Thursday , January 27 2022

Paliwanag sa “One-time, big-time” oil price hike hiningi… DOE nagbanta vs oil companies

POSIBLENG masam­pahan ng kaso ang mga kompanya ng langis at matanggalan ng certi­ficates of compliance kapag hindi nabigyang katuwiran sa loob ng tat­long araw ang ipinatupad na “one-time, big-time” oil price hike.

Sinabi ni Energy Assistant Secretary Bodie Pulido, pinadalhan ng “show-cause order” ng Department of Energy (DOE) ang mga kompan­ya ng langis para pag­paliwanagin kung bakit nagpataw ng “one-time, big-time” oil price hike noong isang linggo.

Ito ay kahit may dati silang reserba at hindi pa naman nakaapekto sa presyo ang “drone attack” sa oil refineries ng Saudi Aramco kama­kailan.

Bukod dito, pinag­papaliwanag din ng DOE ang mga kompanya ng langis kung bakit kulang ang ipinatupad nilang bawas-presyo o rollback sa petrolyo ngayong linggo.

Magugunitang P2.35 kada litro ang ipinataw na price adjustment sa gasolina dahil sa “drone attack” noong isang buwan habang P1.80 kada litro ang ipinatong sa diesel.

Mas mataas nang P0.22 ang itinaas sa presyo ng gasolina ng mga kompaniya ng langis habang P0.60 sa presyo ng diesel.

Sa kaso ng liquified petroleum gas (LPG), gusto rin marinig ng DOE ang paliwanag ng LPG retailers kung bakit mababa ang ipinatupad na price rollback mula sa sinabi nilang halaga ng taas ng presyo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

HATAW News Team KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na …

Sa ‘Landbank theft’
SANLINGGO ULTIMATUM NG TEACHERS SA DEPED

ni ROSE NOVENARIO             ISANG linggo ang ibinigay na ultimatum ng mga guro sa Department of …

Bongbong Marcos

Mariing itinanggi BBM: Walang ‘Tallano gold’

MARIING itinanggi ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang sinasabing Tallano gold sa gitna …

Money Thief

Pera ng teachers, nawala rin
PALACE OFFICIAL P.2-M NASIMOT SA GOV’T BANK

ni Rose Novenario TALIWAS sa slogan ng Land Bank of the Philippines (LBP) na “We …

Bobby Estrella

Mr. Malasakit KON.BOBBY ESTRELLA

MULA sa pagiging Punong Barangay ng Pulong Gubat, Balagtas, Bulacan ay tinahak niya ang landas …

Leave a Reply