Monday , December 23 2024

Masonry Layout

‘Wag ako sisihin sa SAF 44 — Aquino

BINIGYANG-DIIN ni dating Pangulong Benigno Aquino III, hindi siya dapat sisihin sa Mamasapano operation na ikinamatay ng 44 PNP-Special Action Force. Ginawa ni Aquino ang pahayag makaraan siyang batikosin ni Pangulong Rodrigo Duterte at sisihin sa madugong operas-yon noong 25 Enero 2015, dalawang taon na ang nakararaan. Sinabi ni Aquino, kabisado niya ang kalakaran sa Minda-nao, lalo ang konsepto ng …

Read More »

Cellphone ni PNoy busisiin — Aguirre

HINAMON ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kasunod ng pahayag ng dating punong ehekutibo kaugnay nang pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao. Ayon kay Aguirre, isuko ni Aquino ang kanyang mobile phone para sa forensic examination upang malaman ang kanyang naging utos sa mga hene-ral sa operasyon, …

Read More »

Abusadong sugar mill itinanggi ng sakada

SA gitna ng mga akusasyon ng pang-aabuso, pagmamaltrato, at mga kaso ng “human trafficking” na inihain laban sa isang labor recruiter at sugar mill sa Tarlac, ilang magsasaka ang lumitaw at pinabula-anan ang bintang. Ayon kina Ricky Mahinay at Nancy Rama, kabilang sa halos 1,000 sakada o sugar workers na hinakot mula Mindanao upang magtrabaho sa Hacienda Luisita, gulat na …

Read More »

Labi ni Pawa sa Kuwait ililibing

NAGPASYA ang pamilya ng binitay na OFW na si Jakatia Pawa nitong  Miyerkoles, sa Kuwait ipalibing ang kanyang bangkay. “Nagdesisyon na rin kaming lahat na magkakapatid kasi sa batas ng Muslim, sa Islam, within 24 hours dapat maili-bing siya. Kung iuuwi pa namin ng Filipinas, baka pagdating dito sa amin sa Zamboanga, wala na ‘yung kapatid namin. Baka mangangamoy na …

Read More »

Tokhang sa QC area suspendihin (Hiling sa SC)

HINILING ng public interest law group sa Supreme Court kahapon na mag-isyu ng writ of amparo, naglalayong protektahan ang pamilya ng mga biktima ng “tokhang” operation sa Quezon City, sa “police harassment and intimidation” at suspendihin ang tokhang operation sa apektadong komunidad. Sinabi ng Center for International Law (Centerlaw), ang petisyong inihain ay kauna-unahan laban sa PNP’s “Oplan Tokhang” magmula …

Read More »

Sekyu ng NBI dedbol sa lawyer agent (Tumaya sa sabong)

PATAY ang isang security officer ng National Bureau of Investigation (NBI)-Tarlac makaraan makipagbarilan sa isa pang taga-NBI sa Brgy. Dolores, Capas, Tarlac kamakalawa ng gabi. Ayon kay Tarlac Provincial Director Senior Supt. Westrimundo Obinque, kinilala ang biktimang si Laverne Vitug, 51, residente ng Tarlac City, habang kinilala ang suspek na si Atty. Boy de Castro. Batay sa na imbestigasyon, nasa …

Read More »

Binatilyo, 1 pa utas sa ratrat

PATAY ang dalawang lalaki, kabilang ang isang 16-anyos mangingisda, sa magkahiwalay na pamamaril ng hindi nakilalang mga suspek sa Navotas City kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center si Jhon Dela Cruz alyas Toto, 16, ng C-4 Road, Brgy. Bagong Bayan North, nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek dakong 12:20 am habang nakatayo sa tabi …

Read More »

Tserman itinumba ng tandem

PATAY ang isang 64-anyos barangay chairman makaraan pagbabarilin sa harap ng barangay hall ng hindi naki-lalang riding-in-tandem sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Tito Caldoz Mendoza, chairman ng 106 Zone 8, residente ng 136 Cadena de Amor St., Tondo, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Charles Duran, dakong …

Read More »

Misis napatay, mister utas sa parak

BINAWIAN ng buhay ang isang 45-anyos ginang makaraan barilin ng kanyang mister habang namatay rin ang suspek nang lumaban sa nagrespondeng mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Kinilala ang biktimang si Leonora Repuelo, vendor, residente sa Block 13, Lot 12, Duhat St., Brgy. 146, Zone 16, ng lungsod. Namatay rin ang suspek na si Walid Marohomsar, 29, makaraan …

Read More »

4 patay, 3 sugatan sa enkwentro sa Mindanao

COTABATO CITY – Apat ang patay at tatlo ang malubhang nasugatan nang magpatupad ng search warrant ang pulisya at militar laban sa isang alkalde dakong 5:20 am kahapon sa probinsya ng Maguindanao. Ayon kay Supt. Jimmy Daza, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-ARMM), nagpatupad sila ng search warrant operation sa Brgy. Saniag, Ampatuan, Maguindanao laban kay Mayor Rasul …

Read More »

ISIS pasok na sa droga

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte, lalong lumala ang problema sa ilegal na droga sa bansa dahil sa pagpasok ng ISIS lalo sa Mindanao. Sinabi ni Pangulong Duterte sa Tacloban City, ang Maute group na nakianib na sa international terror group na ISIS, ay nagmamantine ng mga laboratoryo ng droga sa Mindanao. Ayon kay Pangulong Duterte, kaya hindi basta-basta napapasok ang …

Read More »

GRP, NDFP hirit alisin si Sison sa US terror list

NAGKASUNDO ang gobyerno ng Filipinas at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) panels na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na ihirit kay Uncle Sam na tanggalin sa listahan ng international terrorists si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison. Sinabi ni GRP chief Silvestre Bello III, ang nasa-bing kasunduan ay upang matiyak na hindi aarestohin …

Read More »

Cha-cha prayoridad ng Kongreso

congress kamara

INAMIN ni Senate President Koko Pimentel, isa sa prayoridad ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang bigyan nang higit na pansin ang Charter Change (Cha-cha) o pag-amiyenda sa Saligang Batas. Ayon kay Pimentel, nagkasundo sila ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ano mang panukalang batas na nagrerekomenda sa pag-amiyenda sa saligang batas ay kanilang prayoridad. Sinabi ni Pimentel, kanila itong pormal …

Read More »

127 inmates, palalayain ni Duterte

MAKALALAYA sa susunod na linggo ang aabot sa 127 preso sa pamamagitan ng pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng executive clemency makaraan irekomenda ng Department of Justice ang pagpapatawad sa kanila. Kinompirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II nitong Miyerkoles ang pagpapalaya sa 127 preso, ilang linggo makaraan isumite sa Malacañang ng ahensiya ang lista-han ng kanilang mga nominado para …

Read More »

2 sa 3 solon sa narco-list taga Luzon — Rep. Fariñas

DALAWA sa tatlong Kongresistang nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay pawang mga lalaki at kapwa taga Luzon Kinompirma kahapon ni House Majority Leader Farinas, isa-isa na niyang kinakausap ang mga naturang kongresistang dawit sa droga at ang isa sa kanila ay itinangging nagbibigay siya nang proteksiyon sa sino mang drug personality. Labis daw na ikinagulat ng naturang mamababatas kung …

Read More »

Bagong laya patay sa boga

TODAS ang isang lalaking bagong laya sa kulungan makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kahapon ng madaling-araw sa Quezon City. Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal-Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Rodel Rodriguez, 48, bagong laya mula sa Quezon City Jail, at residente ng 43 Sauyo Road, Brgy. Sauyo, Novaliches, ng lungsod.Habang patuloy na inaalam …

Read More »

Magkapatid, pinsan todas sa buy-bust

PATAY ang magkapatid at pinsan makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng madaling-araw. Binawian ng buhay habang dinadala sa Sta. Ana Hospital ang magkapatid na sina Leo Geluz Merced, 30, at Joshua Merced, 22, at pinsan nilang si Bimbo Merced, 37, pawang ng 2565 Bonita Compound, Pasig Line, Zobel Roxas, Sta. Ana, Maynila. …

Read More »

Pinay binitay sa Kuwait

BINITAY na ang isang Filipina domestic worker na si Jakatia Pawa nitong Miyerkoles sa Kuwait, sa kabila nang pagsisikap ng kanyang pamilya at mga opisyal ng gobyerno na mailigtas ang kanyang buhay. Kinompirma ito kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon sa mga opisyal ng Philippine embassy, inihayag ng Sulaibiya Prison officials, itinakdang bitayin si Pawa dakong 7:30 am …

Read More »

Palasyo nakiramay sa Pamilya Pawa

NAGPAABOT nang pakikiramay ang Palasyo sa mga naulila ni Jakatia Pawa, ang Filipina domestic helper na binitay kahapon sa Kuwait dahil sa kasong pagpatay sa anak ng kanyang amo. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ginawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang maisalba sa kamatayan si Pawa ngunit hindi umubra sa mga batas ng Kuwait. “It is with sadness …

Read More »

Kolorum sa NAIA target ni Monreal

PRAYORIDAD ngayon ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na mabura sa listahan ng ‘worst airports in the world’ ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng pagsasaayos ng serbisyo sa publiko at pagpapatupad ng mga alituntunin na tutugon sa mga pangangailangan bilang pangunahing paliparan ng bansa. Sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, …

Read More »

MMDA nagbabala sa mga barangay

WALANG sasantohin si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Tim Orbos sa pagpa-patupad ng kanilang mandato, partikular ang paghuli sa mga lumalabag sa regulasyong pangtrapiko kabilang ang mga ilegal na paradahan na makikita sa iba’t ibang lugar sa Kalakhang Maynila. Sa panayam ng Hataw kay Orbos sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, ipinunto niya ang …

Read More »

Digong nanatiling bilib sa mainstream media

BILIB pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ng “mainstream media” na ihatid ang tamang balita  sa kabila nang pagbatikos ng kanyang communications secretary sa ilang mamamahayag na binabaluktot ang ulat upang pumatok sa publiko. Sa kanyang talumpati matapos inspeksyonin ang mga pabahay para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda kahapon sa Tacloban City, inihayag ng Pangulo na …

Read More »

Reinvestigation sa Mamasapano suportado ni Lacson

SUPORTADO ni Senador Panfilo Lacson ang muling pag-iimbestiga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tinaguriang Mamasapano tragedy na ikinamatay ng 44 miyembro ng PNP-SAF, sinasabing brutal na pinatay ng grupo ng BIFF, MILF at private army. Sinabi ni Lacson, kung ang pananaw ni Pangulong Duterte na marami pang dapat na malaman sa likod ng trahedya, karapatan niyang muling buksan ang pagdinig …

Read More »

Rep. Roque mananatiling kongresista (Kaso ‘di pa nareresolba)

MANANATILING kong-resista si Kabayan Party-list Harry Roque habang pinag-aaralan muna ng Kamara kung papaano reresolbahin ang isyu patungkol sa pagkakasibak niya sa kanyang grupo. Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Farinas, habang walang pinal na desisyon ang liderato ng House of Representatives(HOR) ay mambabatas pa rin si Roque. Sinabi ng mambabatas, iba-iba ang “school of thought” sa isyung ito dahil …

Read More »

COP sibak sa kotong sa 3 Koreano

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng pulisya ng Angeles City, Pampanga bunsod nang pagkakasangkot sa robbery, holdap at extortion ng kanyang mga tauhan sa tatlong Korean nationals. Ayon kay PNP Region 3 director, C/Supt. Aaron Aquino, papalit sa puwesto ni S/Supt. Sidney Villaflor bilang chief of police ng Angeles City, si S/Supt. Jose Hidalgo Jr. Nauna nang sinibak ni Chief …

Read More »