INIKOT ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang mismong Andas o karosa ng Poong Nazareno upang inspeksiyonin at personal na makita ang situwasyon sa isinagawang traslacion kahapon. Ngunit pinagkaguluhan siya ng mga deboto nang makita siya sa lugar. Kanya-kanyang kuha ng larawan ang mga deboto sa PNP chief. Nasa ilalim ng Quezon Boulevard ang Andas nang magtungo si …
Read More »Masonry Layout
Kung puwede lang… Genocide vs drug addicts wish ni Digong
KUNG hindi lang labag sa batas at malaking eskandalo sa international community, gusto sana ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ng genocide o malawakang pagpatay sa drug addicts sa Filipinas. Sa kanyang talumpati sa mass oath taking ng bagong presidential appointees kahapon sa Palasyo, hindi na naman naikubli ni Pangulong Duterte ang ngitngit sa mga drug addict dahil sayang aniya …
Read More »Bloggers etsapuwera sa Pres’l Task Force on Media Security
KAHIT malagay sa panganib ang kanilang buhay, hindi sakop sa ipagkakaloob na seguridad ng gobyerno ang bloggers o ang netizens na nagmamantina ng sariling website para ilathala ang kanilang mga opinyon at saloobin. Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco sa isang chance interview sa Palasyo bago ang mass oath taking sa …
Read More »US14-M grant ng China ibibili ng Bangka (Hindi armas)
GENERAL SANTOS CITY – Hindi na bibili ng dagdag na mga armas ang gobyerno sa $14 milyon grant na ibibigay ng China sa Filipinas. Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorezana kahapon. Ayon sa kalihim, nauna nilang plano ang pagbili sana ng maraming armas para sa mga CAFGU at sa mga pulis ngunit hindi na itutuloy dahil marami pang …
Read More »Nicolas-Lewis persona non-grata sa PH?
BAHALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) na maghain ng diplomatic protest sa US Embassy laban kay Fil-Am billionaire Loida Nicolas-Lewis at ideklara siyang persona non grata sa Filipinas dahil sa pagpopondo at pag-uudyok ng destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr., sa isang chance interview kahapon sa Palasyo, hindi tama ang …
Read More »Biktima ni Nina tutulungan ng TESDA
TUTULUNGAN ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga biktima ng Bagyong Nina upang muling makabangon sa kanilang masamang karanasan. Ang mga naging biktima ng bagyo ay isasailalim sa community-based training program at training con production na ilalaan para mu-ling maitayo ang mga kabahayan. Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, kasalukuyan nang iniisa-isa ng mga …
Read More »Libreng rehabilitasyon isinusulong ni speaker Alvarez
NANAWAGAN si House Speaker Pantaleon Alvarez na suportahan ang iba’t ibang samahan na nagkakaloob ng libreng rehabilitasyon sa mga nalulong sa ipinagbabawal na droga. Aniya, ito ay upang mapanatili ang pagtatagumpay sa mahigpit na kampanya ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot. Nais din ng speaker na mai-salba ang mga kabataan sa posibilidad ng pagkasugapa sa droga at …
Read More »2 patay sa truck vs motorsiklo sa Cagayan
TUGUEGARAO CITY – Patay ang dalawa katao sa banggaan ng truck at motorsiklo sa bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Joey Balisi at Ryan Sonido, kapwa residente ng Solana. Ayon sa mga awtoridad, nag-overtake ang truck na minamaneho ni Jerome Erjas sa isang sasakyan kaya niya nabangga ang kasalubong na motorsiklo na sakay ang dalawang biktima. …
Read More »Bebot todas sa tandem
