Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Salceda: Si Chiz ang VP ko (Baliktaran sa Bicol, Leni laglag)

TILA pangitain sa politika na yayanig sa bansa sa huling dalawang linggo bago ang halalan, sumabog nitong Biyernes ang anunsiyo ni Albay Governor at Liberal Party (LP) regional chairman Joey Salceda na susuportahan niya ang kandidatura ng kapwa Bikolano na si Sen. Chiz Escudero. Ayon kay Salceda, ikinokonsidera niya sa kanyang pagpili ang 18-taong karanasan ng beteranong senador laban sa …

Read More »

Batas Militar ibabalik ni Digong – Rosales (Justice system binabarya)

NAGKAKATOTOO na ang sinabi ng dating Commission on Human Rights (CHR) Chair Loretta “Etta” Rosales na ang sistema ng pamumuno ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang magsisilbing daan sa pagbabalik ng Martial Law noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa panahon ng kainitan ng pangangampanya ni Duterte, tahasan niyang sinasabi sa harapan ng kanyang mga supporters na …

Read More »

P4.5-M pasuweldo swak sa bulsa ni Vice Mayor (Pasay City ghost employees buking)

NAIPALUSOT sa Pasay City council ang payroll ng tinatayang 100 ghost employees, dahilan kung bakit naibulsa ni Vice Mayor Marlon Pesebre ang halos P4.5 milyon halaga ng pasuweldo para sa unang quarter pa lamang ng kasalukuyang taon. Napaulat na nagsimula ang pagkakaroon ng ghost contractual employees nang maupo si Pesebre bilang vice mayor noong 2010 pero nabuking kailan lamang. Sa …

Read More »

Mayor Lim pinapurihan ng communities

PINAPURIHAN ng mga residente ng ‘depressed communities’ sa Maynila ang nagbabalik na alkalde na si Alfredo S. Lim dahil sa pagiging katangi-tanging kandidato para alkalde, na bumisita nang personal sa kanilang mga tahanan. Sa kanilang pagtanggap sa alkalde, nagpahayag nang pagkagulat at pagkatuwa ang mga residente nang makita si Lim, na taliwas sa ipinakakalat ng mga kalaban, ay nananatiling malakas …

Read More »

Protesta vs Duterte patuloy

MATAPOS bawiin ang paghingi ng sorry ng kanyang kampo, lalong nag-init ang women’s groups laban kay Davao City mayor Rodrigo Duterte. Nabunyag na ang paghihingi ng tawad sa kanyang pagbibiro na sana’y siya ang naunang mang-rape sa pinaslang na Australianang misyonaryo na si Jacqueline Hamil ay pakana lamang pala ng kanyang kampo. Si Mayor Duterte mismo ang nagbulgar na hindi …

Read More »

Bongbong inendoso ng LP candidates sa Southern Leyte

MAASIN CITY, SOUTHERN LEYTE— Muling nabawasan ng tagasuporta ang pambato ng Liberal Party (LP) makaraan iendoso ng pamilya Mercado ang kandidatura ni vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Mismong magkapatid at mag-amang Mercado ang nanguna para ikampanya si Marcos sa mga mamamayan ng Maasin nang bumisita siya rito. Kabilang sa mga Mercado na nag-endoso at nagtaas ng kamay ni …

Read More »

Mayor Oca landslide win sa latest survey (280,000 votes lamang, buong Oca Team wagi rin)

TULOY-TULOY ang arangkada at pag-angat ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa pinakahuling survey na isinagawa noong nakalipas na buwan ng Marso. Sa Inilabas na pinakahuling survey ng Actual and Comprehensive Evaluators (ACE), nakakuha ng 69.2% si Mayor Oca samantala 24.8% lang si Enrico “Recom” Echiverri. Ganoon din ang inilabas na survey results ng Probe Data Processing & Research …

Read More »

Duterte dapat idiretso sa Mandaluyong — 4k

TINAWAG ni Vice President Jejomar Binay na ‘abnormal’ si presidential bet at Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte at iginiit naman ng isang advocacy group na imbes sa Malakanyang ay sa National Center for Mental Health (NCMH) dapat idiretso ang kandidatong pangulo ng PDP-Laban. Sa kanyang talumpati sa mga tagasuporta sa Alaminos City, Pangasinan kamakalawa, iginiit ni Binay na dapat …

Read More »

Duterte banta sa Press Freedom

KAUGNAY sa pagdiriwang ng World Press Freedom Week sa unang linggo ng Mayo, inihayag ng pamilya ng tatlong journalists na pinaniniwalaang pinaslang ng Davao Death Squad, banta sa kalayaan ng pamamahayag ang presidential candidate na si Rodrigo Duterte.  ”Lalong magiging mapanganib ang trabaho ng mga diyarista sa oras na maupong pangulo ng republika ang dating alkalde ng Davao na obyus …

Read More »

Take home pay ng obrero dagdagan — Chiz (Tunay na minimum wage ipatupad)

UPANG dagdagan ang iniuuwing buwanang kita ng mga manggagawa sa bansa, ang pagsasabatas ng Tax Relief Law ay nakatakdang mangyari kapag pinalad na pagkatiwalaan ng mamamayan bilang bise presidente sa susunod na halalan si independent vice presidential bet Sen. Chiz Escudero. Kasabay nito, nagbigay-diin ang Senador na ang mga taxpayer ang may karapatan kung saan pupunta ang kanilang kita. Sa …

Read More »

2 MMDA street sweeper sugatan sa van ng parak

road traffic accident

SUGATAN ang dalawang  street sweeper ng Metro Manila Development Authority (MMDA) makaraang masagasaan nang rumaragasang van na minamaneho ng isang pulis kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng Quezon City Police District-Traffic Enforcement Unit Sector 3, malubhang nasugatan si Renato G. Bakain, 57, nakaratay sa East Avenue Medical Center, residente ng Pasig City. Siya ay nagkaroon ng …

Read More »

Hi-profile targets nasa CP ng gun-for-hire leader

DAGUPAN CITY – Mga high profile ang target ng dalawang miyembro ng gun-for-hire group na naaresto ng pulisya sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan kamakalawa. Base ito sa nakuhang impormasyon mula sa cellphone ng lider ng Alakdan group na si Leonilo Sarmiento, kasama si Teodoro Vicente, kapwa mula sa lalawigan ng Nueva Ecija. Masusi nang iniimbestigahan ng pulisya ang nakuhang …

Read More »

Ex-vice mayor sa Bulacan utas sa ambush

HINDI na umabot nang buhay sa pinagdalhang pagamutan ang dating vice mayor ng bayan ng Pandi, Bulacan na si Roberto Ruben Rivera makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Brgy. Manatal sa nabanggit na bayan nitong Lunes ng gabi. Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ng kanyang pick-up truck si Rivera at pauwi na sa kanilang bahay nang lumapit sa …

Read More »

Lim una sa debate (Erap nang-indiyan na naman)

GAYA nang dati, maagang dumating si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa nakatakdang registration at naghintay sa kuwartong para sa kanya sa nakatakbang debate ng mga kandidato para mayor na ginanap nitong nakaraang weekend sa Dela Salle University – College of St. Benilde sa Malate, Maynila. Muling binalewala at hindi sinipot ng pinatalsik na pangulo at sentensiyado sa kasong Plunder …

Read More »

Tolentino: ‘Big One’ paghandaan

NANAWAGAN si independent senatorial candidate Francis Tolentino sa nasyonal at lokal na pamahalaan na paigtingin ang paghahanda sa pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila o tinatawag na ‘Big One,’ kasunod ng nangyaring pagyanig sa Japan at Ecuador kamakailan. “Maigi na tayo’y handa sa ano mang posibleng mangyari dahil ang sakuna o trahedya ay maaaring mangyari ano mang oras,” …

Read More »

OIC sa BOC hinagupit (Buwan kung umaksiyon sa mga angkat na produkto)

customs BOC

KINONDENA kahapon ng nagrereklamong mga importer ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Customs dahil sa obyus umanong pagpapabaya sa kanilang hiling na bilisan ang proseso ng mga angkat na produkto. Sa isang manipesto, tinukoy ng mahigit 100 miyembro ng samahan ng malalaking mangangalakal sa bansa ang umano’y usad-pagong na galaw ng pag-iisyu ng clearance sa Assesment and Operations …

Read More »

OFWs alagaan — Chiz (P100-B pondo ipinanata)

BILANG pagkilala sa kontribusyon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa pambansang ekonomiya, sinabi ni independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero nitong Lunes na sila ay dapat na pahalagahan ng pamahalaan. Ayon kay Escudero, ang 2.5 milyong overseas contract workers ay nakapag-aambag ng P1.3 trilyon kada taon ngunit wala pang P1 bilyon ang inilalaan ng pamahalaan para sila ay pangalagaan. …

Read More »

Bongbong inilaglag si Duterte (Paliwanag ng mayor dinedma ng senador)

marcos duterte

TULUYAN nang inilaglag ni vice presidential candidate Sen. Bongbong Marcos si presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte at sinabihang maging sensitibo sa mga biktima ng karahasan matapos ang kontrobesiyal na komento sa Australian lay minister rape victim. Sa panayam kay Marcos, sinabi niya na kailangan maging sensitibo si Duterte lalo sa situwasyon ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen. Aniya, ang …

Read More »

Kahirapan Public Enemy No. 1 — Chiz

SA kahirapan nag-ugat lahat ng problema ng bansa at ito ang public enemy number one. Ito ay ayon kay independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero kasabay ng pahayag noong Linggo na ang pagsugpo sa kahirapan ang magiging prayoridad ng gobyernong may puso. “Sa Gobyernong may Puso, ang kalaban po namin, kahirapan, public enemy number one po namin ‘yan,” ayon …

Read More »

Bongbong natuwa sa batikos (“May nagawa ako…”)

BINIGYANG-DIIN ni Vice Presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., patunay na mayroon siyang nagagawa at ang kanyang pamilya para sa mga mamamayan at sa bansa sa kanilang paglilingkod kung kaya’t patuloy ang mga negatibo at pagbatikos sa kanya lalo na ngayong kampanyahan. Ayon kay Marcos, hindi siya nagagalit at hindi tinitingnan sa hindi magandang aspeto ang bawat banat at …

Read More »

Vote-buying tinabla sa Caloocan (Namigay ng bigas at de-lata)

NAPIPINTONG ma-disqualify si Cong. Enrico “Recom” Echiverri, kandidatong mayor sa Caloocan City, matapos sampahan ng kasong vote-buying o paglabag sa Omnibus Election Code sa piskalya na nakasasakop sa Comelec, ng isang ginang na inabutan ng bigas at de-lata. Sa kanyang sinumpaang salaysay sa piskalya ng Caloocan, inihayag ni Rosita Ordejon, biyuda, ng Kaunlaran Village, Caloocan City, nagsadya umano sa kanyang …

Read More »

May the people win – Chiz

“ANG taumbayan ang dapat magwagi sa darating na eleksyon.” Ito ang mariing pahayag ni independent vice presidential candidate Francis Chiz Escudero sa ginanap na debateng inorganisa ng ABS CBN kahapon. Sa simula ng kanyang talumpati, nagpahayag ng kalungkutan si Escudero dahil tila mas masigasig pa ang kanyang mga kapwa kandidato na maghanap ng mga isyung ibabato sa isa’t isa kaysa …

Read More »

Lim-Ali una sa PMP Survey

ISA na namang survey na isinagawa sa Maynila ang muling pinangunahan ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim at fifth district Councilor Ali Atienza. Kapuna-puna na ang naturang survey ay nanggaling mismo sa kampo ng  Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) na pinamumunuan ni dating Pangulong Joseph Estrada na kalaban ni Lim sa politika. Ipinakita sa nasabing survey na …

Read More »