Wednesday , June 24 2026
MMDA

10,000 motorista timbog sa ‘no contact apprehensions’

NAHULI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang halos 10,000 motorista sa  “No Contact Apprehension System,” at 300 behikulo ang na-impound sa isang linggong anti-illegal parking operations sa Metro Manila.

Batay sa ahensiya, nagsagawa ng anti-illegal parking operation ang mga tauhan ng MMDA nitong 6-10 Marso sa mga kalye ng Scouts Borromeo, Bayoran at Tobias; Panay Avenue, Sgt. Esguerra, Mother Ignacia Avenue, at Eugenio Lopez Drive sa Quezon City.

Habang 21 tricycle ang hinatak at na-turn-over sa Quezon City Tricycle Regulatory Unit, kaugnay sa kampanya kontra sa illegal terminal.

Nagsagawa ang MMDA ng operasyon sa tinaguriang Mabuhay Lane 1, bumabagtas patungong San Juan, Mandaluyong, Makati City, partikular sa Brgy.  San Isidro, Brgys. 141, 142, 143 at 147 sa Taft Avenue, Pasay City.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …