CAGAYAN DE ORO CITY – Natupok ang katawan ng magpinsang paslit nang hindi makalabas sa nasusunog na bahay sa Purok 9-B, North Poblacion, Maramag, Bukidnon, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang si Riza Mae Paas, 9, at Angela, 7, residente sa nasabing lugar. Ayon kay PO3 Karen Quijal ng Maramag Police Station, ang naiwang sinindihang katol ang itinuturong dahilan …
Read More »Masonry Layout
Investors takot manalo si Binay
NEGATIBO sa foreign investors kung sakaling manalo sa halalan si Vice President Jejomar Binay, ayon sa Economist Intelligence Unit (EIU). Ang EIU ay grupo para sa research and analysis ng Economist Group, ang naglalathala ng The Economist, isang batikan at respetadong magasin sa Asia. Sa pag-aanalisa na tinawag nilang “Asia in 2016: Elections” na lumabas noong isang linggo, sinabi ng …
Read More »Palasyo nakatutok sa tensiyon sa Saudi vs Iran
TINIYAK ng Palasyo na nakatutok ang gobyerno sa umiiral na tensiyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran para sa kaligtasan ng maraming migranteng manggagawa. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mayroong koordinasyon ang gobyerno sa iba’t ibang embahada sa Gitnang Silangan partikular sa Saudi Arabia at Iran upang masiguro ang kaligtasan ng overseas Filipino workers (OFWs). Aniya, nakatutok …
Read More »Comelec humirit sa SC ng extension sa kaso ni Poe
HUMIRIT ang Commission on Elections sa Korte Suprema ng karagdagang panahon para tumugon sa dalawang petitions na inihain ni Sen. Grace Poe kaugnay ng kinakaharap niyang disqualification case sa 2016 presidential elections. Ito ay makaraang maghain ng manifestation ang Solicitor General sa Korte Suprema na nagsasabing hindi nila maaring katawanin ang Comelec dahil kinakatawan na nila ang Senate Electoral Tribunal …
Read More »Blackout sa eleksiyon sa Mindanao posible
MAAARING magkaroon nang malawakang blackout sa Mindanao sa panahon ng 2016 elections. Ito ang babala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa harap ng sunod-sunod na pagpapasabog ng mga rebelde sa towers ng NGCP sa Mindanao. Sinabi ni Cynthia Alabanza, Spokesperson ng NGCP, umabot sa 15 tore ang pinasabog ng mga armadong grupo nitong nakaraang taon. Ang reserbang …
Read More »Protesta ng PH vs China sa test flight tuloy — DFA
TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy ang kanilang protesta laban sa China kaugnay ng test flight na ginawa ng Beijing sa artificial airstrip sa West Philippine Sea. Magugunitang, mismong ang China ang nagkompirma na nakompleto na ng Beijing ang construction ng airfield sa Fiery Cross Reef at nagsagawa na sila ng flight testing para sa civil aviation …
Read More »Militante nag-rally sa SSS, pension hike inihirit
NAGKILOS-PROTESTA sa punong tanggapan ng Social Security System (SSS) sa Quezon City ang ilang militante, nitong Martes ng umaga. Sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno at Bayan Muna, ipinanawagan ng mga militante na pirmahan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang P2,000 across the board SSS pension hike. Pasado na sa Kongreso ang naturang panukala noong Hunyo. Ipinasa na rin …
Read More »Babala ni Brillantes binalewala ng Palasyo
BINALEWALA ng palasyo ang babala ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na sisiklab ang kaguluhan kapag nabigo ang Supreme Court na aksiyonan ang mga disqualification case laban kay Sen. Grace Poe. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi makatutulong sa isyu ang ano mang espekulasyon ni Brillantes. Ipinauubaya na lamang aniya ng Palasyo sa Korte Suprema ang …
Read More »Dalagita na-gang rape sa likod ng school (Nagtapon ng basura)
GENERAL SANTOS CITY – Hinahanap na ng mga awtoridad ang tatlong lalaking gumahasa sa isang dalagita sa Glan, Sarangani Province. Ayon sa report ng Glan PNP, ang tatlong mga suspek ay sakay ng motorsiklo. Base sa impormasyon ng pulisya, habang nagtatapon ng basura ang biktima nang madaanan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo. Huminto ang motorsiklo at hiningi ng …
Read More »Replica ng Poong Nazareno ipuprusisyon (Ilang kalye isasara)
ISASARA ang ilang kalye sa Maynila para sa prusisyon ng mga replika ng Poong Nazareno sa Enero 7. Sa abisong inilabas ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), magsisimula ang prusisyon sa Plaza Miranda, babagtasin nito ang Villalobos St., kakaliwa sa Quezon Blvd., kakanan sa C.M. Recto, kakanan sa Loyola St., kakaliwa sa Guzman St., kakanan sa R. Hidalgo …
Read More »Ampon na 9-anyos nagbigti (Binantaang isasauli sa magulang)
ILOILO CITY – Nagbigti ang isang 9-anyos batang lalaki makaraang bantaan ng ginang na umampon sa kanya na ibabalik sa kanyang tunay na mga magulang makaraang nakawin ang cellphone ng kanilang kapitbahay kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Joseph Jimenez, Grade 3 pupil sa Dacutan Elementary School, Dacutan, Dumangas, Iloilo, natagpuang nakabigti sa labas ng comfort room ng kanilang bahay. Sa …
Read More »Tserman patay, asawang principal sugatan sa ambush (Sa Cotabato)
PIKIT, NORTH COTABATO – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang barangay chairman nang tambangan ng riding-in-tandem suspects sa probinsya ng Cotabato kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Pecson Alang Mangansakan, Brgy. Chairman ng Brgy. Silik Pikit North Cotabato, tiyuhin ni Pikit Vice-Mayor Don Mangansakan. Habang nadaplisan ng bala sa katawan ang maybahay niyang si Marela Mangansakan, principal ng …
Read More »7 sugatan sa karambola ng 6 sasakyan
PITO ang sugatan sa karambola ng anim na sasakyan sa northbound lane ng EDSA Guadalupe, nitong Martes ng umaga. Sangkot sa karambola ang dalawang bus, isang taxi, at tatlong jeep. Sa paunang imbestigasyon, nawalan ng preno ang isang bus ng Roval Transport na biyaheng Muntinlupa-Valenzuela. Dahil dito, sumalpok ito sa jeep na nasa unahan. Bumangga ang jeep sa isa pang …
Read More »Guro sa Leyte, patay sa saksak ng ex-BF (Sa labas ng classroom)
TACLOBAN CITY- Naglunsad na ng manhunt operation ang mga pulis ng Maasin City laban sa ex-boyfriend na suspek sa pagpatay sa isang guro sa labas mismo ng silid-aralan sa Libertad Elementary School kamakalawa. Ayon kay Supt. Avelino B. Doncillo, hepe ng Maasin PNP, kinilala ang biktimang si Angelica Miole, 23, Grade 5 teacher at residente ng Brgy. Bactul II, …
Read More »Senate probe sa ‘SAF 44’ muling bubuksan sa Jan. 25
SA mismong unang anibersaryo ng Mamasapano massacre, muling bubuksan ng Senado ang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiyal na pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF). Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs committee chairman, Senator Grace Poe, dakong 10 a.m. ng Enero 25 siya muling magpapatawag ng pagdinig sa isyung kinasasangkutan ng Moro Islamic Liberation Front …
Read More »3 DQ cases vs Duterte iko-consolidate
IKO-CONSOLIDATE ng Comelec ang tatlong disqualification cases na inihain laban kay presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, lahat ng mga kaso ay hahawakan ng Comelec first division. Sa ganitong paraan aniya ay mas mapabibilis ang pagdinig sa mga kaso. Paliwanag niya, magkakapareho ang nilalaman ng tatlong reklamo kaya walang magiging problema sa …
Read More »Ex-Leyte mayor et al kinasuhan ng graft sa Omb.
TACLOBAN CITY – Nahaharap sa kasong graft sa Ombudsman ang dating alkalde sa bayan ng Mc Arthur, Leyte. Inihain ang kaso sa Office of the Ombudsman dahil sa ilegal na withdrawal ng P355,000 para sa overtime pay mula taon 2002 hanggang 2004. Bukod kay dating Mayor Leonardo Leria, pinangalanan din ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang iba pang haharap sa kasong …
Read More »Macau OFW timbog sa bala
NAUNSIYAMI ang pagpunta sa Macau ng isang manggagawang Pinay matapos matambad sa X-ray scanner ang bala ng kalibre .45 baril sa kanyang bag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon. Kahit maraming balita tungkol sa nakukuhang bala sa mga bagahe ng pasahero, hindi naging maingat si Gina Maliwat, 34, ng Talavera, Nueva Ecija, at nakitaan ng bala sa loob ng …
Read More »Sex toys, porn DVDs nakompiska sa Bilibid
MULING nakakuha ang raiding team ng Bureau of Corrections (BuCor) ng mga kontrabando sa ika-11 “Oplan Galugad Operation” kabilang ang sex toys at pornographic DVDs, sa New Bilibid Prisons (NBP) kahapon sa Muntinlupa City. Sinabi ni BuCor Director Ricardo Rainier Cruz III, muli silang magsagawa ng “Oplan Galugad” sa loob ng 4th quadrant ng main penitentiary, sa buildings 2, 5 at 8, dakong 5:30 …
Read More »Retiradong sundalo, pulis isama sa SSL4 (Apela ni Trillanes kay PNoy)
UMAPELA kahapon si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV kay Pangulong Benigno S. Aquino III na isama ang mga retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang uniformed services sa panukalang Salary Standardization Law 4. Ayon kay Trillanes, pangunahing may-akda at isponsor ng Senate Bill No. 2671 o ang panukalang SSL4, sa ilalim ng …
Read More »Pagsibak kay Mison hinihintay ng palasyo
HINIHINTAY na ng Palasyo ang rekomendasyon ni Justice Secretary Benjamin Caguioa kung sisibakin na si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison at iba pang opisyal ng kawanihan. Ito ang pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa napaulat na tatanggalin na sa puwesto si Mison at dalawa pang opisyal ng BI bunsod ng mga kinasangkutang kontro-bersiya hinggil sa panunuhol …
Read More »Transport Group nagprotesta vs jeepney phase-out
NAGLUNSAD ng kilos-protesta ang ilang driver at operator ng mga jeepney nitong Lunes. Pinangunahan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang pagkondena sa balak ng pamahalaang pag-phase out ng mga lumang jeep na may edad 15 taon pataas. Sinabi ni PISTON president George San Mateo, nais nilang tuluyan nang ibasura ang kautusang pagpapatigil sa pagpasada …
Read More »Media dapat magmuni-muni sa mensahe ni Pope Francis (Ayon sa Palasyo)
DAPAT samantalahin ng media ang pagsisimula ng taon para magmuni-muni sa mensahe ni Pope Francis na mag-ulat din ng magagandang balita. Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, isang taon na ngayong Enero mula nang ibahagi ni Pope Francis sa Filipinas ang mensahe ng “mercy and compassion” nang bumisita sa bansa. Ani Lacierda, sa Enero 24-31 ay magsisilbing host ang Cebu …
Read More »Preso nagbigti sa selda
WALA nang buhay nang natagpuang ang isang 37-anyos preso habang nakabigti sa loob ng selda ng Manila City Jail (MCJ) sa Sta Cruz, Maynila kahapon. Kinilala ang biktimang si Rolando Reformado, may-asawa, nakakulong sa MCJ sa kasong parricide, at residente sa P. Paredes St., Sampoaloc, Maynila. Sa report ni Det. Alonzo Layugan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Division, dakong 7 …
Read More »Call center agent tumalon mula 10/F ng gusali
HINIHINALANG tumalon ang isang call center agent mula sa ika-10 palapag ng gusaling kanyang pinagtatrabahuan kahapon sa Makati City. Kinilala ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Ernesto T. Barlam ang biktimang si Wilson Binauhan, 27, call center agent sa SKYKES Marketing Incorporated, sa 5th floor, Glorietta 1, Ayala Center ng lungsod, residente ng 226 Calumpang Cerca, Indang, Cavite. Sa pagsisiyasat ni …
Read More »