Jackpot na P6-M ng 6/42 Lotto nasapol ng solo winner

MAG-ISANG napanalunan ng masuwerteng mananaya ng 6/42 Lotto ang tumataginting na P6 milyon jackpot prize.

Isinagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang draw kamakalawa ng gabi.

Ang winning combination para sa Lotto 6/42 jackpot ay  02-27-07-39-32-19.

Habang walang nanalo sa Saturday’s Grand Lotto 6/55 jackpot na nagkakahalaga ng P33,864,616.

Habang ang winning combination para sa Grand Lotto jackpot ay 41-32-02-48-31-35.