Sidecar boy kalaboso sa inilabas na etits

KALABOSO ang isang lalaki makaraan magpakita ng kanyang ari sa isang 33-anyos ginang habang naglalakad kasama ng kanyang anak sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Eduardo Puyawan, 52, sidecar boy, at residente ng Caingin St., Brgy.Tinajeros ng lungsod.

Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Korina, kay PO1 Diana Palmores, dakong 11 p.m., naglalakad sila ng kanyang anak  nang biglang ihinto ng suspek ang kanyang sidecar at ipinakita sa ginang ang kanyang ari.