Thursday , June 4 2026
bong revilla jr

Bong isusulong pa rin, pagpapababa ng edad ng senior citizen

BAGO kinasuhan at nakulong sa pandaram­bong, isa sa mga isinusulong na batas ni Senator Bong Revilla ay babaan ang edad para maging kuwalipikado bilang isang senior citizen.

Tulad ng alam ng marami, sisenta o 60 years old dapat ang sinuman bago ito ganap na maging senior citizen, kalakip ang ilang pribilehiyo mula sa gobyerno.

Before getting jailed, ipinanukala ni Bong na gawing 55 years old ang senior citizen.

Pero nang mapiit sa PNP Custodial Center, hindi na umusad ang bill.

Ngayon ngang naka­balik na siya ay binuhay muli ni Bong ang bill na siya ang may-akda. Hindi man 55 pero nais niyang igiit ang 56 na edad.

Isang taong dif­fe­rence isn’t bad at all.

Aniya, bibihira na sa panahon ngayon ang uma­abot ng 60 taon, which is true naman dahil na rin sa lifestyle ng ibang tao na karaniwang nagi­ging sanhi ng pagkakaroon nila ng karamdaman.

Personally ay ikinatu­tuwa namin ang hakbang na ito dahil pasok na kami kung age category ang pag-uusapan. Lampas pa ng isang taon!

Maging ito’y mahalaga rin mismo kay Bong who recently turned 53. Imagine, tatlong taon mula ngayon ay siya mismo ang makikinabang sa sarili niyang batas?

But what do Bong and his ilk need it for pa ba? Habol pa ba nila ang 20 porsiyentong diskuwento sa halos lahat ng bagay?

And that includes ‘yung mga mayayamang politiko na rin. No pun intended.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …