Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Kelot itinumba sa gas station  

PATAY ang isang 42-anyos lalaki makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa isang gasoline station sa panulukan ng Aragon at Lacson streets, sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw. Binawian ng buhay habang isinusugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Raymund Conde, residente ng 1054 Cebu St., Balic-balic, Sampaloc, Maynila. Habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng salarin …

Read More »

Dalagita tinurbo ng binatilyo

GUINAYANGAN, Quezon – Maagang nawasak ang puri ng isang 17-anyos dalagita makaraan gahasain ng 15-anyos binatilyo na kanyang kainoman sa nasabing bayan, Sa ipinadalang report ng Guinayangan PNP sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon Police Provincial Director, dakong 10 p.m. noong Abril 19, nang …

Read More »

 Jeepney barker sugatan sa boga ng TV tecnician

SUGATAN ang isang jeepney barker makaraan dalawang beses barilin sa likod ng isang television technician kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Raon at Evangelista Streets, Quiapo, Maynila. Nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Randy Lim, 28, ng 6 Carcer St., Quiapo, Maynila. Habang tumakas ang suspek na nakilala lamang sa pangalang George, television technician sa Raon …

Read More »

Veloso inilipat na sa Execution Island (Kahit ‘di pa nakakausap ng pamilya) HATAW News Team

KINOMPIRMA ng Deparment of Foreign Affairs (DFA) na inilipat na sa isang island prison sa Indonesia ang Filipina na si Mary Jane Veloso. Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, mula sa Wirogunan Penitentiary sa Yogyakarta ay dinala si Veloso sa Nusakambangan Island prison sa Central Java. Hindi aniya naabisohan ang mga abogado ng Filipina maging ang Philippine Embassy sa pangyayari …

Read More »

P70-B pondo huwag sayangin sa BBL

ANG P70 bilyon na nakatakdang ilaan ng gobyerno sa unang taon pa lang ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa oras na maaprubahan ito ay pagtatapon lang ng pera mula sa kaban ng bayan. Tanggapin ang katotohanan na ang pondong ito ay mula sa binayarang buwis ng sambayanan. Ipagkakatiwala ba natin ito sa traydor na Moro Islamic Liberation Front (MILF)? Ano …

Read More »

Mag-ina, kasambahay pinatay at sinunog

HINIHINALANG pinatay muna bago sinunog ang mag-ina at ang kanilang kasambahay ng hindi nakilalang mga suspek kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City. Kinilala ni Parañaque City police chief, Sr. Supt. Ariel Andrade, ang mag-inang biktima na sina Czarina Luya, 35, at Charlene, 15, patay rin ang kasambahay nilang si Josephine, pawang mga residente ng 11 Tomas St., Multinational Village, Brgy. …

Read More »

Customs Chief  John Sevilla nagbitiw na

NAGBITIW na sa pwesto si Bureau of Customs (BoC) Commissioner John Phillip Sevilla. Sa press conference sa Maynila, sinabi ni Sevilla na nakapagsumite na siya ng resignation letter kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Matinding politika aniya sa Customs ang dahilan ng kanyang pagbibitiw. Nagpasalamat si Sevilla sa mga empleyadong sumuporta sa kanyang mga kampanya. Aminado si Sevilla na marami …

Read More »

Bert Lina ibinalik ni PNoy sa BOC

ITINALAGA ni Pangulong Benigno kahapon si Alberto Lina bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs (BOC) kapalit nang nagbitiw na si John Philip (Sunny) Sevilla. Si Lina , isang certified public accountant (CPA) ay kilalang malapit kay Finance Secretary Cesar Purisina. Pareho silang miyembro ng Hyatt 10 o ang mga miyembro ng gabinete na kumalas sa administrasyong Arroyo sa kasagsagan …

Read More »

Agri Sec. Alcala idinepensa ng Palasyo

NAGING tagapagsalita ni Agriculture Secretary Proceso Alcala ang Palasyo nang ipagtanggol siya sa Commission on Audit (COA) report na nagsasabing P14.2 bilyong pondo ang nalustay ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng kanyang pamumuno. Sinabi kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., tatlo ang pinagmulan ng sinasabing nilaspag na P14.2 bilyong pondo ng DA: ang kontrobersyal na Disbursement Acceleration …

Read More »

Protesta vs water cannon ng China ihahain

TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maghahain ng diplomatic protest laban sa China sa oras na makuha ang lahat ng mga impormasyon kaugnay ng pambu-bully ng Chinese vessel sa mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea. Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, kaila-ngan nilang makuha muna ang mga impormasyon kaugnay ng napaulat na water cannon incident laban sa …

Read More »

Patent right vs 2 pharma firms ibinasura ng korte

IBINASURA ng Makati Regional Trial Court ang kasong patent right na inihain ng isang multi-national company laban sa dalawang pharmaceutical firms matapos mapatunayang ito ay nag-forum shopping. Inorderan din ng korte ang Merck Canada na ibalik lahat ng ipinakompiskang dokumento at mga gamot sa Sahar noong Oktubre 11, 2014 sa loob ng 10 araw. Dinismis ng korte ang patent right …

Read More »

Recall election sa Bulacan  tuluyang ibinasura

TULUYAN nang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang ikinakasang recall election para palitan si Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado.  Sa 16-pahinang omnibus resolution, ipinaliwanag ng Comelec ang dalawang pangunahing punto kung bakit hindi matutuloy ang isinusulong na recall election.  Una, kapos ang 138,506 beripikadong pirma para patunayan ang kagustuhan ng mga Bulakenyo na palitan si Alvarado.  Batay sa Sec. 6 …

Read More »

Amang dumalaw sa anak tinarakan ng 3 istambay

KRITIKAL ang kalagayan ng isang padre de familia nang saksakin ng lasing na kanyang nakaalitan matapos dumalaw sa kanyang anak sa dating kinakasama sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital ang biktimang si Ferdinand Lopez, messenger ng Biz News Asia, residente ng  Bagak Street, Tondo, Maynila, sanhi ng da-lawang saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib. …

Read More »

Withdrawals sa Revilla at Corona assets lilinawin

MAGING ang Malacañang ay nagulat sa balita kaugnay sa sinasabing pagkaka-withdraw ng mga naka-freeze na assets sa banko nina Sen. Bong Revilla at dating Chief Justice Renato Corona. Si Revilla ay kasaluku-yang nakakulong dahil sa kasong plunder na nag-ugat sa pork barrel scam habang si Corona ay na-impeached kaya ‘frozen’ at hindi maa-aring galawin ang kanilang bank deposits. Dahil sa …

Read More »

Mahusay na water management kailangan

NAGSASAYANG ang Filipinas ng maraming tubig at kung nasa Israel ang 10 porsiyentong tubig na ating sinasayang, ito ay malaking tulong sa pagpapataas ng food production ng nasa-bing bansa. Ito ang inihayag ng Israeli members ng Philippines-Israel Business Association, na miyembro rin si inventor-agriculturist Gonzalo Catan Jr., executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines, Inc., at misis ni-yang si …

Read More »

2 nagpanggap na CPP-NPA arestado sa entrapment  

ARESTADO sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang nagpanggap na mga miyembro ng CPP-NPA at nangikil ng halagang P800,000 sa isang engineer, sa entrapment operation noong  Abril 21 sa Makati City Kinilala ni Atty. Joel Tovera, hepe ng NBI Anti-Illegal Drugs Unit, ang mga suspek na sina Francisco Calicoy, naaresto sa Makati Cinema Square sa Pasong …

Read More »

Chinese natagpuang patay sa pumping station sa Pasay

NATAGPUANG palutang-lutang sa pumping station ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang hindi nakilalang lalaking Chinese looking sa Pasay City kahapon ng umaga. Inilarawan ng pulisya ang biktimang nasa 55 hanggang 60-anyos, maiksi ang buhok, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng gray polo shirt at itim na pantalon at may lamang P520 ang kanyang pouch. Base sa imbestigasyon ni SPO3 Joel …

Read More »

Abolisyon ng Filipino sa kolehiyo pinigil ng SC

PINIGIL ng Korte Suprema ang pagtanggal sa subject na Filipino sa kolehiyo. Nitong Miyerkoles, nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) kaugnay ng petisyon ng grupo ni National Artist for Literature Bienvenido Lumbera laban sa memorandum ng Commission on Higher Education (CHEd) na nag-aalis sa Filipino at Panitikan sa general education curriculum simula sa 2016. Inaatasan ang …

Read More »

Hepe ng Sablayan Penal Colony sinibak

IPINASIBAK na ni Justice Secretary Leila De Lima ang hepe ng Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.  Ito’y makaraan mahuli ang inmate nitong si Ruben Tiu na nagbebenta ng shabu sa labas mismo ng piitan.  Kinompirma ni De Lima na ipinag-utos na niyang sibakin sa puwesto si Supt. Resurreccion Puno na daraan sa administrative investigation. Dagdag ng kalihim, …

Read More »

Akusasyon ng HK solon insulto sa Pinoy workers

ISANG malaking insulto sa  Filipino overseas workers sa Hongkong ang pagbansag ng isang babaeng mambabatas na “homewrecker” sila, ayon sa Palasyo. Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang katotohanan at walang batayan ang bansag ng pulitikong si0ng Hongkong, sa OFWs at malaking insulto ito sa mga manggagawang Filipino sa abroad. Kung tutuusin, dapat aniyang tumanaw ng utang na loob ang mga taga-Hong Kong sa OFWs dahil inaalagaan nila ang …

Read More »

Manual polls last option — Comelec

PINAWI ng Comelec ang pangamba ng publiko sa posibilidad na bumalik ang bansa sa full manual elections o kaya ay “no election” sa taon 2016. Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, gagawin nila ang lahat ng option para matuloy ang automated elections, kasama na ang paghahain ng motion for reconsideration sa Supreme Court (SC). Bagama’t sinabi ni dating Chairman Sixto Brillantes …

Read More »

11 bata nalason sa bunga ng tuba-tuba

NILALAPATAN ng lunas sa dalawang ospital ang 11 bata na nalason sa pagkain ng bunga ng halamang tuba-tuba kahapon sa Ondoy Village, Brgy. San Jose sa lungsod ng Antipolo. Pito sa mga bata ang isinugod sa Rizal Provincial Hospital habang ang apat ay sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, na edad 6 hanggang 12-anyos. Pahayag ng isa sa mga magulang …

Read More »

Vendor tinarakan kritikal

GRABENG nasugatan ang isang 30-anyos vendor nang saksakin ng tatlong lalaki sa Quiapo, Maynila kamakalawa. Duguan ang biktimang kinilalang si Gilbert Fernandez, may asawa, residente ng 346 Bautista St., Quiapo, Maynila dahil sa malalang tama ng saksak sa kanang tagiliran. Sa salaysay ng biktima sa pulisya, dakong 4 a.m. naglalakad siya pauwi sa kanila nang salubungin ng tatlong lalaki at …

Read More »

PH ‘di tuta ng Kano — Palasyo

UMALMA ang Palasyo sa pagtawag  ng Chinese media sa Filipinas na tuta ng Amerika dahil sa isinasagawang joint RP-US Balikatan Exercises sa bansa. Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang batayan ang bintang ng Chinese media dahil hindi sunud-sunuran ang Filipinas sa kagustuhan ng Amerika. “We don’t understand where this insecurity of the Chinese towards us is coming from. Where do we have the wherewithal to compete …

Read More »

5 ex-officials ng Davao City Water District guilty sa graft

DAVAO CITY – Napatunayang guilty sa kasong graft ang limang dating opisyal ng Davao City Water District (DCWD). Ito ay dahil sa P2.2 milyon water drilling project na agad nilang iginawad sa isang private contractor at hindi isinailalim sa isang public bidding, isang dekada na ang nakakaraan. Kabilang sa mga akusado ay kinilalang sina dating DCWD assistant general manager Alfonso …

Read More »