Sunday , September 29 2024

Masonry Layout

Atas ni Digong sa labor groups: Borador ng executive order vs ENDO balangkasin

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labor groups na magbalangkas ng borador ng executive order, na magbabawal sa kontraktuwalisasyon bilang paraan ng pagkuha ng empleyado ng mga kompanya. Layunin ni Pangulong Duterte na tuldukan ang sakit sa ulo ng mga uring manggagawa na ENDO o end of contract, na ginagamit na sistema ng mga kapitalista upang makaiwas sa pagsunod sa …

Read More »

Tanong ng whistleblowers: P8-M ni Robredo galing kanino?

INOBLIGA kahapon ng Whistleblowers Association of the Philippines (WAP) si Bise Presidente Leni Robredo na isapubliko ang tunay na pinag-kuhaan ng P8 milyon na kanyang ipinambayad sa Korte Suprema bilang cash deposit sa counter protest na isinampa niya sa poll complaint ni da-ting Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Si Robredo ay naghabol kahapon ng umaga sa limang araw na palugit …

Read More »

Ilegal ‘di beybi kay Duterte — Aguirre

TINIYAK ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi kailanman kokonsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gawaing ilegal sa kanyang administrasyon. “I believe that PRRD will not tolerate any illegal act,” giit ng Kalihim sa naging mahigpit  na direktiba ng Pangulo laban sa mga ilegal na gawain. Kaugnay nito, binalaan ni Aguirre ang mga patuloy na lumilinya sa ilegal na …

Read More »

P4+ rollback sa LPG ipinatupad

oil lpg money

EPEKTIBO ang rollback sa presyo ng kada kilo ng li-quefied petroleum gas (LPG) dakong 12:01 am kahapon. Ang kompanyang Pet-ron ay may rollback na P4.85  sa kada kilo ng karaniwang gasul at Fiesta Gas o katumbas ng P53.35 sa kada tangke, may bigat na 11 kgs. Papalo sa P2.73 ang rollback sa kada litro ng extreme auto LPG, ang Solane …

Read More »

Pagdurog sa Abu Sayyaf ‘di aabot ng 6-buwan

NAGBABALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa teroristang grupong Abu Sayyaf, na kayang buwagin ng militar ang kanilang puwersa bago pa man matapos ang anim buwan deadline. Naniniwala si AFP chief General Eduardo Año, ang pagkamatay ni Abu Sayyaf sub-leader Alhabsy Misaya ay malaking bagay para tuluyang matalo ang puwersa ng teroristang grupo. Ayon kay Año, si Mi-saya …

Read More »

De Lima dinalaw ng alyadong senador sa PNP detention cell

PERSONAL na dinalaw ng mga kasamahang senador na kanyang alyado, si Sen. Leila de Lima sa detention facility sa Camp Crame, Quezon City. Kabilang sa mga bumisita kay De Lima sina Sen. Antonio Trillanes IV, at Sen. Kiko Pangilinan, habang sumunod sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, at Sen. Risa Hontiveros. Ilan sa sinasabing napag-usapan sa kanilang pagpupulong ang tungkol …

Read More »

DoLE building nirapido (Sa Araw ng Paggawa)

PINAULANAN ng bala ng hindi nakilalang armadong kalalakihan ang punong tanggapan ng Department of Labor and Employment (DoLE) kasabay ng Labor Day, sa Intramuros, Maynila, kahapon ng madaling araw. Ayon ka MPD PS5 chief, Supt. Emery Abating, dakong 4:15 am nang pagbabarilin ng mga suspek ang DoLE main building sa Muralla Drive kanto ng Gen. Luna St. sa Intramuros. Sa …

Read More »

Washington dumipensa sa imbitasyon ni Trump kay Duterte

WASHINGTON – Ipinaliwanag ng Washington ang intensiyon ng pag-imbita ni US Pres. Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa White House. Magugunitang makaraan ang ASEAN Leaders’ Summit nitong Sabado, nagsagawa ng ‘friendly call’ kay Pangulong Duterte si Trump at tinalakay ang anti-drug war ng Filipinas at alyansa ng dalawang bansa. Sinabi ni White House chief of staff Reince …

Read More »

Pope Francis: 3rd country dapat mamagitan sa US vs North Korea

DAPAT may mamagitan na third country sa papainit na iringan ng North Korea at US na posibleng humantong sa nuclear war at magdudulot ng delubyo sa sanlibutan. Sinabi ni Pope Francis kamakalawa, nakahanda siyang makipagkita kay US President Donald Trump sa Europe sa su-sunod na buwan. Kailangan aniyang muling igiit ng United Nations ang liderato sa mundo dahil naging ‘malamya’ …

Read More »

Digong psywar at ‘geopolitics’ consultant ni Trump

NAPABILIB ni Pangulong Rodrigo Duterte si US President Donald Trump sa husay niya sa psywar at ‘geopolitics.’ Nang mag-usap ang dalawang leader nitong Sabado ng gabi, ipinayo ni Duterte kay Trump na huwag sindakin si North Korean President Kim Jong-un dahil hindi niya mayayanig sa kanyang firepower. Ikinuwento ni Pangulong Duterte, sinabi niya kay Trump na ang wastong diskarte upang …

Read More »

50,000 contractual employees nabigyan ng regular position – Bello

TINATAYANG 50,000 contractual employees ang nabigyan ng re-gular na posisyon sa ilalim ng Duterte administration. Pagmamalaki ito ni Labor Sec. Silvestre Bello sa Araw ng Paggawa kahapon. Aniya, karamihan sa mga manggagawang nabigyan ng regular na posisyon ay mula sa mga kompanyang tumugon sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa “endo” o kontraktuwalisasyon. Samantala, dahil kulang umano ang inspector …

Read More »

Iskuwater dumami sa endo

LUMOBO ang bilang ng mga maralitang lungsod dahil binansot ng kontraktuwalisasyon ang kita ng milyon-milyong manggagawa sa buong bansa. “Contractualization has stunted the salaries of millions of workers around the country. With rising prices of basic commodities, they have no hope of economic relief for as long as endo practices continue to remain in place,” anang Labor Day Message ni …

Read More »

10.4-M Pinoys jobless

TINATAYANG 10.4 milyong Filipino ang nanatiling walang trabaho sa unang quarter ng 2017, ayon sa inilabas na resulta ng opinion poll, kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa unang Labor Day sa ilalim ng admi-nistrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon din sa nasabing survey ng Social Weather Stations (SWS), isinagawa mula 25 hanggang 28 ng Marso, bumaba ang “net optimism” sa …

Read More »

Makabuluhang papel ng obrero kinilala ng Palasyo

KINILALA ng Palasyo ang mahalagang papel ng mga manggagawang Filipino sa pag-iral ng makatao, makabayan at makatarungang lipunan. “Malaki ang papel na ginagampanan ng mga manggagawang Filipino sa pagsulong ng mga karapatan para sa maka-taong pamamalakad, sapat na sahod, organisadong pagkilos kasama ang kolektibong pakikipagkasundo, pagbuo ng unyon at kalayaang magpahayag ng saloobin. Kinikilala ng ating pamahalaan ang mga karapatang …

Read More »

Kilos protesta humugos sa kalsada (Obrero bigo sa unang Labor Day ni Digong )

SINALUBONG ng mga manggagawa ng kilos-protesta ang pagdiriwang ng Labor Day sa Filipinas. Tinatayang 2,300 miyembro ng urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang nagmartsa patungong Welcome Rotonda mula Agham Road sa Quezon City. Bitbit ng nasabing grupo ang volture na effigy na may disenyong inihalintulad sa watawat ng Estados Unidos. Ayon sa Kadamay, hiling nila sa …

Read More »

Big time oil price rollback sa Martes

oil gas price

PAPALO sa P1 ang rollback ng produktong petrolyo sa Martes. Ayon sa energy sources, maglalaro sa P0.90 hanggang P1 ang bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene. Ang gasolina ay may mas mababang rollback na aabot sa P0.70 hanggang P0.80 kada litro. Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment sa araw ng Martes.

Read More »

NCRPO walang bilib sa pag-ako ng ISIS ( STF sa Quiapo bombing binuo)

KINONTRA ng Philippine National Police (PNP) ang pag-ako ng teroristang ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa pagpapasabog sa isang peryahan na ikinasugat ng 14-katao sa Quiapo Maynila, nitong Bi-yernes ng gabi. Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO), walang basehan at walang makapagtuturo na ang teroristang ISIS ang nasa likod ng pagpapasabog sa isang lugar sa Maynila. …

Read More »

Pulis patay sa atake ng NPA, 2 nasagip (Sa Quirino province)

dead gun police

CAUAYAN CITY – Kompirmadong isang pulis ang namatay sa pagsalakay ng New People’s Army (NPA) sa Maddela Police Station sa Quirino Province, kamakalawa ng gabi. Nabatid na “dead on arrival” sa Maddela District Hospital ang pulis na si PO2 Jerome Cardenas. Nasagip ang dalawang pulis na unang napabalita na dinukot ng rebeldeng grupo. Ngunit inilinaw ng NPA, hindi nila dinukot …

Read More »

Bading sinaksak ng tatlong kelot na nabitin sa sex (Limang lalaki hindi kinaya)

knife saksak

KORONADAL CITY – Masusing iniimbestigahan ng Koronadal City PNP ang insidente ng pagsaksak sa isang myembro ng LGBT sa lungsod ng Koronadal, kamakalawa. Kinilala ang biktimang sa alyas na Christopher, 24, residente sa Brgy. GPS sa lungsod ng Koronadal. Ayon sa pulisya ang biktima ay nakipagkita sa kanyang textmate kasama ang apat pang lalaki. Agad sumama ang biktma sa limang …

Read More »

Bombero nagpaputok ng baril sa sunog

TATLONG lalaki ang sugatan nang magpaputok ng baril ang isang bombero habang may nagaganap na sunog sa Juan Luna St., Gagalangin, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Base sa ulat ni Senior Fire Officer 2 (SFO2) Edilberto Cruz sa Manila Police District (MPD), naganap ang sunog dakong 11:45 pm at naapula dakong 12:47 am at natupok ang dalawang palapag ng commercial …

Read More »

Bebot tumawid sa riles sapol ng PNR train (May kahuntahan sa cellphone)

train rail riles

NALASOG ang katawan at halos hindi na makilala ang isang parlorista makaraang masagasaan at makaladkad ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni S/Insp. Arnold Sandoval ng Manila District-Traffic Enforcement Unit (MD-TEU), ang biktimang si Marvic dela Cruz, 34, ng Phase 5, Block 15, Lot 37, Towerville, Minuyan Proper, San Jose Del …

Read More »

Agham road sinakop ng Kadamay

LIBO-LIBONG mga miyembro ng urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang lumatag at inokupahan ang Agham Road sa Quezon City bilang paghahanda sa kilos protesta sa Labor Day. Sinabi ni Carlito Badion, secretary general ng Kadamay, nasa 5,000 miyembro ang nagtipon-tipon sa northbound lane ng Agham Road. Nabatid sa ulat, sini-mulan okupahin ng mga miyembro ng Kadamay …

Read More »

Duterte kay Trump: Pasensiya sa NoKor habaan

SA media interview kay Duterte sa pagtatapos ng ASEAN Leaders’ Summit kamakalawa ng gabi, inihayag niya na ihihirit niya kay Trump na habaan ang pasensiya kay North Korean leader Kim Jong-un, lalo na’t naghahanap ito ng damay sa layunin na mag-lunsad ng nuclear war u-pang magunaw ang mundo. “Do not play into his hands. The guy simply wants to end …

Read More »

Sa Chairman’s statement: Southeast Asia gawing nuke free

SA inilabas na Chairman’s statement ni Duterte bilang ASEAN chairman ngayong taon, nakasaad ang napagkasunduan na malagdaan ang Southeast Asia Nuclear Weapon-Free Zone Treaty (SEANWFZ). Binigyan-diin dito ang komitment ng ASEAN, ang pagbabawal sa rehi-yong Southeast Asia sa nuclear weapons at weapons of mass destruction. “We noted the Philippines’ hosting of a Working Group meeting of the SEANWFZ Executive Committee …

Read More »