Tuesday , July 5 2022

Paa ipinaputol ng saleslady para makaligtas (Sa gumuhong Chuzon Supermarket)

PINILI ng isang 25-anyos babae na ipaputol ang kani­yang paa upang makaligtas mula sa pagkakaipit sa gumuhong Chuzon Super­market sa bayan ng Lubao sa lalawigan ng Pampanga sanhi ng magnitude 6.1 lindol kamakalawa, Lunes, 22 Abril.

Tatlong oras nakulong sa loob ng gusali ng Chuzon Supermarket si Maria Martin, kung saan siya ay dalawang taon nang nagtatrabaho bilang tindera ng cellphone.

Nabatid na hindi agad siya nakalabas ng gusali nang lumindol dahil naipit ang kaniyang paa ng mga bumagsak na concrete debris.

Kuwento ni Martin, puputulin na sana niya ang sariling paa, gamit ang nakita niyang tila isang kutsilyo upang makaalis mula sa pagkakaipit sa gumuhong gusali.

Natagpuan ng mga rescuer sa ground floor si Martin na agad sinalinan ng dugo ng mga nagres­pon­deng doktor sa mismong site dahil sa duguang ulo.

Pumayag umano si Martin na putulin ng mga nag­respondeng doctor ang kaniyang kanang paa mula tuhod upang mailabas siya mula sa gusali.

Aniya, para sa kaniyang pamilya at sa kaniyang buhay kaya pumayag siyang putulin na lang ang naipit na paa.

Muling dadaan sa isang sa operasyon si Martin upang matiyak ang kalig­tasan sa naputol na paa.

“Kung ‘di kasi puputulin ang paa doon siguro tining­nan nila ‘yung viability ng leg na nakaipit, baka lumala pa ‘yung injury niya. So we need to extricate,” ani Dr. Monserrat Chichioco, medical center chief ng Jose B. Lingad Memorial Hospital.

Isa si Martin sa 16 ka­tao na pawang biktima ng lindol na isinugod sa natu­rang pagamutan.

May mga itinalagang trauma rooms ang ospital kung saan dadalhin ang lahat ng mga naging biktima sa lindol.

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …

Leave a Reply