SUMUKO na sa mga awtoridad si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., makaraan ang “24-hour shoot on sight ultimatum” na ipinalabas laban sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Gayonman, nananatiling ‘at large’ ang anak ng mayor na si Kerwin na tulad niya ay isinangkot din sa drug trafficking at coddling ng pulisya. “Mayor Espinosa has surrendered and now under custody …
Read More »Masonry Layout
Surrender or die — Gen. Bato (Ultimatum sa anak ni Mayor Espinosa)
“KERWIN, you better surrender or die.” Ito ang babala ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa anak ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., para sumuko sa mga awtoridad makaraan aminin na ang kanyang anak ay isang drug lord. Sa kanyang pagsasalita sa press conference, sinabi ni Dela Rosa, ang alkalde ay bumiyahe mula sa Leyte patungo …
Read More »27 local executives sa illegal drug trade ibubunyag ni Duterte
IBUBUNYAG na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 27 local executives na sangkot sa illegal drug trade sa bansa, ayon kay Presidential Legal Adviser Salvador Panelo. Sinabi ni Sec. Panelo sa Malacañang reporters kahapon, plano na ni Pangulong Duterte na ibulgar ang pangalan ng 27 local executives na sangkot sa illegal drugs sa bansa. Aniya, kinompirma sa cabinet meeting kamakalawa sa …
Read More »Charter flight iniutos ni Digong para sa stranded OFWs sa Saudi
NAGPAPAKUHA ng charter flight si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte para sa mga stranded na overseas Filipino workers (OFW) sa Saudi Arabia upang mabilis ilang makauwi sa bansa. Ayon kay Presidential Legal Adviser Salvador Panelo, iniutos ni Pangulong Duterte ang mabilisang pagpapauwi sa stranded na OFWs sa Saudi Arabia. Sa ginanap na cabinet meeting kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo, dapat …
Read More »Korona ng patay ipinadala kay Eleazar (Pagkatapos sibakin ang QCPD-DAID)
ISANG linggo makaraan pagsisibakin ni Quezon City Police District (QCPD) director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang buong puwersa ng District Anti-Illegal Drug (DAID), nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang opisyal. Ito ay makaraang padalhan ng korona ng patay si Eleazar sa kanyang tanggapan sa General Headquarters ng QCPD sa Camp Gen. Tomas Karingal, Sikatuna Village, QuezonCity. Ngunit ayon …
Read More »Maaayos ang hakbang ni Duterte sa Hague ruling —PDP-Laban
INIHAYAG ni PDP-Laban Policy Studies Group head Jose Antonio Goitia na sinimulan na ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga serye ng mabubuting hakbang sa hindi pagkilala ng China sa paborableng desisyon ng Permanent Court of Arbitration ng United Nations kaugnay ng reklamo ng Filipinas sa pag-angkin ng Beijing sa buong South China Sea. Ayon kay Goitia, pangulo rin ng PDP-Laban …
Read More »Kaso vs road rage suspect dedisisyonan ng piskalya
RERESOLUSYONAN na ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DoJ) ang kasong murder at frustrated murder laban sa road rage suspect na si Vhon Martin Tanto. Ang preliminary investigation ay pinangunahan nina Assistant State Prosecutors Robert Ong, Honey Delgado at Jeanette Dacpano. Hindi na nagsumite ng counter affidavit ang kampo ni Tanto. Ayon kay Atty. Trixie Angeles, abogado ni …
Read More »Human trafficking sa Baguio hotel iniimbestigahan
BAGUIO CITY – Iniimbestigahan ang hinihinalang kaso ng human trafficking sa isang sikat na hotel sa Camp John Hay, Baguio City. Ito’y makaraan magsumbong ang tatlong babae sa front desk ng nasabing hotel na ginahasa at pinagamit sila ng ilegal na droga ng dalawang Arabian national. Base sa inisyal na imbestigasyon, kinuha ang tatlong kababaihan, kabilang ang dalawang menor de …
Read More »Kelot nahulog mula 20/F ng QC condo, nabagok
PATAY ang isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraan mahulog mula sa ika-20 palapag ng Berkeley Residences building sa Katipunan, Quezon City nitong Martes. Maputi at balbas sarado ang biktima at tinatayang nasa 25 hanggang 30 anyos ang edad. Ayon sa mga nakasaksi, laking gulat na lamang nila nang marinig ang malakas na kalabog makaraan tuluyang mahulog ang biktima sa gilid …
Read More »Rookie cop patay sa drug bust
CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang rookie cop na sinasabing sangkot sa droga makaraan barilin ng mga pulis nang pumalag sa drug-bust sa Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi. Ayon kay Acting PRO3 Director, Chief Supt Aaron Aquino, lumaban ang suspek na si PO1 Franco Sagudang, dating miyembro ng Regional Public Safety Battalion, ng Brgy. Caingin, ng nasabing lugar. Napag-alaman, …
Read More »CPP ‘di aatras sa peace talk
UMAASA ang Communist Party of the Philippines (CPP) na maipagpapatuloy pa rin ang usapang pangkapayapaan sa gobyerno sa kabila nang hindi pagkakaunawaan kaugnay sa pagdedeklara ng tigil-putukan. Ayon sa CPP, welcome sa kanila ang deklarasyon ng ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 25 bilang hakbang sa isinusulong na itinakdang NDFP-GRP peace negotiations. Ngunit nanghinayang sila na agad din itong …
Read More »Political detainees, Misuari palalayain (Pangako ni Digong)
NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang palayain ang political detainees mula sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at ang puganteng Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari kapag naging maayos ang takbo ng peace talks. Sinabi ng Pangulo, bago magsimula ang peace talks sa komunistang grupo sa Oslo Norway sa …
Read More »Ebdane iimbestigahan sa ibinentang ‘lupa’ mula sa minahan (Ex-Zambales governor)
PAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat na tinulungan ni dating Zambales Gov. Hermogenes Ebdane ang China para matambakan ng lupa upang maangkin ang Panatag (Scarborough) Shoal na sakop ng Masinloc, Zambales at bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Buo aniya ang kanyang suporta kay Environment Secretary Gina Lopez kay ipasisiyasat niya ang isiniwalat ni Zambales Governor Amor Deloso na …
Read More »Boykot sa media binawi ni Duterte
BINAWI na ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang self-imposed media boycott na ipinairal niya sa nakalipas na dalawang buwan. Makaraan ang mass oathtaking ng bagong talagang mga opisyal ng gobyerno sa Rizal Hall sa Palasyo pasado 3:00 pm ay bigla siyang lumapit sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC), Malacañang Cameramen Association (MCA) at Presidential Photographers (PPP) at nagtalumpati …
Read More »Prank callers sa Hotline 911 aarestohin — Gen. Bato
PINAALALAHANAN ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang publiko sa mahalagang paggamit sa nationwide 911 hotline. Ginawa ng heneral ang paalala kasunod nang naitalang maraming bilang ng nanloloko o prank calls sa unang araw nang ‘activation’ ng 911 numbers. Nagbanta ang PNP chief, malalaman ang mga tumatawag na ginagawang biro ang 911 at sila ay aarestohin. Batay …
Read More »Kompanyang may ENDO ipasasara
IPASASARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kompanya, maliit man o malaki, na nagpapairal ng ilegal na “ENDO” O end of contract scheme o labor only contracting. “Huwag n’yo akong hintayin na mahuli ko kayo. You will not only lose your money you will also lose your funds,” ani Duterte. Ang ENDO ay isang eskema nang paglabag sa Labor Code …
Read More »Intelektuwalisasyon ng wikang Filipino isinusulong ng KWF
ISINUSULONG ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang paggamit ng wikang Filipino sa trabaho, media, at pagtuturo ng mga asignatura sa eskuwelahan. Sa pagbubukas ng Buwan ng Wika sa tanggapan ng KWF sa Palasyo ng Malacañan kahapon, binigyang-diin ni Dr. Benjamin Mendillo, puno ng Sangay ng Salin at Publikasyon ng KWF, ang pagpasok ng Filipino sa sistema ng edukasyon bilang …
Read More »Ulan para sa sakahan, ‘di sa karagatan
NAGSASAYANG ng maraming tubig ang Filipinas ngunit kung iipunin ang sampung porsiyento ng tubig na nasasayang makatutulong ito sa pagpapalaki ng produksiyon sa pagkain, ayon kay Gonzalo Catan, Jr., executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines. Nadedesmaya si Catan na marami tayong nakukuhang tubig mula sa malakas na buhos ng ulan ngunit hindi tayo makapag-imbak nang sapat para sa …
Read More »1,000 pamilya sa Region 2 inilikas (Dahil sa baha)
TUGUEGARAO CITY – Umaabot sa mahigit 1,000 pamilya o mahigit 8,000 indibidwal ang nakaranas nang pagbaha dahil sa pagsalanta ng bagyong Carina sa Region 2. Sa nasabing bilang, 129 pamilya ang nasa 10 evacuation centers habang ang iba ay nakitira sa kani-kanilang mga kamag-anak. Sa Cagayan, anim na bayan na may 102 pamilya o 326 indibidwal ang binaha. Sa infrastructure, …
Read More »Estudyante nahulog sa railings ng PUP
SUGATAN ang isang 17-anyos lalaking estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) nang mawalan ng balanse at mahulog mula sa kinauupuang railings ng isang gusali sa loob ng unibersidad sa Sta. Mesa, Maynila kamakalawa ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa UERM Memorial Hospital ang biktimang si Euclid Gareth dela Peña, 1st year student ng Bachelor of Arts of Filipinology …
Read More »Buntis patay, 7 sugatan sa tribal war
CAGAYAN DE ORO CITY – Bangayan sa tribo ang tinukoy ng pulisya na motibo sa pamamaril sa gitna ng lumad wedding sa Sitio Tibugawan, Brgy. Kawayan, San Fernando, Bukidnon kamakalawa. Inihayag ni San Fernando Police Station commander, Insp. Rham Camelotes, mayroong personal na alitan ang grupo ng isang Aldy Salusad alyas Butsoy sa pamilya ng namatay na si Makinit Gayoran …
Read More »Kapritsoso si Duterte
TINAWAG ng Communist Party of the Philippines (CPP) na kapritsoso si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa paggiit na tapatan nila ang tigil-putukan idineklara bagama’t nilabag umano ng mga tropang gobyerno ang kanyang utos. Sa kabila nito, nakahanda umano ang Communist Party of the Philippines (CPP) na magdeklara ng unilateral ceasefire sa gobyerno sa Agosto 20, ang unang araw nang pagpapatuloy …
Read More »Ceasefire idedeklara ng CPP
IKINATUWA ng Palasyo ang pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na nais nilang magdeklara ng tigil-putukan kung hindi lang binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang uniletaral ceasefire kamakalawa ng gabi. Ani Dureza, ang naturang pasya ng kilusang komunista ay matagal nang hinihintay ng gobyerno at sumasang-ayon sa kahalagahan nang matatatag na aksiyon ni …
Read More »SOPO binawi ng PNP
BINAWI na rin ng pambansang pulisya ang naunang idineklarang Suspension of Offensive Police Operations (SOPO) epektibo kahapon sa buong bansa. Ito ay batay sa inilabas na memorandum ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa kasunod nang ginawang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa idineklarang unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF. Sa memorandum ni PNP chief, nakapaloob ang katagang “immediately” na pagpabawi …
Read More »AFP nasa high alert
NASA high alert ang buong puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraan bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang idineklarang unilateral ceasefire laban sa CPP-NPA-NDF. Ayon kay AFP chief of staff General Ricardo Visaya, bilang pagsunod sa kautusan ng commander-in-chief, magpapalabas sila ng angkop na patnubay para sa lahat ng AFP units. Sinabi ni Visaya, kanya nang ipinag-utos sa …
Read More »