BINAWIAN ng buhay ang isang 30-anyos babae makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang tiyuhin kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay si Melanie Bayani, ng 193 Natividad St., Brgy. 81 ng nasabing lungsod. Patuloy ang follow-up investigation ng mga pulis u-pang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pagpatay sa biktima. Ayon …
Read More »19-anyos ex-con itinumba sa Pasay
PATAY ang isang 19-anyos bagong laya sa kulungan makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Kinilala ni Pasay City Police chief, S/Supt. Lawrence Coop, ang biktimang si Noel Maraya Jr., ng 12 Mars St., Arroville Sun Valley, Brgy. 198, Zone 20, ng nasabing lungsod. Ayon sa pulisya, dakong 2:30 am, naglalakad ang biktima sa Sun Valley Drive, …
Read More »Obrero inutas sa harap ng pamilya
PATAY ang isang construction worker makaraan pasukin sa kanyang bahay at pagbabarilin sa harap ng kanyang pamilya ng apat na hindi nakilalang mga suspek sa Valenzuela City kamaka-lawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si Tito Siervo, 32, ng Block 17, Lot 2, Northville 2 A, Canumay West ng lungsod. Ayon kay S/Supt. …
Read More »10-anyos nene patay sa sakal ng ‘rapist’ (Walang banyo dumumi sa tabi)
BACOLOD CITY – Natagpuang patay ang isang 10-anyos batang babae makaraan sakalin ng isang lala-king hinihinalang tangkang gumahasa sa kanya kamakalawa sa lungsod ng Cadiz, Negros Occidental. Mismong ang ina ng biktima ang nakakita sa bangkay sa damuhan, 100 metro ang layo sa kanilang bahay bandang 1:45 pm. Ito ay kasunod nang paghahanap makaraan ipabatid ng kambal ng biktima na …
Read More »2 tauhan ni Kerwin timbog sa Ormoc
DALAWANG tauhan ng hinihinalang drug dealer na si Kerwin Espinosa ang naaresto sa police operations sa Ormoc City nitong Sabado ng umaga. Ang suspek na si Brian Anthony Zaldivar alyas Tonypet ay naaresto sa bahay ng kanyang live-in partner sa Brgy. Luna dakong 7:00 am. Makaraan ang isang oras, naaresto sa Brgy. Macabug ang isa pang suspek na si Jesus …
Read More »Ilang probinsiya todo-handa na sa Miss U event
TATLONG linggo bago ang koronasyon ng 2016 Miss Universe sa Filipinas, puspusan sa paghahanda ang mga probinsiyang kabilang sa official itinerary ng mahigit 90 kandidata. Tulad sa Boracay, ang first stop ng Miss Universe candidates sa 14 Enero, nataon pang kasabay ng selebrasyon ng Ka-libo Sto. Niño Ati-Atihan Festival, itinuturing na “Mother of All Philippine Festivals.” Aasahan ang maingay at …
Read More »‘Auring’ bumagsak sa Siargao
BUMAGSAK o tumama ang bagyong Auring sa Siargao island sa Surigao del Norte dakong 3:00 pm kahapon. Sa huling weather bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo malapit sa bisinidad ng Dinagat Islands. Taglay ng bagyo ang hangin sa bilis na 55 kilometro bawat oras, pagbugsong 70 kilometers per hour, at kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis lamang na siyam …
Read More »2,208 patay sa anti-drug ops nationwide – PNP
PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga napapatay na drug personalities sa inilulunsad na anti-drug ope-rations ng pambansang pulisya sa buong bansa. Batay sa inilabas na datos ng PNP, simula 1 Hulyo 2016 hanggang dakong 6:00 am ng 8 Enero 2017 umakyat na sa 2,208 ang napatay na mga drug suspect. Ang nasabing bilang ng mga napatay ay bunsod nang …
Read More »Baguio temperature bumagsak sa 11.5°C
BAGUIO CITY – Lalo pang lumalamig ang panahon sa Lungsod ng Baguio makaraan maitala kahapon ng umaga ang 11.5 degrees Celsius (°C) bilang pinakamababang temperatura. Kasabay nito, nagpaalala ang Department of Health (DoH) – Cordillera sa publiko lalo na ang mga magtutungo sa Baguio at lalawigan ng Benguet, na magsuot ng makakapal na damit. Ayon sa DoH, dapat magsuot ng …
Read More »NSC kumikilos vs ‘Lenileaks’
INIIMBESTIGAHAN na ng intelligence community ang posibleng partisipasyon ng mga tauhan ni Vice President Leni Robredo at pakikipagsabwatan nila kay Fil-Am billionaire Loida Nicolas-Lewis sa destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang sinabi kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., hinggil sa natanggap nilang mga report hinggil sa #Lenileaks o ang pagligwak sa social media ng pag-uusap sa …
Read More »No terror threat (Sa traslacion) – PNP chief
WALANG natukoy na seryosong banta ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) lalo sa traslacion ngayong araw sa pista ng Itim ng Nazareno. Ayon kay PNP chief, Director Gen. Ronald dela Rosa, ang ginagawa lamang ng PNP ay paghahanda sa ano mang puwedeng mangyari kabilang ang posibleng pananabotahe sa seguridad. Pahayag ng PNP chief, bagama’t walang namo-monitor na banta ng …
Read More »Hiling ng PBA coaches: Mas maraming laro sa ph arena
“AWESOME, amazing, first-class!” Ilan lamang ito sa mga nasambit ng grandslam Philippine Basketball Association (PBA) coach na si Tim Cone nang unang makatapak sa Philippine Arena, na pinagdausan ng ilang laro ng PBA teams na itinampok sa kinapapanabikang “Manila Clasico” sa pagitan ng Gin Kings ni Cone at ng Star Hotshots. “Amazing, amazing,” paulit-ulit na usal ni Cone, na kumumpas …
Read More »8-anyos, 3 bagets nalunod sa ilog
BULACAN – Isang 8-anyos paslit at tatlong teenager ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Bulacan nitong Sabado. Tinangay nang malakas na daloy ng tubig ang magkaklase na sina Jaysi Balitaosan, 19, at Jericho Burgos, 18, nang lumangoy sila sa Angat River sa Norzagaray. Sinasabing may shooting ng isang short film ang dalawang binatilyo at napili ang Bakas Resort dahil …
Read More »Bigtime drug pusher timbog sa P1.9-M shabu
KOMPISKADO ang tinatayang P1.9 milyon halaga ng shabu sa naarestong hinihinalang bigtime drug pusher sa isinagawang drug buy-bust operation sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Ang suspek na iniharap sa mga mamamahayag nina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan at Northern Police District (NPD) director, Chief Supt. Roberto Fajardo ay kinilalang si Ian Oquendo alyas Monay, 24, ng Pama Sawata, C-3 …
Read More »Gov’t employee itinumba sa palengke
GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang emple-yado ng City Waste Management Office makaraan pagbabarilin sa GenSan Central Public Market kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Ricky Diolen, 55-anyos, may pitong anak at residente ng Brgy. Dadiangas West nitong lungsod. Sinasabing isang lalaking nakasuot ng itim na jacket ang bumaril sa biktima na agaran niyang ikinamatay. Nakuha sa bulsa ng biktima …
Read More »Binatilyo utas sa Caloocan drug bust
PATAY ang isang 17-anyos estudyante sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa kanyang bahay sa Bagong Barrio, Caloocan City kamakalawa. Batay sa inisyal na report ng Caloocan PNP, target ng operasyon ang amain o guardian ng biktimang si Hideyoshi Kawata ngunit nakatunog kaya nakatakas. Kinilala ang guardian ng binatilyo na si alias Buboy. Sinundan ng mga operatiba ang target …
Read More »2 tulak patay sa buy-bust (Drug supplier nakatakas)
PATAY ang dalawang hinihinalang mga drug pusher habang nakatakas ang drug supplier sa buy-bust ope-ration ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Brgy. Holy Spirit ng nasabing lungsod kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Supt. Lito E. Patay, hepe ng Batasan Police Station 6, ang napatay ay kinilalang sina alyas Tonton at alyas Bok, kapwa nakatira sa …
Read More »