbisita ni Pope Francis sa Enero 15 hanggang 19, 2015. Ayon kay CAAP Deputy Director General Rodante Joya, kabilang sa mga lugar na ipatutupad ang no-fly zone ay mga lugar na tutunguhin ng Santo Papa, kabilang ang Luneta. …

Read More »

BI handa na sa pagdating ng Santo Papa

KABILANG ang Bureau of Immigration sa mga punong-abala sa paghahanda ng seguridad sa pagdating ng Santo Papa kasunod ng binuong  special task force na ang pangunahing layunin ay matiyak ang seguridad  ni Pope Francis. Ayon kay BI Commissioner Siegfred Mison, ang task force na tatawaging Task Unit Immigration ang mangangasiwa para matiyak na magiging maayos ang immigration services at intelligence …

Read More »

Tatlong pamilyang Pinoy makakasalo ni Pope Francis

BUKOD sa mga biktima ng bagyong Yolanda na makakasalo sa pananghalian ng Santo Papa, tatlong pamilya ang inimbitahan para makasalamuha nang personal si Pope Francis sa Mall of Asia (MOA) Arena. Sinabi ni Father Dennis Soriano, ang nangangasiwa para sa Liturgy on the Encounter of Families, ang mga pamilya na mapipili ay ibabatay sa rekomendasyon ng mga parokya. Isa sa …

Read More »

2 todas sa hostage taking sa Cavite

7PATAY ang empleyado ng isang lechon manok food chain makaraan i-hostage at burdahan ng saksak ng kapwa empleyado na napatay rin ng nagrespondeng mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Imus, Cavite. Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na isang Richard alyas Noynoy, tubong Leyte, stay-in worker ng Pearl Lechon Manok, sa Brgy. Tanzang Luma, Imus City. Si Noynoy ay …

Read More »

P.2-M ng Koreano tinangay ng 8 towing personnel

INIREKLAMO ng isang Korean national  sa Manila Police – General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang walong towing personnel ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa pagkawala ng P250,000 sa loob ng sports utility vehicle (SUV) na hinila ng grupo habang nakaparada sa Mabini St., Malate, Maynila. Ayon kay C/Insp. Arsenio Riparip, naganap ang insidente nitong Disyembre 11, …

Read More »

3 tigok sa truck vs van sa Parañaque

PATAY ang tatlo katao at isa ang bahagyang nasugatan makaraan banggain ng trailer truck ang delivery van sa intersection ng CAVITEX at Marina Road, Parañaque City. Ayon kay Cavitex Traffic Investigator Jose Gallego, tatawid sa traffic light ang delivery van (UCM 612) nang habulin ng trailer truck (RAC 240) ang red light. Batay sa body markings, pag-aari ang truck ng …

Read More »

8-anyos nene niluray ng kapitbahay

NAGA CITY – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang lalaki na humalay sa isang 8-anyos batang babae sa Polilio, Quezon kapalit ng kaunting barya. Kinilala ang suspek na si alyas Jun, 38-anyos. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tinawag ng suspek ang biktima at pinapasok sa bahay sabay alok ng barya. Pagkaraan ay hinubaran ng suspek ang biktima, pinaghahalikan sa labi …

Read More »

Suspensiyon sa taxi coy na sangkot sa holdap

IPATITIGIL ang biyahe ng buong prangkisa ng mga taxi na nasangkot sa insidente ng panghoholdap. Ito’y makaraan ang sunod-sunod na insidente ng panghoholdap ng mga taxi driver sa kanilang mga pasahero na ang ilan umaabot sa pamamaril. Ayon kay Atty. Roberto Cabrera III, executive director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), dapat pagbayarin ang mga gumagawa ng krimen. …

Read More »

P5.7-M shabu kompiskado sa Cavite

KOMPISKADO ang P5.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa sinalakay na bahay sa Brgy. Datu Esmael sa Dasmariñas, Cavite. Sa bisa ng search warrant ng mga pulis, pinasok nila ang bahay na sinasabing pinanggagalingan nang ibinibentang illegal na droga. Nakuha rito ang humigit-kumulang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nakapakete. Bukod dito, nasamsam din ang kalibre .38 baril, magazine at …

Read More »

Provisional decrease ipatupad — LTFRB (Kahit walang fare matrix)

IGINIIT ng pamunuan ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kailangang ipatupad ang P1.00 provisional decrease sa pamasahe sa jeep sa Metro Manila kahit wala pang kopya ng fare matrix. Ayon kay LTFRB Executive Director Robert Cabrera III, tiyak aniyang gagawing dahilan ito ng ilang mga tsuper ngunit hindi na kailangan dahil nai-anunsiyo na ito sa media at …

Read More »

‘Leadership vacuum’ sa PNP itinanggi

TINIYAK ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, nananatiling intact ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP), kahit suspendido ngayon si PNP chief Director General Alan Purisima. Ayon kay DILG Secretary Mar Roxas, si PNP Deputy Director General Leonardo Espina ang kasalukuyang itinalagang officer-in-charge (OIC) ng PNP. Giit ng kalihim, walang pagbabago sa set up ng …

Read More »