“GUMUGULONG ” na ang ikinasa ng pangkat ni Executive Secretary Paquito Ochoa na “damage control operations” para sa brutal na pagpaslang sa 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ng mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Sinabi ng isang impormante sa Palasyo, tuliro na si Ochoa kung paano pahuhupain ang …
Read More »Masonry Layout
Kaso vs SAF killers ihanda na (Utos ni PNoy sa DoJ)
MAKARAAN umani ng kaliwa’t kanang batikos, iniutos na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagsasampa ng kaso laban sa mga rebelde na sangkot sa sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF). Ayon kay Department of Interior and Local Government Sec. Mar Roxas, iniutos mismo ni Pangulong Aquino kay Justice Sec. Leila De …
Read More »US ‘di sangkot sa Mamasapano OPS – Palasyo
ITINANGGI ng Malacañang na sangkot ang Amerika sa operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao. Giit ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, walang katotohanan ang impormasyon na may kinalaman ang US at hindi humingi ng tulong ang Filipinas sa ibang bansa sa pagpaplano at pagsasakatuparan ng operasyon laban sa Malaysian bomb maker na si Zulkifli “Marwan” …
Read More »5-anyos paslit napatay sa OPS sa Mamasapano
KINONDENA ng isang child rights group ang sinasabing pagtatakip ng administrasyon sa pagkamatay ng isang 5-anyos batang babae sa sagupaan ng PNP Special Action Force (SAF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao. Isiniwalat ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns, lumabas sa imbestigasyon ng Suara Bangsamoro na napaslang si Sarah Panangulon makaraan paulanan ng bala ng SAF ang …
Read More »BBL dapat isantabi muna – Lim
NANINIWALA si dating Manila Mayor Alfredo Lim na dapat munang isantabi ng administrasyong Aquino ang pagsusumikap na maipasa ang Bangsamoro Basic Law hangga’t hindi nadadakip at nasasampahan ng kaso ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na lumahok sa madugong enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao. Ayon sa dating alkalde na retiradong police general, …
Read More »Internet café owner itinumba
AGAD binawian ng buhay ang isang may-ari ng internet cafe makaraan barilin sa ulo ng isang lalaking kanyang nakatalo sa loob ng kanyang shop sa Sitio El Pueblo, Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Frederick Geronimo, 39, residente Sitio El Pueblo, Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan. Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nasa loob ng …
Read More »Pahinante nadaganan ng 20 foot container sa pier
PATAY ang isang 20-anyos pahinante nang madaganan ng 20-foot container habang idinidiskarga ng isang forklift operator sa Pier 8, North Harbor, Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang biktimang si Emeterio Beto y Tulalian, residente ng Permanent Housing, Balut, Tondo. Kusang sumuko ang suspek na forklift operator na kinilalang si Sonny de Pedro y Igos, 43, residente ng San Jose Del Monte, …
Read More »P140-M jackpot ng Grand Lotto no winner pa rin
WALA pa rin makapag-uuwi ng P140,215,884 jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Jose Ferdinand Rojas II, walang nakakuha ng lumabas na ticket number combination. Nabatid na lumitaw sa draw ang kombinasyong 35-55-44-04-11-07. Dahil dito, inaasahang papalo na sa P145 milyon ang pot money sa susunod na pagbola. Ang Grand Lotto ay may …
Read More »62nd CIDG Founding Anniversary ngayon
ANG CIDG ay magdaraos ng ika-62 Founding Anniversary ngayon Pebrero 2, 2015 (Lunes). Ipinahayag ni Police Director Benjamin B. Magalong, hepe ng CIDG, sa pagdaraos na ito, na noon lamang nakalipas na Huwebes, Enero 29, 2015 ay isinagawa ang malawakang pagsisilbi ng 61 search warrants ng mga miyembro ng CIDG at nagresulta sa pagkaka-kompiska ng higit sa 80 iba’t ibang …
Read More »18-anyos bebot tinadtad ng saksak sa pension house
DIPOLOG CITY – Hubo’t hubad at tadtad ng saksak ang katawan nang matagpuan kamakalawa ang bangkay ng isang 18-anyos dalaga sa loob ng isang pension house ng Dipolog City at hinihinalang tatlong araw nang patay. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na sinasabing tubong Sindangan, Zamboanga del Norte, habang ang suspek na dayuhan ay kinilala lamang sa palayaw na “Ali …
Read More »Barangay niratrat, 3 patay (Sa Cavite)
PATAY ang tatlo katao makaraan pagbabarilin sa isang barangay hall sa Dasmariñas Cavite dakong 11 a.m. kahapon. Ayon kay Cavite Provincial Police director, Senior Superintendent Jonel Estomo, ang barangay hall sa sa Brgy. Datu Sultan Ismael ay pinaulanan ng bala ng mga suspek na lulan ng puting kotse. Tumakas ang hindi pa nakilalang mga suspek sa direksyon ng Brgy. St. …
Read More »2 PAF pilots patay sa plane crash sa Batangas
KINOMPIRMA ng Philippine Air Force na dalawa sa kanilang mga piloto ang namatay sa pagbagsak ng isang trainer aircraft sa Nasugbu, Batangas kahapon ng umaga. Ayon kay Air Force spokesman Lt. Col. Ernesto Canaya, bumagsak ang SF-260FH Nr. 1034 sa layong 300 meters sa baybayin ng Brgy. Bucana ng nasa-bing bayan. Umalis ng Fernando Air Base sa Lipa City ang eroplano bandang …
Read More »Suspensiyon sa peace process ibinasura ng GRP, MILF
KUALA LUMPUR, Malaysia – Sa gitna ng mga lumalakas panawagan para suspendihin ang pagsusulong ng peace process sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kasunod ng Mamasapano massacre, nangibabaw ang desisyon ng mag-kabilang peace panels ng gobyerno ng Filipinas at MILF. Makaraan ang dalawang araw na meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia kaugnay sa decommissioning process, kapwa pinagtibay nina government chief negotiator …
Read More »48 OFWs dumating mula Libya
DUMATING sa bansa ang 48 overseas Filipino workes mula sa Libya, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA). Dakong 3:10 p.m. nitong Biyernes nang dumating ang unang batch na 24 OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng flight QR926. Sinundan ito nang pagdating ng 24 OFWs sakay ng EK332, Terminal 3 sa NAIA Terminal …
Read More »77-anyos lolo wanted sa rape sa 5-anyos nene
NAGA CITY – Pinaghahanap ang 77-anyos lolo makaraan halayin ang kanyang 5-anyos na apo sa Burgos, Quezon kamakalawa. Nabatid na habang mag-isa ang biktima sa kanilang bahay nang lapitan ng kanyang lolo, inihiga sa kama at hinalay. Sinabi ng suspek sa biktima na huwag magsusumbong kahit kanino dahil kapag nagsumbong ay papatayin siya. Umiiyak na dumaing ang biktima sa kanyang …
Read More »P28-M danyos sa CdO Justice Hall fire (2 missing)
CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay sa pagkasunog ng Benigno Aquino Hall of Justice sa Hayes Street, Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi. Ito’y makaraan umaabot sa general alarm dahil sa sobrang laki ng sunog na tumupok sa nabing tanggapan ng gobyerno. Inihayag ni BFP District Fire Marshall Supt Shirley …
Read More »Legs ng daisy kinurot, nilamas driver himas-rehas
REHAS na bakal na ang hinihimas ng isang 49-anyos jeepney driver matapos arestohin ng mga awtoridad dahil sa panlalamas at pagkurot sa hita ng pasaherong dalagita sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Ranulfo Gilena, residente ng Kapanalig St. kanto ng Martinez Ext. ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong acts of lasciviousness, nakapiit sa detention cell …
Read More »Tanod todas sa tandem
PATAY ang isang barangay ta-nod makaraan pagbabarilin ng riding in tandem sa Bustos, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Raul Gatuz, 50, residente at barangay tanod ng Brgy. Bunga Menor, sa naturang bayan. Ayon sa ulat ng Bustos Police, nakikipagkwentohan si Gatuz sa harap ng isang tinda-han sa kanilang lugar nang biglang lapitan ng armadong mga salarin. Bago nakakilos …
Read More »Akyat-bahay na kano arestado
NAHAHARAP sa kasong pagnanakaw ang isang turistang American national nang pasukin at pagnakawan ang isang unit sa condominium na tinutuluyan niya sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Sidney Sultan Hernia, ang dayuhan na si Christopher Holleman, 44, pansamantalang nanunuluyan sa 1460 Sea Residences, SM MOA Complex ng naturang lungsod. Habang kinilala ang …
Read More »Iniwan ni misis mister nagbigti
“HINDI ko na alam ang ginagawa ko, sana naman kung may nagawa ako na mali sa inyo, patawarin n’yo sana ako, mahal na mahal ko anak ko, tama na pakiusap.” Ito ang nakasaad na suicide note na iniwan ng 22-anyos na si Gilbert Marahay, ng 393 Matulungin St., Brgy. 181, Zone 19, Maricaban Pasay City. Winakasan ng biktima ang kanyang …
Read More »Pinansiyal na tulong sa naulila ng SAF commandos bumuhos
BUMUHOS ang pinansyal na ayuda sa mga naulilang kaanak ng mga miyembro ng Special Action Forces (SAF) na namatay sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao. Nagdala ng donasyon si dating senador at dating PNP chief Panfilo Lacson pasado 7 p.m. nitong Biyernes sa Camp Bagong Diwa. Ayon sa isang SAF officer, dala niya ang nalikom na pondo mula sa mga kaibigang …
Read More »Maguindanao muling binulabog ng pagsabog
COTABATO CITY – Muling ginulantang nang pagsabog ang lalawigan ng Maguindanao dakong 10:05 p.m. kamakalawa. Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army Public Affairs chief, Captain Joan Petinglay, pinaputukan ng bala mula sa M203 grenade lauchers ang nakaparadang sasakyan malapit lamang sa Mindanao State University (MSU) sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Wasak ang sasakyan sa lakas ng pagsabog, ngunit …
Read More »Binatilyo patay kasama kritikal (Motorsiklo bumangga sa pader)
TUGUEGARAP CITY – Patay ang isang 17 anyos out of school youth habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang kasama na isa rin menor de edad makaraan bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pa-der sa bayan ng Aparri, Cagayan kamalawa. Kinilala ang namatay na si Vicson Balinan, residente ng brgy Centro 9 sa Aparri, habang nasa malubhang kalagayan si …
Read More »Kelot tinusok ng ka-jamming sa shabu
KRITIKAL sa pagamutan ang isang 34-anyos lalaki makaraan saksakin ng kanyang ka-jamming sa shabu nang matanaw na kahalikan ng biktima ang kanyang kinakasama kahapon ng umaga sa Navotas City. Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Segundino Dacoycoy, 34, ng D. Cruz St., Brgy. Tangos ng nasabing lungsod, sanhi ng saksak sa dibdib at likod. Habang agad naaresto …
Read More »Huling saludo ipinagkait ng Pangulo (Sa Fallen 44)
IMBES kumalma, lalong nadesmaya ang mga pulis kay Pangulong Benigno Aquino III nang ipagkait niya ang “hu-ling saludo” ng Commander-in-chief sa 44 kasapi ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na brutal na pinaslang ng mga terorista sa Mamasapano, Maguindanao. Hindi sumaludo si Pangulong Aquino sa bawat kabaong ng napaslang na SAF member bilang sagot sa pagsaludo ng napatay na …
Read More »