HINDI uurungan ni Pangulong Rodrigo Duterte si US president-elect Donald Trump kapag nakialam sa kanyang kampanya kontra illegal drugs. Sa kanyang talumpati nang makipagpulong sa Filipino community sa Grand Ballroom, Mandarin Oriental Hotel, Kuala Lumpur, Malaysia kamakalawa ng gabi, tiniyak ni Pangulong Duterte na hindi siya tatahimik sa pagbira sa Amerika hanggang ang trato sa Filipinas ay patay gutom. “Ngayon …
Read More »Masonry Layout
Puganteng Kano tiklo sa Angeles
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang puganteng American national na may patong-patong na kaso ang nasakote nang pinagsanib na puwersa ng Police Station 5, at Fugitive Search Unit-ng Bureau of Immigration (BI) sa ikinasang operasyon sa Angeles City. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Supt. Fe Grenas, tagapagsalita ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, Police Regional Office-3 director, hindi …
Read More »5 nene inabuso ng stepfather
ARESTADO sa mga awtoridad ang isang 50-anyos lalaki makaraan halayin ang limang anak na babae ng kanyang kinakasama sa Pagadian City. Nitong Miyerkoles nang matuklasan ang pang-aabuso ng suspek sa mga biktima nang magsumbong sa guro ang isa sa kanila. Paglalahad ng biktimang 12-anyos, paulit-ulit siyang ginahasa ng amain sa loob ng apat na buwan, at ang pinakahuli ay nitong …
Read More »5 tulak patay, 1 arestado sa buy-bust
LIMANG hinihinalang mga drug pusher ang namatay habang naaresto ang isa sa isinagawang buy-bust operation na humantong sa enkwentro sa Port Area, Maynila kahapon ng umaga. Kinilala ang naaresto na si alyas Ronnie habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng limang napatay sa insidente. Sa imbestigasyon ni SPO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-Crime Against Persons Investigation Section (CAPIS), nabatid …
Read More »8 drug suspect utas sa vigilante
WALONG kalalakihan ng hinihinalang sangkot sa droga, kabilang ang isang barangay kagawad, ang patay makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkakahiwalay na insidente sa Caloocan City. Dakong 12:00 am kahapon nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sina Kenneth Satairapan, 22, at Noel Calimbas, 59, sa Saint Cecilia St., Maligaya Parkland, Brgy. 177. Dakong 10:50 pm …
Read More »Gen. Nakar, Quezon niyanig ng 5.0 quake
NIYANIG ng magnitude 5.0 na lindol ang probins-ya ng Quezon. Sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro ng lindol sa layong 24 kilometro sa hilaga ng bayan ng General Nakar, sa lalawigan ng Quezon dakong 3:10 pm kahapon. Tectonic ang origin ng nasabing lindol at may lalim ang sentro nito sa 13 kilometro. …
Read More »Sumablay sa Espinosa case panagutin (Lacson sa PNP)
NAGBANTA si Senate committee on public order and dangerous drugs chairman Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa mga sumablay na pulis sa pagsunod sa proseso nang pagsisilbi ng search warrant kay Albuera Mayor Rolando Espinosa. Ayon kay Lacson, sisikapin nilang matunton ang mga may pagkakamali at pananagutin sa batas. Matatandaan, si Lacson ang isa sa mga itinuturing na istriktong naging lider …
Read More »US$1-B railway project solusyon sa trafik — Lopez
BAGONG tren ang solusyon sa mabigat na trapiko mula Diliman, Quezon City hanggang Quiapo, Maynila. Isang panibagong railway project mula Diliman hanggang Quiapo ang nais itayo ng isang Malaysian company, ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa pulong balitaan sa Grand Hyatt Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon. Sinabi ni Lopez, isang bilyong dolyar ang nilagdaan ng Malaysian …
Read More »Richard Gomez sangkot sa Espinosa drug group
TINUKOY ng police officer na nanguna sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) team na sumalakay sa selda nang napaslang na si Albuera Mayor Rolando Espinosa, ang actor-turned-Ormoc City Mayor Richard Gomez na kabilang sa tinaguriang “Espinosa drug group” Thursday. Sa kanyang testimonya sa Senate public order committee, sinabi ni Chief Inspector Leo Laraga, ang CIDG ay nag-aaply ng search …
Read More »De Lima, 17 pa kinasuhan ng NBI sa Bilibid drug trade
SINAMPAHAN na ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sen. Leila de Lima at 17 iba pa dahil sa sinasa-bing naging partisipas-yon nila sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Si De Lima, dating kalihim ng Department of Justice (DoJ) ay sinampahan ng samu’t saring mga kaso dahil sa sinasabing pagtanggap ng …
Read More »ERC director nagbaril sa ulo
MASUSING iniimbestigahan ng Parañaque City Police ang pagpapatiwakal ng isang director ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng Department Of Energy (DOE) sa Parañaque City. Sinasabing nagbaril sa ulo ng calibre .38 baril (Smith & Wesson) ang biktimang si Atty. Francisco Villa Jr., 54, ng 8 Florida St., Merville Park Subdivision, Brgy. Merville, Parañaque City . Base sa inisyal na pagsisiyasat …
Read More »INC handa para sa tema sa 2017
IPINAGDIWANG ng Iglesia ni Cristo (INC) ang ika-61 kaarawan ni Executive Minister Eduardo V. Manalo ngayong Linggo sa paglulunsad ng tema na “Ikinararangal ko na ako ay Iglesia Ni Cristo” para sa taong 2017 na magbubuklod sa milyon-milyon na kapanalig sa panawagan na naglalayong iangat sa kabatiran ng mundo ang paglagong nakamit ng Iglesia mula nang ito ay maitatag sa …
Read More »Sistemang ‘Pablo Escobar’ ‘di uubra kay Digong
NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat hubaran ng kapangyarihan ang mga bilanggong drug lord upang hindi magkaroon ng ‘Pablo Escobar’ sa Filipinas na kahit nakakulong na’y nakapagpapatakbo pa ng drug trafficking syndicate. Sa kanyang press briefing sa NAIA Terminal 2 bago pumunta sa Malaysia kahapon, sinabi ng Pangulo, wala siyang alam na nagawang kasalanan nang ibulgar ang korupsiyon at …
Read More »2-anyos hinalay ng 23-anyos kapitbahay
ARESTADO ang isang 23-anyos lalaki sa Balanga, Bataan nang maaktohang inaabuso ang 2-anyos paslit na kanyang kapitbahay sa loob ng banyo kamakalawa. Ayon sa ulat, dinala sa ospital ang biktima dahil sa pagdurugo ng maselang bahagi ng katawan. Mismong ang kapatid ng biktima ang nakakita sa lasing na suspek sa ginagawang kahalayan sa paslit sa loob ng kanilang banyo. Sinasabing …
Read More »Baril, granada, patalim, nakompiska sa Bilibid
MULING nakakompiska ng tambak ng mga baril, patalim at ilang granada ang raiding team sa isinagawang Oplan Galugad kahapon sa New Bilibid Prisons. Pinangunahan ito ng PNP-Special Action Force (SAF) at Bureau of Corrections (BuCor), at sumentro ang kanilang operasyon sa Maximum Security Compound. Naniniwala ang BuCor officials na mga lumang armas pa ito na hindi nahagip ng kanilang mga …
Read More »Tserman patay sa ambush
MASUSING iniimbestighahan ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS) ang insidente nang pagpatay sa isang barangay chairman sa Tondo, Maynila kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Barangay Chairman Alberto Carpio, 57, ng Brgy. 100, Zone 8, at residente ng 124 Del Pilar Street, Magsaysay Village, Tondo, Maynila, pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek dakong 4:40 pm sa Jacinto Street …
Read More »Zero result sa PNP Oplan Galugad sa Valenzuela jail
NAGNEGATIBO sa ano mang uri ng armas, ilegal na droga at iba pang kontrabando ang ikinasang sorpresang “Oplan Galugad” ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela at local na pulisya sa Valenzuela City Jail, kahapon ng umaga. Pinangunahan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at Valenzuela City Police chief, Sr. Supt. Ronaldo Mendoza ang inspeksiyon sa lahat ng mga selda sa apat …
Read More »Temperatura sa Baguio, patuloy na bababa
BAGUIO CITY – Nagsimula nang maramdaman ang ginaw sa Summer Capital of the Philippines nang maitala ang aabot sa 13.6 degrees Celsius na temperatura kahapon ng umaga. Ayon sa PAGASA-Baguio, patuloy pang bababa ang temperatura sa lungsod at sa lalawigan ng Benguet sa susunod na mga araw hanggang Pebrero sa susunod na taon. Sinabi ng weather bureau, inaasahang mas mababa …
Read More »Lumahok sa SSS voluntary provident fund mga batang millenial
HALOS dalawa sa bawat tatlong miyembrong naglagay ng pera sa voluntary provident fund ng Social Security System (SSS) ay mga batang miyembro na 35 anyos pababa batay sa enrollment data ng SSS Personal Equity and Savings Option (PESO) Fund sa pagtatapos ng Setyembre 2016. Ayon kay SSS Officer-in-Charge ng Voluntary Provident Fund Department Marichelle L. Reyes, sa kabuuang 3,649 sumali …
Read More »19 pulis kakasuhan sa Espinosa killing
NAHAHARAP sa kaso ang 19 pulis na nagsilbi ng search warrants sa Leyte Sub-Provincial Jail na nagresulta sa pagkakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. at isa pang preso. “At this point, we believe that we will be levying for administrative complaints for operatives involved both from the Criminal Investigation and Detection Group Region 8 and Regional Maritime Unit,” pahayag …
Read More »Marcos burial sa LNMB ‘di babawiin ni Duterte
WALANG balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang kanyang desisyon na pahintulutan na ihimlay sa Libingan ng mga Bayani si dating Presidente Ferdinand Marcos. “Well, as I have said, as a lawyer, I stick by what the law says. The law says that soldiers and ex-presidents, ‘yung namatay o maski hindi siguro ex, basta presidente ka, doon ka ilibing,” …
Read More »LNMB dinagdagan ng ‘magnanakaw’ (Google namanipula ng maraming request)
MAINIT pa ring tinatalakay sa social networking sites ang isyung napipintong paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ito’y makaraan maglabas kamakalawa ng ruling ang Korte Suprema na pumapabor sa paghahatid sa dating presidente sa nabanggit na sementeryo. Ngunit kahapon ng umaga, marami ang nagulat nang lumabas sa Google Maps ang pangalan ng lugar bilang “Libingan …
Read More »Media sinabon ng Pangulo (Sa pinalaking ‘tuhod joke’)
SINERMONAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang isang media man sa tila pagpinta sa kanya na bastos dahil sa biro niya tungkol sa tuhod ni Vice President Leni Robredo sa Tacloban City kamakalawa. Sa press briefing sa NAIA Terminal 2 bago magpunta sa Malaysia, inamin ng Pangulo na ginawa niyang biro ang makinis na tuhod ni Robredo para maibsan ang …
Read More »‘Tuhod joke’ tasteless remarks — Robredo
BUMUWELTA si Vice President Leni Robredo sa hindi angkop na remarks at mapanlamang na pahayag laban sa mga kababaihan. Ayon kay Robredo, walang puwang sa lipunan ang ganitong aksiyon at pag-uugali. Bagama’t hindi pinangalanan, si Pangulong Rodrigo Duterte ay matatandaang nagpakawala kamakalawa ng pagbibiro ukol kay Robredo. Maging ang tuhod ng vise president at rumored boyfriend ng opisyal ay binanggit …
Read More »Trump nahalal na 45th US president
NEW YORK – Muling nabawi ng Republicans ang White House, makaraan manalo ang pambato ng partido na si Donald Trump sa isang upset victory, sa katatapos na presidential election sa Amerika. Tinalo ng 70-year old business mogul, ang pambato ng Democratic Party na si dating Secretary of State Hillary Clinton. Tinawagan na ni Clinton si Trump para mag-concede. Si Trump …
Read More »