Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

600 gramo ng shabu huli sa NAIA

ARESTADO ang isang 41-anyos babae makaraang makompiskahan ng 500 gramo ng shabu habang bumibili ng ticket sa Ninoy Aquino International Airport kahapon patungong Iloilo. Ayon sa Police Aviation Security Group (Avsegroup), ang suspek ay kinilalang si Disa Kandu Ali, residente ng Dasmariñas, Cavite, nagtungo ng Terminal 3 dakong 2 a.m. Pinigilan si Ali sa Departure Gate 6 ng terminal nang …

Read More »

4 motor shops sinalakay sa karnaping

NASOPRESA ang apat na motor shop sa isinagawang “Oplan Galugad” nang pinagsanib na puwersa ng Anti-Carnapping Section (AnCar), Special Weapons and Tactics (SWAT) at Intelligence Unit (Intel) ng Pasay City Police kahapon. Ayon kay Pasay City Police chief, Senior Supt. Joel Doria, dakong 10:20 a.m. nang salakayin ng mga awtoridad ang apat na tindahan ng pagawaan ng motorsiklo sa Zamora …

Read More »

P3-Trilyong budget sa 2016 aprub na (CCT budget ‘di  tinapyasan)

PINAGTIBAY na ng Bicameral Conference Committee ang mahigit P3 trilyong budget para sa susunod na taon. Pinangunahan ni House Majority Leader Neptali Gonzales at House Appropriations Committee Chair Isidro Ungab ang paglagda sa panig ng Kongreso. Habang sa Senado, pinangunahan ito nina Senate Finance Committee Chair Loren Legarda at Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile. Nabatid na walang bawas ang …

Read More »

P64-B CCT ng DSWD tatapyasan ng P8-B (Malacañang humirit ng konsiderasyon)

UMAASA si Pangulong Benigno Aquino III na ikokonsidera ng mga senador ang desisyon na tapyasan ng walong bilyong piso ang budget ng conditional cash transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2016. Sa panukalang badyet ng Malacañang, umaabot ang CCT funds ng halagang P64-bilyon sa susunod na taon. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., …

Read More »

Mison hiniling patawan ng preventive suspension (Sa pagpapalaya sa puganteng Intsik)

HINILING ng isang Intelligence officer ng Bureau of Immigration sa Ombudsman na patawan ng preventive  suspension si Commissioner Siegfred Mison sa  misteryosong ‘paglaya’ at pagkawala ng isang Chinese fugitive na nakatakda sanang ipinatapon pabaliks a kanilang bansa. Hiniling ito ni Immigration Intelligence officer Ricardo Cabochan matapos magsumite ng karagdagang ebidensiya sa Office of the Ombudsman. Isinumite ni Cabochan ang mismong …

Read More »

Duterte naghain na ng CoC

PERSONAL nang inihain ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang certificate of candidacy (CoC) sa Commission on Elections (Comelec) central office sa Intramuros, Maynila para tumakbo bilang pangulo sa 2016 elections. Magkasamang dumating sa Comelec office si Duterte at ang kanyang ka-tandem na si Sen. Alan Peter Cayetano. Pinalitan ni Duterte ang kandidatura nang umatras na kandidato ng PDP-Laban …

Read More »

Ejercito et al inasunto sa Ombudsman (Sa pagbili ng high-powered firearms)

SINAMPAHAN ng kaso sa Office of the Ombudsman si dating San Juan Mayor at kasalukuyang senador na si Joseph Victor “JV” Ejercito dahil sa paglabag sa Section 3 (e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019) at technical malversation. Kasamang kinasuhan din ng technical malversation si Vice-Mayor Leonardo Celles, at City Councilors Andoni Carballo, Vincent Pacheco, Angelino Mendoza, …

Read More »

Ilegal na pagawaan ng paputok sinalakay

SAKO-SAKONG ilegal na paputok ang nakompiska ng mga awtoridad sa pagsalakay sa isang pabrika sa Bocaue, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, nakompiska sa pagsalakay ang mga ilegal na paputok tulad ng pla-pla, kabasi, Goodbye Philippines at Super Lolo. Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na natimbrehan ang may-ari at mga …

Read More »

