Monday , December 23 2024

Masonry Layout

5,200 OFWs nagpalista sa amnesty program sa Saudi Arabia

Saudi Arabia

LUMOBO sa 5,200 ang bilang ng undocumented OFWs sa Jeddah, Saudi Arabia, na nagpatala para sa 90-day amnesty program, na nagsimula noong Marso. Sinabi ng Philippine Consulate head sa Jeddah na si Consul RJ Sumague nitong Martes, umabot na 5,200 ang mga nakapagrehistro sa konsulada mula noong 26 Marso. Halos karamihan aniya sa mga humahabol magparehistro ay mga dating nagtatrabaho …

Read More »

Cayetano welcome addition sa gabinete — Palasyo

NANINIWALA ang Palasyo na sisigla ang relasyon ng Filipinas sa ibang mga bansa sa pagkompirma ng Commission on Appointments (CA) sa appointment ni Alan Peter Cayetano bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA). “Secretary Cayetano’s experience and legal acumen shall enrich the leadership of the Department of Foreign Affairs (DFA) and promote and enhance our international relations with the …

Read More »

Cayetano kompirmado

KINOMPIRMA ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), kapalit ni Officer in Charge (OIC) Under Secretary Enrique Manalo, pumalit kay dating Secretary Perfecto Yasay, na ibinasura ng komisyon ang kompirmasyon dahil sa pagsisinungaling sa kanyang citizenship. Halos wala pang limang minuto at hindi pa nakauupo …

Read More »

Police intel sa Quiapo blasts utas sa ambush

PATAY ang isang intel operative ng Manila Police District (MPD), na kabilang sa nag-iimbestiga sa Quiapo blasts, makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem  sa Paco, Maynila kamakalawa. Hindi umabot nang buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si PO2 Abdul Jabbar Alonto, 36, nakatalaga sa MPD-District Intelligence Division (DID), tubong Marawi City at naninirahan sa 645 Carlos Palanca St., San Miguel, …

Read More »

Rice imports sa G2P aprub sa NFA council

INAPROBAHAN ng National Food Authority (NFA) ang importasyon ng NFA sa pamamagitan ng “government to private scheme” upang mapalaki ang buffer stock ng ahensiya para sa nalalapit na lean months ng Hulyo at Setyembre. Gayonman, ang Council ay naghihintay pa sa rekomendasyon ng National Food Security Committee’s (NFSC) kung gaano kalaki ang volume ng rice importation na isasagawa mula sa …

Read More »

China bagong supplier ng armas sa PH

NILAGDAAN ang “letter of intent” ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kahapon, bilang pagpapakita ng interes ng Filipinas na mamili ng defense assets sa Poly Technologies, isa sa state-owned defense manufacturing and exporting firms ng China. Aalamin ni Lorezana ang mga pangangaila-ngan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngunit ipinahiwatig niya na maaaring ito’y “airplanes, drones, fast boats.” Gagamitin aniya …

Read More »

Filipino ID lusot na sa Kamara

PASADO na sa House Committee on Population and Family Relations ang Substitute Bill ng National ID system na Filipino ID. Ayon sa chairman ng komite na si Laguna Rep. Sol Aragones, long overdue na ang panukalang batas at kailangang-kai-langan na ito ng mga Filipino para sa mga transaksiyon sa gobyerno at sa pribadong tanggapan. “Simple lang ang nilalaman nito para …

Read More »

Tiamzon couple sinundan ng riding in tandem (Makaraan makipagpulong kay Digong)

INIHAYAG ng National Democratic Front, ang kanilang consultants, ang mag-asawang sina Benito at Wilma Tiamzon, ay sinundan ng isang grupo ng kalalakihan makaraan makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang nitong nakaraang linggo. Sinabi ni NDFP peace panel chair Fidel Agcaoili, makaraan makipagpulong kay Duterte, pinuntahan ng mag-asawang Tiamzon ang Lapanday farmers na nagtipon-tipon sa Don Chino Roces Bridge (dating …

Read More »

