Monday , July 4 2022
Stab saksak dead

School registrar kinatay ng akyat-bahay

PATAY ang isang ginang makaraan pasukin at pagsasaksakin ng hinihinalang miyembro ng akyat-bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Pinky Joy Nerona, 35, school registrar at residente ng 361 Tomas St., Brgy. 162, Sta. Quiteria ng nasabing lungsod.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek.

Ayon sa ulat, dakong 6:20 am nakita ng isang Michael, kaibigan ng biktima, ang ginang na duguan habang nakahandusay sa loob ng kanyang bahay.

Agad niyang ipinaalam ang nasaksihan sa mga kaanak ng biktima na agad pinuntahan ang bahay at laking gulat nang makita ang ginang na wala nang buhay.

Ang biktima ay tadtad ng saksak sa katawan at nawawala ang telebisyon at cellphone ng ginang.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport at ang kanyang desisyon na i-veto ang House Bill 7575 ay may layuning ayusin ang mga depekto ng panukalang batas. “Presidential Veto is fastest way to cure the defects of HB 7575 especially the provision which exempts the Commission on Audit to look into the financial transactions on the special economic zone and freeport,” sabi ni Press Secretary Trixie Cruz- Angeles. “Had the President not vetoed the HB 7575, it would have lapsed into law on July 4 or 30 days after the bill was sent by the legislature to Malacañang,” dagdag niya. Giit ng kalihim, kapos ang panukalang batas ng mga sangkap upang iugnay sa ibang batas, patakaran at regulasyon dahil hindi nakasaad dito na sakop ito ng audit provisions ng Commission on Audit (COA), “procedures for the expropriation of lands awarded to agrarian reform beneficiaries and a master plan for the specific metes and bounds of the economic zone.” Binigyan diin ni Angeles, lahat ng transaksiyon sa pananalapi ng gobyerno ay isinasailalim sa audit procedures ng COA at hindi dapat absuwelto sa naturang proseso ang Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport. “Without those necessary amendments indicated in the veto explanation, the law may be vulnerable to constitutional challenge. The delegation of rule-making power on environmental laws which is unique to the special economic zone is of particular concern,” ani Angeles. Inilinaw ni Angeles, tuloy ang konstruksiyon ng P740-billion international airport sa Bulacan dahil ang “San Miguel franchise to operate the airport” ay aprobado ng Senado at Kamara noong 11 Oktubre 2020. “The construction of the Bulacan international airport and aero city is not affected by the veto. The presidential veto was meant to include the necessary corrections and include the missing processes that might render HB 7575 entirely unconstitutional,” paliwanag niya.

Sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport
‘DEPEKTO’ NG HB 7575 AAYUSIN NG VETO 

ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City …

ombudsman

Kasong plunder at graft isinampa vs Lipa City Mayor Africa, 7 empleyado

SINAMPAHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong kriminal at administratibo si re-elected Lipa City …

PPA DoTr

Appointment ng PPA GM niratsada
DOTr CHIEF SINAGASAAN

TRADISYON sa Filipinas, sa pagpasok ng bagong administrasyon, binibigyan ng honeymoon period o maayos na …

Erwin Tulfo

P500 ayuda ipapadala na sa mahihirap ngayong araw — Tulfo

NANGAKO si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na simula ngayong …

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Leave a Reply