Solons ‘inimbita’ ni PNoy sa Palasyo

NAGPATAWAG ng luncheon meeting si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga kongresista sa Malacañang. Maging ang mga nasa oposisyon ay kasama sa inimbitahan ni Pangulong Aquino sa pananghalian. Walang inilabas ang Malacañang kung ano ang agenda ng pakikipagpulong ni Pangulong Aquino sa mga mambabatas ng mababang kapulungan ng Kongreso. Mayroong pending bills ang Malacañang na kailangang maipasa kabilang dito …

Read More »

3 suspek patay, pulis, 5 sibilyan sugatan sa Zambo shootout

ZAMBOANGA CITY – Tatlong suspek ang napatay habang isang pulis at limang sibilyan ang sugatan sa nangyaring shootout sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Talusan, Zamboanga Sibugay kahapon. Base sa report ng Zamboanga Sibugay police provincial office (ZSBPPO), isinagawa ang operasyon dakong 3:50 a.m. sa pangunguna ng mga kasapi ng Provinial Public Safety Company (PPSC) at ng iba pang mga …

Read More »

Ex-Bucor execs swak sa iregular na P3.7-M bidding

KINASUHAN sa Office of the Ombudsman ang ilang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Reform Act. Nahaharap sina dating BuCor Acting Director Gaudencio Pangilinan at Chief Administrative Officer Ligaya Dador ng limang counts sa paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Habang ang mga administrative officer …

Read More »

Hirit na extension sa voters’ registration ibinasura ng SC

IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang hirit na palawigin pa ang voters’ registration para sa 2016 elections. Sinabi ni SC spokesman Theodore Te, walang merito ang inihaing petisyon ng Kabataan party-list. Hiniling ng nasabing grupo na palawigin hanggang Enero 2016 ang pagpaparehistro ng mga botante. Ayon sa petitioners, ilegal ang itinakda ng Commission on Elections na deadline noong Oktubre 31. …

Read More »

Preso naglaslas ng pulso sa selda

ISINUGOD sa ospital ang isang notoryus na drug pusher nang maglaslas ng pulso sa loob ng selda ng San Simon Police Station makaraang madakip sa buy-bust operation sa Brgy. Sta. Monica, San Simon, Pampanga, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Anthony Palad, 38, ng Brgy. Sta. Monica, San Simon ng nabanggit na lalawigan. Ayon kay PO2 Romeo Abat, nagtangkang magpakamatay si …

Read More »

2015 positibo para sa INC — Spokesman (Sa kabila ng mga hamon)

INIHAYAG ng tagapagsalita ng Iglesia Ni Cristo (INC) na naging mabuti para sa Iglesia ang taon 2015 dahil sa mga gawaing nagtala ng mga panibagong “world records,” ang pagpapatuloy ng lumalagong bilang ng mga programang pangkabuhayan para sa publiko at ang pagdami ng mga benipisyaryo ng mga kawanggawang isinakatuparan ngayong taon, sa kabila ng mga hamon na kinailangan nilang harapin …

Read More »

Bagatsing pambato ni Duterte sa Maynila

OPISYAL nang inendoso ni Presidential candidate, Davao City Mayor Rodrigo Duterte si three-termer congressman Amado Bagatsing ng 5th District of Manila, bilang kanyang official candidate sa pagka-alkalde ng itinuturing na capital city ng bansa sa darating na 2016 elections. Sa isang simpleng seremonya at pagtitipon na ginawa sa Century Park Hotel sa Maynila, itinaas ni Duterte ang kamay ni Bagatsing …

Read More »

SWS survey pabor kay Duterte ‘luto’ (Ayon kay Sen. Sonny Trillanes)  

 BINATIKOS ni vice presidential aspirant Senator Antonio Trillanes IV kahapon ang Social Weather Station (SWS) sa pagpapalabas ng aniya’y “rigged and invalid” survey bilang propaganda pabor sa kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Si Duterte ang nanguna sa SWS survey na kinomis-yon ng Davao-based businessman at isinagawa nitong huling linggo ng Nobyembre, o lima hanggang anim na araw makaraang …

Read More »

Pangunguna ni Duterte sa SWS Survey wa epek sa palasyo

WA epek sa Palasyo ang pamamayagpag ni Davao City Mayor at PDP-Laban standard bearer Rodrigo Duterte sa resulta ng presidential survey na inilabas ng Social Weather Station (SWS). Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang bigat sa Palasyo ang sunod-sunod na surveys kahit manguna pa ang mga kalaban ng administrasyon dahil may anim na buwan pa ang mga kandidato …

Read More »

Ex-lover ng GF, binoga ng businessman (Nahuling magkasiping)

PATAY noon din ang isang call center agent makaraang barilin ng lalaking kasalukuyang live-in partner ng dating ka-sintahan sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ng Quezon City Police District-Cri-minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Davy Lan Joseph Aguelo, 44, call center agent, residente ng 5/2 LTJ Francisco St., Brgy. Krus na Ligas, Quezon City. …

Read More »

Mag-asawang sexagenarian patay sa sunog

PATAY ang mag-asawang kapwa 68-anyos nang hindi makalabas sa kanilang nasusunog na bahay sa Pasig City kahapon. Magkayakap na na-tagpuan ang bangkay nina Boy at Lourdes Santos sa kanilang tahanan sa Brgy. Sumilang. Batay sa paunang imbestigasyon, pasado 1:00 a.m. nang magsi-mula ang sunog sa kuwarto ng pamangkin ng mga biktima na si Jonjon Paroa. “Naalimpungatan po ako noon, mataas …

Read More »

Dalagita minartilyo ng maysapak, tigbak

PATAY ang isang 17-anyos dalagita makaraang pukpukin ng martil-yo sa ulo ng kapitbahay na hinihinalang may topak sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Namatay noon din ang biktimang si Mary Joy Lazo, ng Lot 10, Blk. 30, Bougainvillea St., Maligaya Park Subd., Brgy. Pasong Putik, Quezon City. Habang agad naaresto ang suspek na si Melford Alinsolorin 25, kapitbahay ng biktima. Sa …

Read More »

Bagets tinaga sa sayawan, kritikal

NAGA CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang menor de edad makaraang pagtatagain habang nasa sayawan sa San Narciso, Quezon kamakalawa. Kinilala ang suspek sa pa-ngalang Regie, residente ng nasabi ng bayan. Napag-alaman, sa kasagsagan ng sayawan ay nakita ng biktimang si Jhon Yaon, 17-anyos, na habang sumasayaw ang suspek ay nakabigkis sa beywang ang isang itak. Nilapitan ng biktima …

Read More »

IS recruitments sa Mindanao ibinunyag ng mayor

KORONADAL CITY – Kinompirma ni Cotabato City Mayor Japal Guani Jr., patuloy ang recruitment ng armadong grupo na konektado sa Islamic State (IS) group, sa mga kabataan sa kanilang lugar upang sumailalim sa pagsa-sanay sa paggawa ng bomba. Ito ang naging rebelasyon ng alkalde sa gitna nang pagtanggi ng militar at pulisya sa naturang impormas-yon. Nagpahayag ng pag-kabahala ang alkalde …

Read More »

ACTO naglunsad ng transport holiday (Sa phase-out ng old jeepneys)

NAGSAGAWA ng transport holiday ang ilang miyembro ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), nitong Lunes. Pasado 6 a.m. nang okupahin ng 50 raliyista ang tatlong linya sa FTI rotonda sa Taguig. Kanilang kinokondena ang kautusan ng LTFRB na i-phase out ang mga jeep na may 15 taon na, pataas. Anila, anti-poor ang ginagawa sa kanila. Bumalik din sa pamamasada …

Read More »

INC sumagot vs bugso ng paninira (Walang ebidensiya!)

“Narinig lamang, sabi-sabi at walang pruweba.” Ito ang naging reaksiyon ni Iglesia ni Cristo (INC) spokesman Edwil Zabala sa panibagong mga alegasyon ng iregularidad na muling ipinupukol sa pamunuan ng Iglesia na umano ay ‘binibiktima’ nang paulit-ulit at sinadyang mga hakbang upang sirain ang kanilang reputasyon, pagwatak-watakin ang mga kapatid at sa huli’y pasamain ang imahe ng Iglesia sa mata …

Read More »

Eleksiyon sa 2016 Ililiban (TRO ng SC kapag nanatili)

NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na maaaring ipagpaliban ang May 9, 2016 elections kung hindi babawiin ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) laban sa “No Bio, No Boto” policy nito. Ito ang sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista sa isang panayam. “I hope na ma-realize nila. Kami naman ginagawa namin ang lahat ng magagawa para ma-meet ang …

Read More »