PCG officers ipinadala sa China

IPINADALA ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 20 nilang tauhan sa China para sa dalawang linggong pagsasanay, sa pamumuno ng Chinese Coast Guard. Ang pagsasanay na isasagawa sa Ningbo City, Zheijang province, ay gagawin mula 4-20 Mayo. Kalahati ng PCG men na ipinadala sa China ay legal officers na dadalo sa China-Philippine Coast Guard Legal Affairs seminar. Habang ang kalahati …

Read More »

Relasyong Ph-China pinuri ni Putin (3-4 taon paglilinis hiniling ni Duterte)

HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na bigyan siya ng tatlo hanggang apat taon upang malutas ang mga problema sa graft, korupsiyon, at illegal drugs sa bansa. Sa kanyang talumpati sa libo-libong OFWs sa Hong Kong kamakalawa, tiniyak ng Pangulo na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat upang maengganyo ang Filipino professionals na …

Read More »

ASEAN Youth iligtas sa illegal drugs — Duterte

  HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ASEAN leaders na mamuhunan sa kabataan upang mai-layo sila sa banta ng illegal drugs. Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng World Economic Forum (WEF) on ASEAN sa Phnom Penh, Cambodia kahapon, pinuri ng Pangulo ang potensiyalidad ng mga kabataan sa rehiyon kaya dapat silang suportahan upang mapatampok ang kanilang kakayahan, karunungan at iiwas …

Read More »

Tiniyak ng Palasyo: Teroristang papasok bibiguin ng intel

MAHIGPIT ang pagbabantay ng intelligence community sa bansa para mapigilan ang pagpasok ng terorista. Ito ang tiniyak kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., kasunod ng ulat na nakitang pumasok sa bansa ang Indonesian terrorist, kasama si Abu Sayyaf Group (ASG) leader Isnilon Hapilon, at isa pang Indonesian ang sumapi sa Maute Group. Tiniyak ni Esperon, katuwang ng Filipinas …

Read More »

‘Utak’ ng pork barrel scam dapat ituro ni Napoles (Para maging state witness)

BINIGYANG-DIIN ni Senador Francis “Chiz” Escudero, hindi maaaring kunin bilang isang state witness agad-agad si pork barrel queen Janet Napoles kaugnay sa isyu ng Disbursement Acceleration Funds (DAF), na imbes mapunta sa mga makabuluhang proyekto ang naturang pondo ay napunta lamang sa bulsa ng ilang mga politiko at kanilang mga kasabwat. Ayon kay Escudero, isa sa pangunahing dahilan para maaproba-han …

Read More »

Bitag ni Soros ‘di kinagat ni Duterte (I hear the idiot, another idiot in this planet — Digong)

BOKYA ang inilalatag na bitag ni American-Hungarian billionaire George Soros laban kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ipa-convict siya sa International Criminal Court (ICC) sa pagpapalutang na walang masamang epekto ang shabu kaya mga inosente ang biktima ng kanyang drug war sa pamamagitan ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard. Sa panayam sa Pa-ngulo sa NAIA Terminal 2 bago umalis patungong …

Read More »

2 NBI agents ‘pinagpahinga’ ni Sec. Aguirre (Nasa payola ni Atong Ang)

ITINAPON sa ‘kangkongan’ ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, ang dalawang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), sinasabing kabilang sa tumatanggap ng payola mula sa kilalang bigtime gambling lord na si Charlie “Atong” Ang. Pahayag ng kalihim, may nakalap silang matibay na ebidensya, nagpapatunay na kasama ang dalawang ahente ng NBI sa protection racket kay Ang. …

Read More »

Minorya hati sa impeachment vs Morales

HATI ang paninindigan at opinyon ng dalawang opisyal sa minorya kung susuportahan o hindi ang nakaambang impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Tindig ni Minority Leader Danilo Suarez, naghihintay lamang siya ng kongresista na mag-eendoso sa reklamo at agad niya itong susuportahan. “Iyong kay Ombudsman, kapag may nag-file na isang kongresista, kasi magmi-meeting na kami sa Monday I will …

Read More »

Medialdea OIC habang wala si Duterte

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si  Executive Secretary Salvador Medialdea bilang Officer-in-Charge ng bansa mula 15-16 Mayo dahil nasa official visit si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cambodia, Hong Kong at China hanggang 17 Mayo. Habang mula 11-14 Mayo, ang binuong Careta-ker Committee na kasama sina Department of Justice Secretary Vitaliano N. Aguirre II, Department of Environment and Natural Resources (DENR) …

Read More »

Año ‘di sana matulad kay Lopez — Trillanes

UMAASA si Senador Antonio Trillanes, hindi matutulad si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Año kay dating Environment Secretary Gina Lopez, na aniya ay inilaglag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay makaraan iha-yag ng Pangulo na kanya nang nilagdaan ang appointment paper ni Año bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), bago …

Read More »

‘Military junta’ buo na — Digong

HINDI na kailangang maglunsad ng kudeta ang militar dahil umiiral na ang ‘military junta’ sa kanyang gabinete. “May isang bakante pa, madagdagan ko pa ng isang military, kompleto na iyong junta natin. Hindi na sila kailangan mag-kudeta. Nandiyan na kayo ngayon ha, ako pagod na ako,” pabirong sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ianunsiyo kahapon ang pagpili kay Armed Forces …

Read More »

UN kinontra ni Callamard — PAO chief

BALIKTAD ang paniniwala ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard sa report ng United Nations Office on Drugs and Crime, na ang shabu ay mapanganib sa kalusugan at isip at sanhi ng pagiging bayolente ng gumagamit. Ito ang buwelta ng Palasyo sa pahayag ni Callamard kamakailan, na ang paggamit ng shabu ay hindi nagdudulot ng pinsala sa utak at hindi sanhi …

Read More »

Seguridad hirit ng Muslim sa Quiapo (Sa pagsapit ng Ramadan)

HINILING ng mga residenteng Muslim sa Quiapo, Maynila, sa pulisya ang dagdag seguridad lalo na’t magsisimula na ang Ramadam sa 26 Mayo. Ito ay dahil matin-ding takot pa rin ang nararamdaman ng mga Muslim sa naturang lugar dahil sa magkakasunod na pagsabog na ikinamatay ng dalawang sibilyan. Nangangamba ang mga Muslim, baka dahil sa takot ay walang mag-enrol na mga …

Read More »

Hudikaturang corrupt sagka sa repormang agraryo

SAGKA sa implementasyon ng repormang agraryo ang korupsiyon sa hudikatura. Sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa camp-out sa Mendiola ng mga magbubukid mula sa Madaum Agrarian Reform Beneficiaries Inc. (MARBAI) sa Lapanday Foods Corp. kahapon, nanawagan siya sa mga korte na huwag gawing bisyo ang pagla-labas ng temporary restraining order (TRO) para pigilan ang pagpapatupad ng agrarian reform, kapalit …

Read More »

Magulang isabit sa kaso ng minor offender — Solon

MAS pabor ang isang mambabatas na isama sa kaso ang mga magulang o guardian ng isang minor offender kaysa pababain ang minimum age ng criminal liability sa 9-anyos o 12-anyos. Ayon kay Rep. Jose Panganiban, parusahan ang mga magulang o guardian ng batang masasangkot sa krimen, pati na rin ang mga taong gumagamit sa kanila. “Personally, instead of lowering the …

Read More »

Imelda Marcos: Buhay pa ako

Imelda Marcos

PERSONAL na nagpakita si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa mababang kapulungan ng Kongreso, kasunod ng mga ulat hinggil sa kanyang pagkamatay. Kabilang si Marcos sa mga unang dumating sa plenary session kahapon. “Eto, buhay pa. Ganoon pa rin. Eto, nakakapasok pa ‘ko sa Congress saka nangunguna kami,” pahayag niya sa mga reporter. Nang …

Read More »

Cimatu bagong DENR secretary

NANUMPA kay Pangulong Rodrigo Duterte si retired military general Roy Cimatu kahapon, bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kapalit ni Gina Lopez. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, si Cimatu ay dating Special Envoy of the President to the Countries in the Middle East. Kompiyansa aniya ang Palasyo na tapat na manunungkulan si Cimatu para …

Read More »