Wednesday , February 28 2024

2 utas sa ratrat, lolo sugatan

DALAWANG lalaking hinihinalang sangkot sa droga ang patay, kabilang ang dating police asset, nang pagbabarilin ng grupo ng kalalakihang naka-bonnet habang sugatan ang isang lolo na tinamaan ng bala sa magkahiwalay na insidente sa mga lungsod ng Muntinlupa at Las Piñas nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa ulat ng Muntinlupa City Police, dakong 11:30 pm nang pagbabarilin ng limang lalaking lulan ng tatlong motorsiklo ang biktimang si Ronel Longhas, 35, dating police asset, sa loob ng kanyang bahay sa Phase 1, Block 2, NHA, Brgy. Poblacion ng lungsod.

Habang bandang 10:00 pm nang pagbabarilin ng isang grupo ng armadong lalaki si Pethrus Cuizon, 29, ng 5 Dahlia St., Phase 1, Brgy. CAA, Las Piñas City, habang naglalakad sa Daffodil St., Phase 1 ng nabanggit na barangay.

Minalas na tinamaan ng ligaw na bala sa insidente si Bonifacio Enecilla, 65, nilalapatan ng lunas sa Las Piñas Doctors Hospital.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

SM Cyberzone Game Fest Feat

Cyberzone Game Fest 2024 is back to celebrate all things gaming
Cyberzone Game Fest at SM Supermalls now on its 9th Year

Calling all gamers, esports enthusiasts, and tech aficionados! Now on its 9th year, Cyberzone Game …

Bulacan Police PNP

Siyam na law offenders sa Bulacan inihoyo

DALAWANG wanted person at pitong lumalabag sa batas ang inaresto ng Bulacan police sa magkaibang …

Birth Certificate PSA

Pinadali at pinabilis na sistema para maiayos ang mga mali sa Birth Certificate nilinaw ng PSA

DETALYADONG ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA ang mas pinadaling paraan at pinabilis na …

SMC San Miguel Aerocity Biodiversity

SMC launches PHL’s first complete biodiversity offset Site in Bulacan

San Miguel Aerocity, Inc. (SMAI), a subsidiary of San Miguel Corporation (SMC), has inaugurated its …

Sa DigiPlus maging responsableng gamer, puwede

Sa DigiPlus
MAGING RESPONSABLENG GAMER, PUWEDE

PINAIIGTING ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *