Monday , July 4 2022
road traffic accident

8 pasahero sugatan sa sumemplang na van sa Agusan

BUTUAN CITY – Patuloy pang ginagamot sa ospital ang ilan sa walong pasaherong sakay ng isang UV Express van na sumemplang sa gilid ng national highway ng Brgy. Alubihid, Buenavista, Agusan del Norte dakong 3:00 am kahapon.

Napag-alaman, mula sa Cagayan de Oro City ang van at patungo sa Surigao City ngunit hindi na umabot pa sa destinasyon dahil sa insidente.

Ayon sa isa sa mga pasahero, mula pa lang sa Brgy. Puerto sa Cagayan de Oro City, sobrang bilis na ang pagpapatakbo ng driver kaya’t muntikan silang madisgrasya sa nakasalubong nilang sasakyan sa bayan ng Villanueva, Misamis Oriental.

Habang ayon sa konduktor nitong si Joseph Requiza, 39, taga-Tagum City, 10 silang lahat na sakay ng van kasama na ang isang batang nakaligtas sa insidente.

Dagdag pa ni Requiza, nakatulog siya kaya’t nabigla na lamang siya nang sumemplang ang sasakyan.

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply