Thursday , June 4 2026

Kalalaya sa nilabag na City Ordinance… Chinese national muling naaresto dahil sa mabahong kuwarto sa hotel

ISANG Chinese national na kalalaya pa lamang sa detention cell, ang muling dinakip ng mga awtoridad nang marekober ang ilang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga bala ng baril sa inuupahang kuwarto sa isang hotel sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Yin Xuan Sun, 22, office staff, residente sa Chengdu, Sichuan, China.

Base sa ulat ni Pasay City police chief Col. Bernard Yang, dakong 8:30 pm nang madiskubre ang pitong pakete ng umano’y shabu at 21 pirasong bala sa loob ng isang Armscor box, sa hotel na matatagpuan sa F.B. Harrison Ext., Barangay 75, Zone 10, Pasay City.

Nauna rito, humingi ng police assistance ang staff ng hotel sa Police Community Precinct (PCP) Baclaran kaugnay ng umaalingasaw na mabahong amoy mula sa Room 344.

Pagdating ng mga pulis, agad nagtungo sa nasabing kuwarto kasama ang ilang staff, dito nadiskubre ang mga nabubulok na pagkain at nagkalat na plastic sachets ng shabu at isang kahon ng bala ng baril.

Sa record, ang suspek na si Sun, nagrerenta sa nasabing kuwarto ay dinakip nitong Sabado, dakong 10:00 pm, dahil sa paglabag sa City Ordinance 6012 (Smoking in Public Place) at RA 10591 (Comprehensive Firearm and Ammu­ni­tions Law) sa Taft Avenue Ext., Bgy. 78, Zone 16 sa nasabing lungsod.

Nakompiska sa dayu­han ang isang unit ng Llama caliber 7.65 mm na may serial number 11669, may kasamang magazine at tatlong bala.

Iniimbestigahan ang suspek sa tanggapan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) at naka­takdang sampahan ng dagdag na kasong  paglabag sa RA 9165 at RA 10591.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …