UMABOT sa 23 hinihinalang drug users ang napatay sa magkakahiwalay na anti-drug operations ng pulisya ng Bulacan, mula nitong Lunes ng gabi hanggang kahapon ng umaga. Kabilang sa mga napatay ay kinilala sa mga alyas na Egoy, Tom, Enan, Justin, Berth, Alvin, Chris, Jerom, Yayot, Allan Tato, Arnold, Willy, Jeffrey, Eugene, Macoy at Pugeng Manyak. Ayon kay Senior Supt. Romeo …
Read More »Masonry Layout
Pinatalsik na Liga prexy itinalaga sa HUDCC (Anak ni Joey Marquez)
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jeremy Marquez, anak ng aktor at dating Parañaque City Mayor, na si Joey Marquez, bilang deputy secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council. Nilagdaan ni Duterte ang appointment paper ni Jeremy nitong 10 Agosto 2017. Nagsilbing barangay captain ng BF Homes sa Parañaque City nang tatlong termino si Jeremy ngunit pinatalsik bilang …
Read More »Impeach raps vs komolek na Comelec chief aprub kay Duterte
SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ano mang hakbang, maging ang pagsasampa ng kasong impeachment, na magpupurga sa burukrasya at wawalis sa korupsiyon. “Without making references to any particular individual, the President, of course, is highly supportive of all moves that will set the house, the Philippine government in order,” tugon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella nang tanungin ng media …
Read More »4 hepe ng pulis sa Calabarzon sinibak ni Bato sa illegal gambling
SINIBAK sa puwesto ang apat na hepe ng pulisya sa Calabarzon dahil sa kabiguang masugpo ang ilegal na sugal sa kanilang nasasakupang lugar. Tanggal sa puwesto sina Supt. Zeric Soriano ng San Pedro City; Supt. Carlos Barde ng Sto. Tomas, Batangas; Supt. Giovanni Zibalo ng Lipa City, at Supt. Ronan Claraval ng San Pablo City. Ayon kay Chief Supt. Mao …
Read More »Maute hostages gagamiting suicide bombers (Kinondena ng Palasyo)
MARIING kinondena ng Palasyo ang desperadong hakbang ng teroristang Maute Group na gamitin ang kanilang mga bihag bilang suicide bombers kapag nakorner ng mga tropa ng pamahalaan sa kanilang kuta sa Marawi City. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakatanggap ng ulat ang Malacañang mula sa mga nakatakas na hostage na binabalak ng mga terorista na gawing suicide bombers ang …
Read More »Maintenance worker naipit sa elevator, ‘di nakaligtas
PATAY ang isang building maintenance worker nang maipit sa kinukumpuning service elevator sa isang condominium sa Parañaque City, kamakalawa . Binawian ng buhay ang biktimang si Henry Villafranca y Escalante, 53, may asawa, ng Block D-11, Lot 3, Brgy. San Andres 2, Dasmariñas, Cavite, dahil sa matinding bali sa tadyang, mga sugat sa katawan at ulo makaraan maipit sa elevator. …
Read More »83-anyos lolo, bebot nakompiskahan ng bala sa NAIA
NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang ilang bala ng baril mula sa isang 83-anyos lolo, at isang babae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nitong Linggo. Unang nakuhaan ng bala sa bulsa ang senior citizen na si Bencaben Tomacas nang dumaan sa x-ray machine ng NAIA. Pasahero siya ng Cebu Pacific at biyaheng Cagayan de Oro. Samantala, maghahatid ng pasahero si …
Read More »Dalagitang nakipiyesta hinalay, pinatay
LIBON, Albay – Hinihinalang ginahasa ang isang 17-anyos dalagita makaraan matagpuang hubo’t hubad sa isang abandonadong bahay sa bayang ito, nitong Sabado ng hapon. Ayon sa ama ng biktima, Biyernes ng hapon nang magpaalam ang anak na makikipiyesta sa Brgy. Salvacion, ngunit hindi na nakauwi. Sa parehong barangay nakita ang biktima na wala nang buhay, nakahubad at may mga sugat …
Read More »‘Tirador’ ng GF ng utol muling nanghalay ng 16-anyos kolehiyala
NAGREKLAMO sa mga awtoridad ang isang 16-anyos dalagita na sinasabing hinalay ng kapatid ng kanyang nobyo sa San Antonio, Parañaque City, nitong Sabado. Salaysay ng biktimang kolehiyala, natutulog siya sa bahay ng nobyo nang mangyari ang insidente. Magkatabi aniya siya at kanyang kasintahan sa itaas ng double deck na kama habang nasa baba naman ang 24-anyos suspek. Bumaba aniya ang …
Read More »Panawagan ng Palasyo: Maging kalmado sa bantang atake ng NoKor sa US
NANAWAGAN ang Palasyo na maging mahinahon sa harap ng bantang pag-atake ng North Korea. “The Philippines reiterates its call for continued exercise of self-restraint in order to de-escalate the tension and to refrain from actions that may aggravate the situation on the Korean Peninsula,” ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella. Tinututukan aniya ng Philippine Embassy sa Seoul at ang Consulate …
Read More »Banta ng DDS netizen sa reporter inalmahan ng PTFMS
PUMALAG si Presidential Task Force on Media Security chief Joel Egco sa pagbabanta ng isang netizen na umano’y Duterte Diehard Supporter (DDS) sa isang TV reporter sa isyu ng accreditation ng Palasyo sa bloggers para makapag-cover sa mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Sa post sa Facebook, nagbabala si Egco kay Guillermo Alciso na pananagutin kapag may masamang nangyari …
Read More »Migratory birds layuan (Iwas bird flu) — DENR
PINAIIWAS ng Department of Environment and Natural Resources – Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) ang publiko sa paglapit o pagkakaroon ng ‘kontak’ sa migratory birds, o mga ibong dumarayo sa bansa mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Pinangangambahan na nagmula sa migratory birds ang kasalukuyang bird flu outbreak sa Pampanga kaugnay ng paalalang nabanggit. Ani DENR-BMB Director Mundita Lim, lalong …
Read More »Honasan nagpiyansa (Sa Kasong graft)
NAGHAIN ng piyansa si Senador Gringo Honasan sa isang korte sa Biñan, Laguna nitong Biyernes, makaraan siyang makasuhan ng graft kaugnay ng sinasabing iregularidad sa paggamit ng kanyang pork barrel funds. Nauna nang sumuko si Honasan sa Biñan City police sa Laguna makaraan magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan kaugnay ng nasabing kinahaharap niyang kaso. Makaraan iproseso at kuhaan …
Read More »Batangas niyanig ng 6.3 lindol (Naramdaman sa Metro Manila); 8 paaralan nagsuspendi ng klase
NIYANIG nang may ilang segundong lindol ang Batangas, at nadama ito sa ilang bahagi ng Metro Manila, nitong Biyernes ng hapon. Ayon sa Phivolcs, naitala sa magnitude 6.3 ang lindol na ang sentro ay nasa 16 kilometro sa kanluran ng Nasugbu, Batangas dakong 1:28 pm. Inaasahan ang ilan pang aftershocks makaraan ang pagyanig. Bunsod nito, lumabas ang mga tao mula …
Read More »P.4M illegal pesticides kompiskado ng FDA-REU (Department store sinalakay)
TINATAYANG P400,000 halaga ng ipinagbabawal na household pesticides ang kinompiska ng mga operatiba ng Food and Drug Administration-Regulatory Enforcement Unit (FDA-REU) sa isang department store at ina-resto ang cashier nito sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Pinangunahan ni FDA-REU Officer-In-Charge ret. General Allen Bantolo ang test-buy ope-ration dakong 3:45 pm at nang makabili ang poseur-buyer ay agad isinailalim sa product …
Read More »Info for sale vs NPA aprub sa AFP
PINABORAN ng Armed Forces of the Philippines ang programa ng pamahalaang panlalawigan ng Negros na mag-alok ng pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon na magbibigay daan sa pagdakip o neutralisas-yon ng rebeldeng New People’s Army (NPA). Sa press briefing kahapon sa Palasyo, inihayag ni AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, “welcome” sa militar ang inisyatiba ng Negros provincial go-vernment na …
Read More »Bird flu outbreak idineklara (.5M manok kakatayin)
NAITALA na sa Filipinas ang unang bird flu outbreak, kaya susugpuin ang may kalahating milyong manok upang ma-kontrol ang paglaganap ng virus, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol nitong Biyernes. May 38,000 manok na ang namatay dahil sa Avian Influenza Type A Subtype H5 sa San Luis, Pampanga, ayon kay Piñol sa Mango Stakeholders Forum. Upang hindi na kumalat ang …
Read More »30,000 Marawi bakwit may war shock
HINDI nababahala ang Palasyo sa ulat na may 30,000 bakwit ang may war shock bunsod ng trauma na idinulot ng krisis sa Marawi. Sinabi ni Assistant Secretary Kristoffer James Purisima ng Office of Civil Defense, walang dapat ikalaarma sa report na may umiiral na “mental crisis” sa mga bakwit dahil tinutugunan ito ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nakatutok …
Read More »Call center agent patay sa karnaper
PATAY ang isang call center agent nang barilin ng isa sa dalawang lalaking nagtangkang umagaw sa kanyang motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Hindi umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Jayvee Dungon, 21, residente sa 201 6th Avenue, Brgy. 89, ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala sa dibdib at braso. Habang …
Read More »Preso patay sa heat stroke (Sa MPD PS3)
BINAWIAN ng buhay ang isang 25-anyos preso habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan, makaraan atakehin ng heat stroke dahil sa matinding init ng panahon at siksikan sa detention cell no. 3 ng Manila Police District (MPD) PS3, sa Sta. Cruz, Maynila. Ayon kay MPD Homicide Section PO2 Jonathan Ruiz, isinugod ng mga tauhan ni MPD PS3 commander, Supt. Arnold Tom …
Read More »P1.8-M shabu nadiskobre sa nagliyab na motorsiklo (Sa Antipolo City)
NADISKOBRE ng mga tauhan ng Antipolo PNP ang 280 grams ng shabu, tinatayang P1.8 milyon ang halaga, sa nagliyab na motorsiklo habang tumakas ang suspek nang makita ang nagrespondeng mga pulis sa lungsod ng Antipolo kahapon. Sa ulat ni Insp. Rolly Baylon, PCP-1 commander, kinilala ang suspek na si Rick Santos, 42, nakatira sa 09 Doña Justa Subd., Angono, Rizal. …
Read More »QC COP, 4 pulis sibak sa kotong
SINIBAK bilang hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5 si Supt. Bobby Glenn Ganipac makaraan kotongan ng kanyang tatlong tauhan ang kanilang inarestong hinihinalang drug pusher nitong nakaraang Linggo. Ayon kay QCPD District Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kanyang tinanggal sa posisyon si Ganipac dahil sa “command responsibility” makaraan kotongan ng kanyang mga tauhan …
Read More »No gift policy — NPDC
ISANG kakaibang polisiya ang ipinaiiral ngayon sa National Parks Development Committee (NPDC) at masasabing kauna-unahan na mangyayari sa anumang ahensiya ng pamahalaan – ang ‘No Gift Policy.’ Napag-alaman na isang malaking sign na nakalagay ang mga katagang ‘No Gift Policy’ ang ngayon ay sumasalubong sa mga nagtutungo sa tanggapan ni Penelope Belmonte, executive director ng NPDC. Ayon kay Atty. Paul …
Read More »P9 pasahe sa jeepney ihihirit ng transport group
MULA P8 pasahe, nais ng grupong PCDO-Acto na gawin itong P9 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel at matinding trafik sa mga kalsada. Sinabi ni Efren de Luna, presidente ng nabanggit na grupo, ihahain nila ang kanilang petisyon sa dagdag-singil sa pasahe sa susunod na linggo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Bukod sa mataas na …
Read More »Utos ng Sandiganbayan: Honasan, 8 pa arestohin sa P30-M pork barrel scam
INIUTOS ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay Senator Gringo Honasan bunsod ng sinasabing irregular procurement ng livelihood projects, P30 milyon ang halaga na inilabas mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF). “The Court finds that there is sufficient probable cause to hold the accused in this case for trial and issue a warrant of arrest for them,” ayon sa Sandiganbayan …
Read More »