LEGAZPI CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente ng pagpapaulan ng bala sa bahay ng isang politiko at radio broadcaster sa Sorsogon. Salaysay ni Sorsogon First District Board Member Roland Añonuevo, isa ring broadcaster ng Padaba FM, nanonood siya ng telebisyon sa loob ng kanyang bahay nang makarinig nang sunod-sunod na putok sa labas. Dahil dito, agad lumabas ang …
Read More »Masonry Layout
Mag-asawa ninakawan misis pinatay
CAUAYAN CITY, Isabela – Wala pang natutukoy ang mga imbestigador ng San Mateo Police Station na suspek sa panloloob sa bahay ng mag-asawang matandang negosyante sa Brgy. 4, San Mateo, Isabela kamakalawa. Ito’y nagresulta sa pagkamatay ng 81-anyos negosyanteng si Marcelina Penia habang nasugatan ang kanyang mister na si Leonardo, 84-anyos, nilalapatan ng lunas sa isang pribadong ospital sa Santiago …
Read More »Globe, Viva nagpartner (Para sa exclusive video content sa CP)
BILANG bahagi ng pangako na maghatid ng ‘innovative content’ sa mga customer nito kasunod ng pakikipagtambalan sa global brands tulad ng Spotify at NBA, sinelyohan ng Globe Telecom ang exclusive partnership sa Viva Communications, ang pinakamalaking entertainment content provider sa bansa sa kasalukuyan, upang maka-access sa libo-libong pelikula, music videos, live concerts at events sa kanilang mobile phones. Sa partnership, …
Read More »Buy & sale agent ng ginto itinumba
CAMP OLIVAS, Pampanga –Hinayaan munang matapos mag-almusal ang isang lalaking namimimili ng ginto bago pinasok ng isa sa riding in tandem sa loob ng canteen at binaril sa batok ang biktima kamakalawa ng umaga sa Sitio Santiago, San Vicente, bayan ng Apalit. Base sa ulat ni Supt. Samuel Sevilla, hepe ng Apalit Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Ronald Santos, …
Read More »Villar nanguna sa World Wetlands Day sa LPPCHEA
PINANGUNAHAN ni Sen. Cynthia Villar ang pagdiriwang ng anibersaryo ng paglagda sa “Convention on Wetlands of International Importance” sa pama-magitan ng paglilinis sa Las Piñas-Paranaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area (LPPCHEA). “We are taking part in the celebration to raise public awareness on the value of wetlands and to drum up support for the protection and conservation of the six …
Read More »Pumatay sa Fallen 44 magiging pulis sa BBL (Ayon kay Sen. Marcos)
IBINUNYAG ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na dapat malaman ang buong katotohanan sa usapin ng pagpaslang sa 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) dahil ang mga pumaslang sa kanila ay pawang tata-yong mga pulis sa ilalim ng isinusulong na Bangsamoro Basic law (BBL). “Cop Killers to become policemen under Bangsamoro Basic Law (BBL), that’s why it is …
Read More »Pekeng ‘Frozen’ dolls may lason
ANG pekeng ‘Frozen’ dolls na hango sa pelikulang “Frozen” na ibinebenta sa Divisoria district ay hindi lamang lumalabag sa intellectual property rights, kundi maaari ring mapanganib dahil sa pagtatalay ng kemikal na phthalate. Ang phtalates, ang synthetic chemicals na ginagamit para mapalambot ang polyvinyl chloride (PVC) products, ay natuklasan sa sample dolls na binili at sinuri ng EcoWaste Coalition. Ayon …
Read More »2 high ranking NPA officials tiklo sa Davao Sur
ARESTADO ang dalawang mataas na lider ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa pinagsanib na operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Matanao, Davao del Sur. Kinilala ang mga suspek na si Raunil Nodalo Mortejo, commander ng NPA unit na Pulang Bagani Command, at Jasmin Castor Badilla alyas …
Read More »1 sugatan sa QC fire
SUGATAN ang isang residente makaraan masunog ang tatlong kabahayan kahapon sa Quezon City. Kinilala ang sugatan na si Luzviminda Dela Cruz, 54, ng 77 K-6th Street, Brgy. Kamuning. Ganap na naapula ng mga bombero ang sunog dakong 3:22 pm. Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na umabot sa ikalawang alarma ang sunog. Iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng sanhi ng nasabing insidente.
Read More »Sugatang SAF hinakot sa ‘Parangal’ ni Pnoy (Kahit ‘di pa nakarerekober)
KAHIT hindi pa ganap na nakarekober sa sugat sa katawan at isipan, ‘hinakot’ kahapon ang mga survivor at sugatang tropa ng Special Action Force na sumabak sa Mamasapano, Maguindanao, para bigyan ng parangal ni Pangulong Benigno Aquino III. Sa isang simpleng seremonya sa President’s Hall sa Malacañang na ikinubli sa media, pinagkalooban ng Pangulo ng plake ng kagitingan at medalya …
Read More »PNoy walang K sa Nobel Peace Prize (Dahil sa Fallen 44)
HINDI dapat makasama sa mga nominado para sa pinakaaasam na Nobel Peace Prize si Pangulong Benigno Aquino III dahil nasa mga kamay niya ang dugo ng Fallen 44. Ito ang paliwanag ni Mary Urduja Li, isang concerned netizen na nagpasimuno ng online petition na “NO! to the nomination of President Aquino for a Nobel peace Prize” sa Change.org. na may …
Read More »Resignation ni Purisima kinompirma ng Pangulo
TINANGGAP na ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw ni suspended Philippine National Police (PNP) chief bilang pinuno ng pambansang pulisya. Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang President’s Message to the Nation kagabi o isang araw makaraan kumalat ang balita na nagbitiw na si Purisima. Inamin ng Pangulo na mahirap para sa kanya na tanggapin ang pagbibitiw ni Purisima na …
Read More »Pirma ni Aquino sa SK Law hinihintay ng Comelec
BAGAMA’T nagtakda na ng bagong petsa para sa Sangguniang Kabataan (SK) elections, nilinaw ng Comelec na hinihintay pa rin nila ang SK postponement law. Ayon kay Comelec spokesperson Atty. James Jimenez, habang wala pang pirma ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang panukalang pagpapaliban ng SK election ay minabuti nilang ilipat ito mula sa Pebrero 21 sa Abril 25 ngayong taon. …
Read More »Estibador inatado ng matansero
HALOS maatado ang isang estibador, nang tadtarin ng saksak ng isang matansero dahil sa paghahagis ng tsinelas sa anak ng huli sa Tondo, Maynila, kamakalawa. Binawian ng buhay habang itinatakbo sa Tondo General Hospital ang biktimang si Rogelio Chiva, 32, estibador, nakatira sa Room 517 ng Bldg. 7, 5/F Permanent Housing, Balut, Tondo, Maynila. Sumuko sa barangay officials ng Brgy.128, …
Read More »2016 Polls isalba vs Smartmatic (Sigaw ng C3E sa Kongreso)
IGINIIT kahapon ng grupong Citizens for Clean and Credible Elections (C3E) sa Kongreso na gamitin ang oversight powers nito at puwersahin ang Commission on Elections (Comelec) na i-disqualify ang Venezuelan technology reseller na Smartmatic sa pakikialam sa ano mang bahagi ng paghahanda sa 2016 elections. Sa kanyang malakas na panawagan sa Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) on automated elections, iginiit …
Read More »Resignation ng ‘kaibigan’ tinanggap ni PNoy (Suspendidong PNP chief nagbitiw na)
INIHAYAG ni Pangulong Benigno Aquino III sa key Cabinet members sa Malacañang na tinanggap na niya ang pagbibitiw ng kanyang kaibigan na si Alan Purisima bilang hepe ng Philippine National Police (PNP). Ayon sa dalawang senior government sources, inianunsiyo ito ng Pangulo sa Cabinet members sa Malacañang nitong Huwebes. “He said it matter of factly,” ayon sa isang source sa …
Read More »DNA sample posibleng kay Marwan (Ayon sa FBI)
INIANUNSIYO ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika, posibleng tugma ang DNA sample na nakuha kay Zulkifli Bin Hir alyas “Marwan” sa kanyang kapatid na nakakulong sa Guantanamo Prison. Sa preliminary results ng FBI, lumabas na may “possible relationship” ang biological sample sa kaanak ni Marwan ngunit kailangan pa ng karagdagang testing. Pahayag ni FBI Los Angeles Field Office …
Read More »SAF OPS sa Mamasapano kulang sa exit strategy
PINUNA ni dating PNP-CIDG chief at ngayo’y ACT-CIS party-list Rep. Samuel Pagdilao ang nasilip niyang kakulangan sa madugong operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 PNP-SAF commandos. Sinabi ni Pagdilao, naging bahagi rin ng SAF sa pagtatatag nito noong Mayo 1983, naniniwala siyang buo ang plano ng SAF sa operasyon sa Mamasapano ngunit “ang nakikita ko diyan nagkulang ‘yung pinakahuling …
Read More »‘Di isusuko ng MILF lahat ng baril (Duda ni Kabalu)
KORONADAL CITY – Duda si dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) spokesman at ngayon vice chairman ng Bangsamoro Transformation Council Eid Kabalu na masusunod nang siyento porsiyento ang napagkasunduan sa decommissioning o pagsusuko ng mga armas ng lahat ng mga mandirigma ng MILF. Sinabi ni Kabalu, iba ang nilagdaang papel sa magiging implementasyon nito lalong lalo na sa ground. Ipinaliwanag niyang …
Read More »2 Pinoy patay sa oil field attack sa Libya
KABILANG ang dalawang Filipino sa 12 naiulat na namatay sa pag-atake ng armadong grupo sa isang oil field sa Libya. “Most were beheaded or killed by gunfire,” ayon kay Abdelhakim Maazab, komander ng security force sa al-Mabrook oil field. Batay sa report ng Reuters, naniniwala ang isa pang Libyan official at isang French diplomatic source sa Paris, na Islamic State …
Read More »Kotse ‘nilamon’ ng rumaragasang bus, driver sugatan (Sa biglaang preno)
NAYUPING parang lata ang isang kotse makaraan sampahan ng pampasaherong bus sa EDSA-Muñoz northbound sa Quezon City kahapon. Ayon sa saksing si Wilfredo Ramos, pakanan sa kanto ang gray Toyota Vios nang biglang magpreno ang Cher bus sa harapan. Bunsod nito, bumangga ang kotse sa naturang bus. Ngunit dahil mabilis ang takbo ng Dela Rosa Transit ay bumangga at sumampa …
Read More »Misis, kabit ‘sumabit’ nang mahuli ni mister
HINDI makatingin at walang mukhang maiharap ang isang misis makaraan ireklamo ng kanyang mister nang maaktuhang nakikipagtalik sa ibang lalaki sa loob ng kanilang kwarto sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Ang ginang na hindi na pinangalanan ng mga awtoridad upang mapangalagaan ang pangalan ng kanyang mga anak, ay nagtatalak sa barangay hall nang dalhin ng mga tanod dahil sa …
Read More »P183-M pork barrel kickback ni Jinggoy kompiskahin (Hiling ng Ombudsman sa Sandiganbayan)
HINILING ng Ombudsman sa Sandiganbayan na kompiskahin pabor sa pamahalaan ang P183 million mula sa nakakulong na si Sen. Jinggoy Estrada, sinasabing kinita ng senador bilang kickbacks sa maanomalyang mga proyekto na pinaglaanan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang sa pork barrel. Ayon kay Assistant Ombudsman Asryman Rafanan, layunin ng kanilang inihain na mosyon ay upang …
Read More »Urban Garden pinasinayaan ni Sen. Villar
PINASINAYAAN na ni Sen. Cynthia Villar ang urban garden sa Las Piñas City bilang senyales ng paglulunsad sa urban agriculture project. Ang 36-square meter na hardin sa BF Resort Subdivision ay may tanim na tatlong uri ng lettuce at isang pond ng pulang tilapia. Sinabi ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, ang hardin ay “showcase” …
Read More »3-anyos patay sa SUV
Patay ang isang 3-anyos paslit makaraan mahagip ng isang nag-overtake na sport utility vehicle habang tumatawid sa kalsada kasama ang kanyang ina at kapatid kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Erickson Dacanay, naganap ang insidente dakong 4 p.m. habang tumatawid ang biktimang si Julius Jacobe, 3, ng 2257 Int. Felipa St., Sampaloc, Maynila sa panulukan ng …
Read More »