Saturday , July 27 2024

Sa Las Piñas… DOH, Villar nanguna sa pagbubukas ng drug rehab center

PINASINAYAAN at pinangunahan nina Senadora Cynthia Villar at ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque  ang pagbubukas ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa  Barangay Ilaya, Las Piñas City.

Ang naturang pasilidad ay mayroong dalawang palapag para sa mga babaeng occupants na maaaring makinabang ang 86 pasyente at isa pang tatlong palapag na gusali na mapapakibanagan ng 158 lalaking pasyente.

Muling ipinaayos ng pamilya Villar ang nasabing gusali na dating ginagamit ng Vice Mayors League of the Philippines at  Provincial Board Members League of the Philippines at sa huli ay ginawang rehabilitation center.

Bilang kapalit, nagpatayo rin ng dalawang tig-tatlong palapag na gusali ang pamilya Villar para sa vice mayors league at board members league.

“Ang rehab center ay bahagi ng aming kontribusyon at pakikiisa sa kasalukuyang administrasyon sa kampanya nito laban sa ilegal na droga. Through this facility, we can now have a place in Las Piñas and neighboring cities to transform drug-dependent individuals into fully responsible and productive members of our society,” ani Villar .

Sina Villar at Duque ay sinamahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Ricojudge Janvier Echiverri ng Inter-Agency Task Force.

Magugunitang ang naturang rehab center ay binuksan noong Disyembre bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni dating Senate President Manny Villar na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang guest of honor.

Ang drug rehab facility ay dating pag-aari ng Philippine Reclamation Authority (PEA) at binili ng DOH sa pamamagitan ng kanilang 2018 budget. Mayroon itong isolation room, doctor’s room, at laboratory room. Matatagpuan din ang Z kitchen area at dining area na maaaring gamitin bilang seminar area.

Bukod sa drug rehab center, ang Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) ay mag-aalok ng farm schools para magkaroon ng training programs  para sa mga susuko.

Sila ay maaaring sumailalim sa 12-week training program ukol sa kaalaman sa pagsasaka bilang alternatibong pagkakakitaan kapag nasa labas na ng center.

Ang soft opening ay dinaluhan din ng iba pang mga kinatawan mula sa DOH, DILG, ni Mayor Mel Aguilar at ng Las Piñas council at barangay officials. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *