Sunday , January 23 2022

ERC chairman idiniin ni Villa sa iregularidad

TAHASANG sinabi ng mamamahayag na si Charie Villa, binabraso ang kanyang kapatid na si Atty.  Francisco Villa Jr., para pirmahan ang mga iregular na dokumento, ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Jose Vicente Salazar.

Base sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, emosyonal na ikinuwento ni Charie, ang pagpapakamatay ni Atty. Villa noong 9 Nobyembre 2016.

Ayon kay Charie, noong 8 Nobyembre niya huling nakausap si Atty. Villa habang sila ay nag-aalmusal, at tinanong niya ang opisyal kung bakit hindi na pumapasok sa ERC.

Sa araw na iyon, inamin ni Atty. Villa, kaya ayaw na niyang bumalik sa opisina dahil pilit siyang pinapipirma ni Salazar sa mga maanomalyang dokumento ng ahensiya.

Sinabi ni Charie, hangga’t maaari ay ayaw na ng kanilang pamilya na maungkat pa ang pagpapakamatay ng kanyang kapatid, ngunit nagdesisyon siyang humarap sa Kamara para damayan ang iba pang empleyado na naiipit sa iregularidad.

(JETHRO SINOCRUZ)

About Jethro Sinocruz

Check Also

Rabiya Mateo Lolo Narding Flores

Rabiya abogado ang tulong na maibibigay kay Lolo Narding

HATAWANni Ed de Leon NANAWAGAN ang dating Miss Universe contestant at nag-aartista na ngayong si Rabiya Mateo sa kung …

Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar

Las Piñas City LGU pasado sa SGFH ng DILG

INIANUNSIYO nitong Huwebes, 20 Enero 2022, ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang pagpasa …

Para sa CoVid-19 test kits PITMASTER NAGBIGAY NG P100-M SA LGUs

Para sa CoVid-19 test kits
PITMASTER NAGBIGAY NG P100-M SA LGUs

SA PATULOY na pagsirit ng hawaan ng CoVid-19 sa bansa partikular sa Metro Manila, nag-donate …

NTC suportado sa pagtutol ng OSG sa “ABS-CBN Favoritism Bill” na isinusulong ni Sen. Leila De Lima

SINUPORTAHAN ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pagtutol ng Office of the Solicitor General (OSG) …

Cha-cha ipaubaya sa sunod na kongreso — Rodriguez

HINIMOK ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang mga kasamahan niya sa Kongreso na ipaubaya …

Leave a Reply