Saturday , December 2 2023
John Bertiz NAIA
John Bertiz NAIA

Bertiz naospital sa alta presyon

KAGAYA ng matataas na opisyal ng mga na­karaang admi-nistrasyon, ang ospital ay kanilang naging kanlungan sa panahon ng kagipitan sa politika.

Kahapon, ang kon­trobersiyal na ACTS-OFW party-list Rep. ay tumakbo rin sa ospital dahil sa pananakit ng dibdib. Ayon kay House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, si Bertiz ay na-confine sa St. Luke’s Medical Center.

Hindi umano naka­ka­tulog si Bertiz nang ilang gabi pagkatapos ng sunod-sunod na blunder.

Ayon kay COOP NATCCO party-list Rep. Anthony Bravo ang pa­nanakit ng dibdib ni Bertiz ay maaaring may kina­laman sa angioplasty na ginawa sa mambabatas noon pang 2016 para makaiwas sa heart attack.

Ayon kay House senior Deputy Minority Leader Lito Atienza tu­maas ang blood pressure ni Bertiz mula nang kontrobersiya sa airport.

“What is definite, Congressman Bertiz is suffering from hyper­tension and high blood pressure, talagang tumaas ang presyon [ng dugo],” ani Atienza.

Si Bertiz ay nabalot sa kontrobersiya mula nang inangasan niya ang isang security officer na sumita sa kanya nang hindi niya tinanggal ang kanyang sapatos sa security check area.

Nag-viral sa social media ang video ng nasabing insidente.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …

SMFI 397 scholar 1

SM Foundation lauds 397 college scholar-graduates  

The SM Foundation (SMFI) celebrates the feat of 397 SM scholars from class 2023, including …

SM Foundation SM Prime 1

From challenges to change: SM Foundation and SM Prime build new school facility in Laguna

The new two-floor school building of Laguna Resettlement Community School features four fully equipped rooms …

Kathniel karla estrada

Karla pilit itinatago ang katotohanan

HATAWANni Ed de Leon ANG maaari lang tumapos sa mga tsismis na split na sina Daniel …

Bulacan DTI

Digitalization ng mga Creative Products sa Bulacan, isinusulong ng DTI

AAGAPAYAN ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga micro, small and medium …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *