Thursday , June 4 2026

Binatilyo dedo sa trailer truck sa Quezon

NAGA CITY – Binawian ng buhay ang isang menor de edad habang sugatan ang isa pa sa salpukan ng motorsiklo at trailer truck sa Calauag, Quezon

Kinilala ang biktimang namatay na si Jimuel Am-paro, 16-anyos.

Ayon sa ulat, binabaybay ng isang trailer truck at motorsiklo ang parehong direksiyon ng kalsada sa Brgy. Sto. Domingo sa naturang bayan nang mawalan ng kontrol ang motorsiklo na minamaneho ng hindi na-kilalang driver lulan si Amparo.

Bunsod nito, sumalpok sa unahan ng trailer truck ang motorsiklo na naging daan upang mahulog ang biktima na pumailalim sa truck at nagulungan ng naturang sasakyan.

Isinugod sa ospital ang biktma ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Nagpapagaling sa ospital ang driver ng motorsiklo habang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …