Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Hussin nanindigan laban kay Mison

SA kabila ng pagsampa umano ng kasong kriminal laban sa kanya sa Tanggapan ng Ombudsman, hinarap ni dating Bureau of Immigration (BI) intelligence chief Atty. Faisal Hussin ang akusasyon sa kanya ni Immigration commissioner Siegfred Mison ng misrepresentation at falsification of documents. Nakaharap ni Hussin ang tagapagsalita ni Mison na si Atty. Elaine Tan sa weekly media forum na Tapatan …

Read More »

Posibilidad ng botohan sa malls malabo

PINAALALAHANAN ng dating Comelec commissioner ang balak ng komisyon na magtayo na rin ng mga presinto sa malls para hindi mahirapan ang mga botante at hindi tamarin sa pagboto. Ayon kay dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, may ilang mga usapin na dapat ikonsidera ng Comelec, tulad nang gagawing testing at sealing ng PCOS machines at deployment ng board of election …

Read More »

Driver/bodyguard ng konsehal sugatan sa service firearm

SUGATAN ang isang driver/bodyguard ng konsehal nang aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm habang tinatanggalan niya ng magazine kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala  ng kalibre .40 sa kanang tuhod ang biktimang si Chris John Joaquin, 33, driver/bodyguard  ni Malabon City Councilor Japs Garcia, at residente ng 11 …

Read More »

Imbestigasyon vs Marcos paintings nakatengga sa Kamara

WALA pa rin aasahan ang taumbayan na mabawi ang artworks na pinaniniwalaang kasama sa ill-gotten wealth ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Sa panayam ng Hataw kay Kabataan Party-List media officer Marjohara Tucay, natutulog  pa rin sa House Committee on Rules ang dapat sanang pag-iimbestiga sa nasabing paintings na ‘di mabawi-bawi ng gobyerno. Kung matatandaan, nag-ingay si Kabataan Party-list Terry Ridon dahil …

Read More »

2 patay sa landslide sa Kennon Road (4 pa sugatan)

DALAWA ang patay sa pagguho ng lupa sa Camp 7 sa Wabac, Kennon Road sa Baguio City, dakong 9 a.m. nitong Lunes. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Marjorie Magsino, 33-anyos, taga-Urdaneta, Pangasinan. Kinilala ang ikalawang biktima na si Teresita De Guzman, 61, binawian ng buhay sa Baguio General Hospital. Sugatan ang 40-anyos driver ng van na si …

Read More »

Motorcycle rider utas 2 malubha sa banggaan

PATAY ang isang 34-anyos lalaki habang dalawa ang malubhang nasugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo kahapon ng umaga sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Bernardino General Hospital ang biktimang si Ramel Regala, ng 22 Pajo, Meycauyan, Bulacan, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Habang kapwa nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang nakabanggaan niyang si Mark …

Read More »

Patong-patong na kaso vs candy vendors

SINAMPAHAN na ng patong-patong na kaso ng pulisya sa Surigao del Sur ang limang candy vendors makaraan malason ang mahigit 1,900 mag-aaral sa kanilang ibinentang Wendy’s Durian at Mangosteen candies. Inihain ang kaso sa Regional Trial Court Branch 27 sa Tandag City. Kabilang sa isinampang kaso laban sa mga suspek ay reckless imprudence resulting in multiple serious physical injuries sa …

Read More »

Special child hinalay ni tatay (Sa itaas ng nitso)

KALABOSO ang isang 58-anyos sepulturero ng Manila North Cemetery makaraan maaktohan ng mga barangay tanod ang panghahalay sa kanyang anak na special child sa ibabaw ng nitso sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling araw. Itinago ang biktima sa pangalang Gina, 23, isip-bata, pang-apat sa limang magkakapatid at nag-iisang babae. Habang nakapiit na sa Manila Police District-Women’s and Children’s Protection …

Read More »

3 tigok sa NPA vs gov’t troops sa Atimonan

TATLO ang patay makaraan maka-enkwentro ng mga sundalo ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Atimonan, Quezon kamakalawa.  Sinabi ni 201st Infantry Brigade Commander Colonel Rhoderick Parayno, kabilang sa mga napatay ang isang sundalo, isang sibilyan, at isang miyembro ng NPA.  Habang sugatan ang apat na sundalo gayondin ang ilang miyembro ng NPA na hindi nabatid ang bilang.  …

Read More »

Hihirit nang sobra-sobrang pondo sa 2016 parusahan (Isinulong ng minorya sa Kamara)

BINALAAN ng minorya sa Kamara ang mga ahensiya ng gobyerno laban sa paghingi ng sobra-sobrang pondo mula sa 2016 national budget. Sa harap ito ng napipintong pagsusumite ng Malacañang sa Kamara ng mahigit P3 trillion budget para sa susunod na taon. Sa ngayon, isinusulong ni Bayan Muna rep. Neri Colmenares na maparusahan ang mga opisyal ng mga ahensiyang hihingi ng …

Read More »

2 airport police nabaril

DALAWANG miyembro ng Airport Police Department ang nasugatan makaraang pumutok ang baril habang nililinis ng isang pulis nitong Linggo ng hapon. Kinilala ang dalawang biktima na kapwa airport police officers 1 (APOs1) na sina Edcel Biag, 22, at Lubigan Barongrong, 22, kapwa isinugod sa San Juan de Dios Hospital dahil sa parehong tama sa kaliwang hita. Lumalabas sa imbestigasyon na …

Read More »

CCTV footage isinumite na sa Camp Crame (Sa mag-asawang nalason)

PARA sa ikalilinaw ng kaso, isinumite na kahapon ng pamunuan ng Las Piñas City Police Anti-Cyber Crime, Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang CCTV footage sa mag-asawang manager na nalason sa parking area ng isang community mall sa Las Pinas City nitong Huwebes ng hapon. Nabatid sa hepe ng Public Information Office (PIO) ng Las Piñas City Police, na si Chief Inspector …

Read More »

Pamilya minasaker sa North Cotabato

KORONADAL CITY – Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagmasaker sa isang pamilya sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa. Kinilala ni Senior Inspector Ronnie Cordero, OIC ng Kabacan PNP, ang mga biktimang si Roger Gracia, 47, magsasaka, misis niyang si Milcha Ricanor, 49, at anak nilang si Danny Anne,14, pawang mga residente ng Purok Pag-asa, Brgy. Aringay sa nabanggit …

Read More »

Chiz atat sa endorsement

KINOMPIRMA ni Senadora Grace Poe ang ikatlong pag-uusap nila ni Pangulong Noynoy Aquino tungkol sa nalalapit na halalan sa 2016. Nakipag-usap rin si PNoy sa hiwalay na miting kay Senator Chiz Escudero bilang bahagi ng konsultasyon ng Pangulo para sa mamanukin niya sa 2016. Naging matipid ang pagsagot ni DILG Secretary Mar Roxas tungkol sa pinag-usapan nila ni PNoy pagkatapos …

Read More »

Sen. Bong hihirit makadalaw sa ama sa ospital

HIHILINGIN ng kampo ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., na payagan siyang mabisita ang amang isinugod sa ospital. Bago magtanghali nitong Sabado, isinugod sa ospital ang dating aktor at senador na si Ramon Revilla Sr. Nananatili ang nakatatandang Revilla sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig dahil sa iniindang dehydration at pneumonia, ayon sa tagapagsalita ng pamilya na …

Read More »

Villegas muling nahalal bilang CBCP President

MULING nahalal bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas. Nahalal si Villegas ng 82 mula sa 95 active bishops na dumalo sa CBCP plenary assembly sa Maynila dahilan upang makuha ang pangalawang termino. Nahalal din bilang vice president ng CBCP si Davao Archbishop Romulo Valles. May dalawang taon ang bawat termino ng …

Read More »

5 KFR group member utas sa Bulacan encounter

PATAY ang limang lalaking hinihinalang mga miyembro ng kidnap for ransom at bank robbery group nang makasagupa ang mga miyembro ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) at mga tauhan ng Marilao PNP bago mag-7 a.m. kahapon. Ayon kay Marilao, Bulacan Police Station chief, Supt. Rogelio Ramos Jr., naglunsad sila ng operasyon at nakorner ng mga pulis ang nasabing grupo sa bahagi …

Read More »

Truck helper niratrat

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang truck helper makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Ruben Garcia, 34, residente sa Sto. Niño St., Brgy. North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ang hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril. …

Read More »

Paslit dedbol sa bundol

NALASOG isang 5-anyos paslit makaraan mabundol ng isang pampasaherong jeep habang tumatawid kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center  ang biktimang kinilalang si Junbert Veliganio, residente ng Cattleya St., Brgy. North Bay Boulevard South, ng nasabing lungsod. Habang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek na si Ronald Allan …

Read More »

Biktima umakyat na sa 2,000 (Sa candy poisoning)

PUMALO na sa halos 2,000 bilang ang mga nalason o biktima ng food poisoning outbreak sa Caraga Region. Ayon kay DoH-Caraga Regional Director Dr. Jose Llacuna, nasa 1,909 na bilang ng mga nalason, 111 sa kanila ang nananatili sa pagamutan na nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, diarrhea, at pananakit ng ulo. Nilinaw ni Llacuna na walang namatay o malubha …

Read More »

Peace nego sa CPP-NPA-NDF lalarga na

UMAASA ang Malacañang na uusad na ang usapang pangkapayaan ng pamahalaan at ng kilusang komunista sa paghaharap nina House Speaker Feliciano Belmonte, CPP founding chairman Jose Ma. Sison at NDF chief Luis Jalandoni sa The Netherlands. “Sana po mula roon sa inisyal na pakikipag-usap ni Speaker Belmonte sa mga lider ng CPP-NPA-NDF sa The Netherlands ay magkaroon po ng progreso …

Read More »

Employer na tatakas sa 13th month pay parusa pabibigatin

HINILING na pabigatin ang parusa sa mga employer o kompanya na hindi magbibigay ng mandatory 13th month pay sa mga manggagawa. Ito ang laman ng inihaing House Bill No. 4196 ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez. Sa ilalim ng panukalang batas, pagmumultahin nang tatlong beses katumbas ng 13th month pay ng manggagawa ang lalabag. Maaari rin makulong ng tatlo …

Read More »

Wanted rapist sa Calabarzon arestado

NAGA CITY – Makaraan ang pagtatago sa batas tuluyang nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isang most wanted person sa rehiyon ng CALABARZON. Kinilala ang suspek na si Nicanor Ayson, 31-anyos. Ayon sa ulat mula sa  Quezon Police Provincial Office, nadakip ang suspek sa operasyon sa San Narciso Municipal Police Station sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas …

Read More »

Live-in partners tiklo sa P1.5-M shabu

CEBU CITY – Umaabot sa P1.5 milyon halaga ng shabu ang nakompiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) sa drug buy bust operation sa labas ng isang mall sa Leon Kilat St., Cebu City, Cebu kamakalawa. Nahuli ng mga awtoridad ang live-in partners na kinilalang sina Lemuel Ivan Abinoja, residente ng Brgy. Tisa sa syudad, at Hazel Rose Dabatos, residente …

Read More »