Monday , October 14 2024
prison rape

Coed ginahasa, pintor arestado

ARESTADO ang isang pintor makaraan gahasain ang isang 21-anyos estudyante sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Ariel Ordeta Agapito, 35, taga-Block 27, Lot 20, Phase 2, Area 1, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng biktimang si “Jael,” 2nd year college student, kay PO1 Chona Riano ng Women’s and Children’s Protection Desk, dakong 7:30 am nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek.

Naglalakad ang biktima nang mapadaan sa tapat ng bahay ng suspek. Nagulat ang biktima nang bigla siyang kinalawit sa leeg ng lasing na suspek, tinutukan ng patalim at ipinasok sa kanyang bahay.

Nagpumiglas ang biktima ngunit tinakot na papatayin ng suspek kaya walang nagawa hanggang sa mailugso ang kanyang puri.

Makaraan ang insidente, agad humingi ng tulong ang biktima sa himpilan ng pulisya at mabilis na nadakip ang suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *