Saturday , July 27 2024

Sanggol ini-hostage, suspek arestado

ARESTADO sa mga pulis ang isang lalaking nang-hostage ng 11 buwan gulang na sanggol sa Sta. Cruz, Maynila nitong Sabado ng hapon.

Kuwento ni Annalyn Encinares, bandang 3:30 pm nang mapansin ng kanyang ina ang suspek na si Jamel Balacuit habang nakatayo sa labas ng kanilang pintuan.

Ilang sandali pa, pumasok aniya ang 20-anyos suspek sa loob ng kanilang bahay at sapilitang inagaw ang sanggol na anak ni Encinares.

Hawak ang isang flower vase, ginawang hostage ni Balacuit ang sanggol sa ikalawang palapag ng bahay.

Halos tatlong oras bago nasagip ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang sanggol.

Ani Insp. Rolando Almendres ng SWAT, “Kinukuha niya ‘yung sasakyan at ticket pauwing probinsya. Wala siya sa kaisipan.”

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *