3,000 guro isang araw liliban sa klase (Para sa dagdag sahod)

BACOLOD CITY – Nakatakdang mag-mass leave ang 3,000 guro sa Negros Oc­ci­dental kasabay ng pag­diriwang ng World Tea­chers’ Day sa Biyernes.

Ito ay para ipana­wagan ang dagdag su­wel­do para sa mga guro.

Sinabi ni Gualberto Dajao, presidente ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa rehiyon, naghihirap na ang mga guro lalo na’t damang-dama nila ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Dagdag niya, imbes magsaya, idadaan nila sa protesta ang pag­gunita sa World Teachers’ Day.

Bukod sa mga inihandang mga banner at placards, magdadala rin ng kitchen utensils ang mga miyembro ng ACT para gamitin sa kanilang noise barrage.