Thursday , June 4 2026

4-anyos anak sinaksak, ama naglason (Sa selos sa misis)

ZAMBOANGA CITY – Matinding selos sa kanyang misis ang dahilan ng pagsaksak ng isang padre de pamilya sa kanyang 4-anyos anak at kalaunan ay uminom ng lason ang suspek sa kanilang bahay sa Purok Malinawon, Brgy. Paglaum, Dumalinao sa lalawigan ng Zamboanga del Sur kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Dumalinao municipal police station,  nasaksak ni Promencio Anghad, 57, ang kanyang anak na si Daisy Mae Anghad sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ng kanyang misis dakong 3:30 am.

Ayon sa pulisya, tinamaan ng dalawang saksak sa katawan ang paslit.

Makaraan ang insidente, nagtangkang magpakamatay ang suspek sa pamamagitan ng pag-inom ng lason ngunit mabilis na naisugod sa pagamutan.

Labis ang pagsisisi ng suspek sa pagsaksak sa kanyang anak at sinabing ang kanyang misis ang kanyang puntirya dahil sa matinding selos sa ginang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …