Friday , June 2 2023
arrest posas

Gustong bumili ng bahay… Sekyung nangholdap ng binabantayang banko kalaboso

IMBES makabili ng bahay, naghi­himas ng malamig na rehas sa kulungan ang isang security guard na nabigong holdapin ang binabantayng banko sa lungsod ng Sta. Rosa, lalawigan ng Lagu­na, nitong Lunes ng umaga, 7 Oktubre.

Sa ulat ng pulisya, kabubu­kas ng Prestige Bank pasado 9:00 am, nang magdeklara ng holdap ang guwardiyang kinila­lang si Romeo Dimaano Jr., 34 anyos, at inutusan ang mga teller na ilagay sa kaniyang bag ang mga salapi.

Ayon kay P/Lt. Col. Eugene Orate, Sta. Rosa police chief, inakala ng mga teller na nagbibiro ang suspek ngunit napagtanto nilang seryoso si Dimaano nang tutukan sila ng baril.

Dagdag ni Orate, nalinlang ng isa sa mga teller si Dimaano nang sabihing magpunta sa mas malapit sa vault kaya nakatakas ang isang teller at nakahingi ng tulong sa labas.

Nang dumating ang mga pulis, nakita nilang nasa baldosa na si Dimaano at nadisarmahan ng mga empleyado sa banko.

Walang nasaktan sa insiden­te ngunit nakaranas ng trauma ang mga empleyado, ayon sa pulisya.

Habang nasa inquest, sinabi ni Orate na halatang ninener­bi­yos si Dimaano at nang tanungin kung bakit niya ginawang pag­nakawan ang binabantayang banko, sumagot ang suspek na kailangan niya ng pera upang makabili ng bahay ngunit siya’y nabulilyaso.

 

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *